CHAPTER 6 -Tukmol ka!

108 4 0
                                    

Vote and Comment Please please please. :)

Chapter 6

Third Person's POV

Habang lutang ang isip ng dalaga, napagpasyahan padin nyang pumasok sa loob ng resraurant. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nabunggo sya ng isang babae na galing sa likuran nya na tulad nya'y kakapasok lamang. Hindi nya ito pinansin dahil lumilipad ang utak nya sa kawalan. Samantalang tarantang taranta naman ang babaeng nakabunggo sa kanya at humarap pa ito sa kanya.

"Nako hija pase----. Biglang nagbago ang itsura ng babae at ng kasama nitong lalaki. What are you doing here Adelicia?" Galit na sabi nito. Hindi naman nag angat ng tingin ang dalaga.

"Obviously, kakain. What do you expect? Matutulog?" Sagot ng dalaga. This time dahan dahan syang napaangat ng tingin kung sino ba ang nasa harap nya, para kasing pamilyar ang boses. Her eyes widened. Holy shit, sabi nya sa isip isip nya.

"M-mom, D-dad, H-hi hehe." Kagat labi syang kumamot sa ulo nya. Hindi nya alam kung ano ang gagawin, ni hindi sya makatingin sa Papa nya pero nakikita nya sa peripheral vision nya na titig na titig ito sa kanya.

Akmang magsasalita muli ang kanyang ina, ngunit sabay sabay naman silang nagulat sa biglaang pagsulpot at pagsalita ng binatang si Abcdef.

"Hey Mr. & Mrs. Quintin, Good afternoon. Nandito na pala kayo." Sabi ng binata at nakipag hand shake sya kila Dad at Mom.

"Hologram lang nila yan. Shunga nito." Pabulong na sabi ng dalaga. Hindi naman ito narinig nung tatlo.

"Oh do you know her?" Tanong ng binata kay Mrs. Quintin.

"She's our daughter./Anak nila ako!" Sabay na sabi ni Adelicia at ng kanyang papa.

ADELICIA'S POV

Napatakip ako ng bibig nung napansin kong sabay pala kami ni Dad na nagsalita. Duh, sana si mom nalang sumagot eh tss.

"Really? I didn't expect that. Let's have a sit first come on." Sabi nitong tukmol na 'to. Really daw? Duh! Hindi ba kapani-paniwala yon? Sipain ko 'tong tukmol na 'to! Bwisit. Sumunod nalang kami sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos Adelicia." Nakakatakot naman to si papa. Bigla bigla bumubulong. Sigh. Yaan mo Dad, sabayan kita sapagsermon sa akin mamaya, saulo ko na po yon promise! *pout*

Nung nakaupo na kami, sinimulan ko nang buklatin ang menu at maghanap ng oorderin ko. Mmmm may siomai kaya dito?

"Anyway hijo since nandito na ang anak namin, mabuti na sigurong kilalanin nyo ang isa't isa. Hija? Adelicia are you listening?" Sabi ni mama, ay kausap din pala ako ni mama. Istorbo, mamaya na nga lang ako oorder. Brrrr

"Yes ma?" I said

"Okay. Hija he is Abcdef Lourds, the owner of this restaurant. Abcdef? Sounds familiar. Psh. Alpabetong Pilipino! Uwaaaaaa hahaha. He's one of the greatest Chef here in Philippines at his young age. Walang may paki Mom. Ang haba naman ng intro! Ipapakilala lang eh! Psh. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na patango tango lang si Dad at itong tukmol na katabi ko nakatingin lang sa 'kin at nakangiti. Maraming branches ang restaurant nya, at pati sa ibang bansa ay magkakaroon na, right hijo?" Nakangiting sabi ni mama at tumingin pa sya kay tukmol, ngitian din naman sya nitong tukmol kong katabi. Aba aba, close sila.

"And hijo, She's Adelicia Quintin. Our daughter." Yong totoo ma, proud ka bang maging anakis ako? Ang duga duga naman eh! Bakit ganun lang intro mo sa 'kin! Samantalang dyan sa tukmol na yan, puro compliment! Kainis ka mom! Sana sinabi mo man lang na 'She is Adelicia Quintin. The most beautiful, sexiest, talented girl in the whole milky way! Tss edi sana natuwa pa ako sayo mom. Tsk tsk.

The Girl and The Two BrothersWhere stories live. Discover now