CHAPTER 20: SPIN THE BOTTLE

58 2 0
                                    

Spin the bottle

Adelicia's POV

Lumalalim na masyado ang gabi at halata sa mga muka ng mga kasama ko na naboboring na sila sa movie na pinapanoud namin. Pansin ko naman itong si Pen na pirmi ang sulyap niya sa akin. Ugh! May dumi ba ako sa muka?! Napailing nalang ako at inirapan ko siya.

"Inaantok na ako." Mahikab hikab na sabi ni Althea

"Magligpit muna tayo ng mga kalat natin bago matulog, lagot tayo kay Manager bukas pag nadatnan niyang nababoy ang studio." Sabi naman ni Kuya benj

Nagsimula na kaming magligpit, magwalis at pinatay na din namin ang TV. Grabe halos puro plastic ng chips at bote ng beer.

"Hey hey hey! Guise, bakit hindi nalang muna tayo mag spin the bottle" sabi ni kuya mark at nag wiggle wiggle ang mga kilay niya

"Like truth or dare?" Tanong naman ni adri

Tumango naman si kuya mark ganun din sina kuya benj, ally, at althea.

"Sali ako, para mawala antok ko." - althea

Nagkatinginan naman kami ni Pen at ngumisi siya, tumaas naman ako kilay ko at mataray kong sinabi na...

"Sasali din ako." Habang nakatingin pa din kay pen, nag iwas naman siya ng tingin at sinabi rin na...

"Count me in." Habang ngumingisi

Great then!

Umupo na kami ng pa-circle at napapagitnaan ako nila adri at ally

"So kung sino ang matatapatan ng nguso ng bote siya ang tatanungin kung truth or dare at ang mag uutos naman ay yung kasalungat niya or kahit sinong may gustong mag utos or magtanong." Pagpaliwanag ni kuya mark habang hawak ang bote

"Oo na Mark! Alam na namin yan!" Reklamo ni althea

At inumpisaham na niyang ikutin ang bote.

Ooooops! I'm safe! Dahil ang naturo ay si adri! At katapat naman nun si Kuya benj! Hahahaha

Nakabusangot naman ang muka ni Adri

"So adri, truth or dare?" Nang iinis na tanong ni kuya benj

"Dare!" Inis na sabi ni adri

Kinantyawan naman namin siya

"Aba matapang si ate, dare daw!" Pang aasar ni althea at nagtawanan naman kami

Mas lalo namang bumusangot ang muka ni Adri

"Subukan mo lang akong pahirapan Benjie! Malilintikan ka sakin!" Banta ni adri hahahaha

"Easy ka lang adri. So, dare kamo." Sabi ni kuya benj at nag isip ng malalim

Inirapan lang siya ni adri. Napatingin naman ako kay pen, at what the? Nakatitig siya sa akin. Ayon inirapan ko nga!

"Ipagtimpla mo ako ng kape adri." Sabi ni kuya benj kay adri at agad naman itong nagtungo sa kusina, pagbalik nya ay dala na niya ang kape.

"Masarap yan!" Pagmamalaki ni adri

Humigop naman si kuya benj at ayon nasarapan nga ang loko.

Si Adri naman ngayon ang nag ikot ng bote, tumapat naman ito kay kuya marl at si ally daw ang mag uutos or magtatanong sa kanya.

Napa-tsk si kuya mark at tuwang tuwa naman itong si ally

"So, truth or--" - ally

"Truth" putol ni kuya mark sa sinasabi ni ally

The Girl and The Two BrothersWhere stories live. Discover now