Page no. 8

43 3 2
                                        

Dear M.N,

Pasensya na at matagal-tagal din kitang di nasulatan. Alam mo na busy sa school, sa studies and everything. Eeengk!!! Joke lang haha, tawa ka naman diyan joke kaya yun ako busy sa pag-aaral? Amazing.

Sa totoo lang M.N kasi ano eh, Si Jhenizze, . . yung kami na ^___^. Pero di pa lang niya alam hahaha grabe parang sabog yung utak ko ha grabe yung imaginations ko. Hinithit ko kasi yung isang karton ng Baoma na katol. Deh, na miss lang talaga kitang sulatan kaya lang, wala akong maisip na isulat pero mas na miss ko talaga si Jhenizze my labs ko huhuhu.

Ilang araw ko na kasi siyang di nakikita sa school, ano kayang nangyari duon. Or baka pinagtitripan na naman ako ni tadhana at ayaw niya kaming pagtagpuin. Aysus kong alam ko lang may crush din tong si tadhana sa akin at nagseselos siya kay Jhenizze XD.

Ay nga pala hahaha natawa tuloy ako, naalala ko lang. Jusmiyo,  nandito lang pala siya sa puso ko, kong saan-saan ko pa hinanap. . . Yun oh!

O.A ko naman di ko lang nga siya nakita ngayong recess time kong anu-ano nang pinag-iisip ko hihi.   

Buti nalang binalitaan agad ako ni Boknoy na may audition daw mamaya yung Drama-rama-ma Club sa theater room mamayang hapon. Ayiieeee! excited na tuloy ako, mag a-audition kasi si My Labs duon kaya pupunta kami.

Baka sabihin mo diyan stalker ako M.N ha, di noh! Stalker ka diyan, follower lang.

Sige M.N bye-bye na muna ha wala na kasing maisip si author, intindihin mo nalang may pinagdadaan ata hahaha.

Lubos na . . . ahm . . . basta yun na yun . . ,basta bating pangwakas na. XD

- Botchok

Ang Math Notebook ni Botchok ( Diary )Where stories live. Discover now