27

169 15 0
                                    

"May anim naman tayong kamuka sa mundo eh" napatingin naman ako kay Necole.

"Alam naman natin na may kamuka tayo. Oo 7 tayong mag-kakamuka pero kasi kamuka nya talaga eh Necole! Tapos kasing tangkad nya ata tapos ano! Basta! Kamuka nya nakakakilabot" gusto kong matawa ng may padagdag pa syang 'nakakakilabot'.

"Oo nga ikaw ba namang makita yung kamuka mo syempre mag tataka ka di ba?" Napatango kami kay Clade ng sabihin nya yon.

"So anong gagawin natin?"

"Gagawin?" taka kong tanong kay Micko.

"Syempre dapat may gawin tayo hindi mo naman hahayaan na lilipas lang yon di ba?" Tumango ako bilang pagsang-ayon "Syempre na curious ka? Kaya dapat mo yung pag-tuunan ng pansin para ma sagot lahat ng katanungan mo"

"Ay wow ang nice!" At tumayo si Tris saka pinalakpakan si Micko natawa kami.

"Who's agree with me?" Saad ni Micko at inilagay ang kamay nya sa gitna.

"Me" saad ni Kim at ipinatong ang kamay nya kay Micko.

"Ako" ani naman ni Cheska at ipinatong din ang kamay nya.

"Ako din" saad ko at nagsipatungan na kami at napatingin ako kay Kuya na naka steady lang.

Hindi sya sang-ayon?

"O-oh bro ayaw mo ba?" Tanong ni Micko sa kanya.

"Gusto pero" tumingin sya sakin "Ako ang kapatid dito eh, ako dapat ang nakakaisip ng bagay na yan, ako dapat ang mag reresulba pero" ngumiti sya at ipinatong na din ang kamay nya NICE! "Walang iwanan sa magkakaibigan! Sabay sabay nating resulbahin yan!"

"Sabay sabay natin resulbahin!!" Sigaw namin.

"Walang iwanan!!!" At saka namin itinaas ang mga kamay namin.

"MAIBA TAYA!!!" natawa kaming lahat ng isigaw yon ni Tris ibang klase talaga hahaha.

"HAHAHAHA!!!!" Tawa naming lahat.

Hays iba talaga kapag may totoong kaibigan.

Napa tingin ako sa may bag ko ng tumunog ang cellphone ko.

Napatingin din sila kaya agad kong binuksan ang bag ko at kinuha yon.

(Stranger calling........)

Hmmm? Ngayon lang ule tumawag to ah?

"Ah sagutin ko lang" saad ko at lumayo sa kanila.

"U-uh hello" pagkasagot ko ng tawag.

"Hey magsalita ka naman" syempre walang sumasagot.

"Ano ba? Ha? Lagi kang tumatawag pero hindi ka naman nagsasalita? Nangtritrip ka ba?"

"Isa, Mag salita ka" naiirita kong saad.

"Nakakabwisit ka naman!" Napasigaw na ako "Ano bang problema mo? Tawag ka ng tawag pero hindi ka naman nagsasalita, sino ka ba? Anong pakay mo sakin? Ha?"

Wala talagang sumasagot.

"Ibababa ko na to" at akmang pipindutin ang end call ay may nagsalita.

["Don't"]

Natulos ako. L-lalaki! Pang lalaki ang boses!!

So ibig sabihin lalaki yung kausap ko nung mga araw na humingi ako ng pabor? Ha!! Nakakahiya!! A-akala ko babae yon kaya ako humingi ng pabor.

Ang tanga mo talaga Ada!!!

At napapikit ako dahil sa hiya!!

"A-ah e-eh haha may boses k-ka naman pala eh" nauutal kong sabi.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now