Page No. 4

122 6 2
                                        

Dear Diary,

WAAAAHHHHHHHH!!!! As in ganun talaga yung sigaw ng puso ko kaninang umaga nung recess time namin. Bakit naman ganun yung reaction ko? Yung kababata ko kasi na kapitbahay ko dati na lumipat nang tirahan 6 or 7 years ago na nakita ko sa simbahan nung sunday na all time crush ko ay dito na pala nag-aaral, parehas kami nang year level dito sa A.G.N.A.H.S stands for Ang Gwapo Ng Author High School. Yun talaga ang name ng school namin, cool diba ng name diba? Well back to the story na nga muna. Sa canteen ko siya nakita kanina, at sure na sure ako na siya talaga yun.  Nagtataka lang ako kasi ahead siya ng 1 year naman siya sa akin eh. 

Nako, destiny na talaga tong matuturing diary no? Pero bakit lahat nalang na may magandang mangyayari sa akin eh may halo talagang konting ka  badtripan na eeksena. Una sa lahat medyo hindi ata niya ako na recognize kania, sinadya ko pa naman talagang magkasalubong kami sa canteen di lang naman niya ako pinansin. Grabe parang nadurog ata yung puso ko diary, pero sa bagay maliliit pa kasi kami nuon mga 5 years old kaming huling nagkita at hidni niya lang agad ako na mukhaan kaya ganun.

. Pangalawa, mukhang malakas ang kutob ko na pinupormahan ni Clifford Almantre si Jhenizze (dja-niz) my love so sweet ko. Magkasabay kasi sila kanina pero may mga kasamahan din naman nilang mga babaeng kakalse. First section kasi sila diary ako naman nasa 4th section, kaya lamang na lamang yung mokong nayun.

Kasi diary si Clifford Almantre lang naman ang tinaguriang hearthrob at crush ng campus dito sa Ang Gwapo Ng Author High School. Yun bang mala cassanova type na nababasa ko sa wattpad. Parang lahat nalang sa kanya ay madali eh, yung gusto niya makukuha niya. Mayaman, gwapo, crush ng campus, basketball player yan lang naman ang mga katangian niya diary. Gwapo din naman ako eh lamang lang ng sampung hilod siya sa akin. Pero si Dr. Jose Rizal talaga ang inspirasyon sa mga ganitong pangyayari. Akalain mo yun ang dami pala niyang naging kasintahan eh di hamak na matangkad at gwapo ako duon, yun lang matalino lang talaga siya.

Ang kailangan lang ay makausap at kaibiganin si Jhenizze my honey loves uli sa gayun ay magkalapit  kami and in that way makakalamang na ako kay Clifford at mapigilan ko ang plano ng mokong nayun, bwahahahaha. Okay ba plano ko Diary? 

Sige diary mauna muna ako at pupunta muna ako sa tindahan ng mangkukulam na aling nena na yun. Napag utuson kasi akong bumili ng napkin ni mamang yung with wengs daw. Weird naman.

P.S Bukas na bukas sisimulan ko na yung plano ko. Operation meet and greet with my loves Jhenizze haha.

P.S.s Baka gusto mo siyang makita diary, i post ko kaya? Huwag nalang baka malaman ko nalang sunod karibal na din pala kita. hahaha. XD

~ BOTCHOK lover boy ^_____^

Ang Math Notebook ni Botchok ( Diary )Where stories live. Discover now