2

568 55 0
                                    

"Adajera Waniwan" saad ni Ma'am.

Tumayo ako at pumunta na sa harap. Napatingin ako sa upuan ni Cheska. Nag thums up siya sa 'kin para palakasin ang aking loob. Napangiti ako, hindi kasi ako sanay sa maraming tao. Kumbaga mahiyain ako. Kaya ayoko ring mapalayo sa kaniya dahil lagi niyang inaangat ang loob ko. Saka lang talaga magboboost ang confidence ko kapag kilala ko na ang mga makakasalamuha ko.

Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"My name is Adajera Waniwan,
I am 14 years old"

I start to sing. Still the one. That was the song. My favorite song.

Pagkatapos ko kumanta ay umalis na 'ko sa harapan. Nahihiya akong umupo sa upuan ko.

"Ang galing mo" bulong ni Cheska.

"Salamat" gumaan ang loob ko.

"Okay, so that's for today. See you tomorrow" anunsyo ng teacher at lumabas na ng classroom.

"Hays! Torture to, parang magpapakilala lang tayo ngayong first day" saad ko.

"Nararamdaman ko rin yan" ani ng katabi ko.

Dumaan ang ilang subjects at tama nga ako, puro lang introduce yourself, hays kaboring argh. Dumating na ang breaktime lumabas na kaming classroom at pumunta sa canteen.

"Ano gusto mo?" tanong ni Cheska sa'kin.

"Uhm sandwich na lang at tubig" sagot ko.

"Akin na 'yung pera mo at hanap ka nang upuan natin, baka mawalan pa tayo"

Napatango na lang ako at nagbigay sa kanya ng pera. Siya lagi 'yung bumibili ng pagkain namin, mahaba ang pila at lagi syang nakakasingit. Maganda e, pinapadaan nila saka friendly din kasi siya kaya madaming mabuti sa kaniya.

Naghanap na 'ko ng bench at saka umupo do'n, nilabas ko muna ang cellphone ko para mawala ang boredom ko sa paghihintay sa kaniya. Binili ni Mama itong cellphone ko nung grade 7 ako, kasi kailangan din e, tatlong taon na sakin to at inaalagaan ko talaga ito para may magamit ako. Sayang naman pag nasira.

Nag Facebook muna ako, natutunan ko lang din 'to nung grade 7, curious ako at naadik na rin, si Cheska, 500 mahigit reacts niya lagi, hindi naman ako naiinggit, talagang namamangha ako sa dami ng supporters niya.

Tinignan ko ang messenger ko, may messege akong nakita kaya napangiti ako dahil may message niya.

Bestfriend: Hi bestfriend saan kayo?

Isa pang bestfriend ko si Micko, gwapo, matangkad, singkit, maputi, habulin ng babae, at may abs pa siya. Grabe nasa kaniya na ang lahat. Naalala ko dati, nagmemeryenda kami sa bahay nila, gumagawa kasi kami ng project, kumuha siya ng juice noon, hawak ko kasi 'yung globo at malaki yon, di ko masyadong makita daanan ko at 'yon, nabunggo ko siya. Natapon yung juice sa aming dalawa,pero mas marami yung natapon sa kaniya. Buti nga hindi nasira yung project e. Then naghubad siya, nakita ko 'yung abs niya. Gulat talaga ako noon.

Adajera: Nasa may bench malapit sa backstage.

Bestfriend: Okie! sige punta ako diyan.

Adajera: sige sige.

Minsan nagtataka rin ako sa kaniya,
bakit wala siyang girlfriend? Ang daming magaganda kaya sa school namin. Ang daming nagkakagusto sa kaniya, Tinanong ko siya minsan pero sabi niya, may hinihintay daw siya kaya hindi na ako nangulit.

Nakita ko si Cheska papalapit sa pwesto ko na dala ang pagkain namin.

"Oh eto" inabot niya sa'kin ng sandwich at tubig.

"Salamat, ay nga pala Che pupunta raw dito si Mikmik "

"Yieee! Ang isa na 'yon!" sabi niya at saka sundot sa tagiliran ko. Gagi, may kiliti ako doon e.

"Huh? Napano?" Tanong ko.

"Ay tanga ang manhid mo talaga"

"Aray ko naman" reklamo ko nang batukan niya ako.

Nakita namin si Micko, kasama si Kuya. Madami ang napapatingin sa kanila kasi nga pogi raw. Tsk puro na lang pogi 'yung gusto.

"Bestfriend!" Hindi natuloy na yakapin ako ni Micko dahil pumagitna si Kuya.

"Eto naman si Aji eh! Isa lang na yakap" pacute niyang sabi.

Childish. Cute.

Ang cute niya, natawa na lang ako
At nalipat ang tingin kay Kuya. Nakatingin lang siya ng seryoso kay Micko, medyo nakakaramdam ako ah.

"Kuya" agaw ko ng attention sa kaniya. Lumingon siya sa akin nang nakangiti, baliw.

"Sasabay ka rin ba sa amin mag recess?"

"Syempre naman sasabay siya 'di ba?" naka puppy eyes na sabi ni Cheska kay Kuya.

Crush ni Cheska si Kuya, pero hindi niya sinasabi dahil baka magbago bigla ang tingin niya kay Cheska. Kaming dalawa lang ang nakakaalam. Sikreto lang talaga namin 'to. Napailing ako, kawawang Cheska at manhid na si Kuya.

"Hindi, next time na lang. Kasabay ko kasi sila Matt e. Sinamahan lang namin itong Micko gusto ka raw makita" pagkausap sa akin ni Kuya.

"Ah ganon ba? Sige next time" humarap ako kay Micko "Bakit naman gusto mo 'kong makita ha?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Wala lang, namiss lang kita"

Phew, talaga ba?

"Nagkita lang tayo nung isang araw ah?" nagtataka kong tanong.

"Basta namiss kita" at saka siya yumakap sa akin.

"Oh kalas na" pagpaparinig ni Kuya.

Natawa na lang ako at saka kinalas ang yakap sa kaniya.

"Namiss din kita" dahil sa sinabi ko ay ngumiti siya.

"Sige na pinuntahan lang kita kasi gusto kitang makita" sabi niya at pumunta na sa mga kasama niya.

"Sige sibat na kami"

"Bye" kaway ko sa kanila habang papalayo sila.

"Hays magkapatid nga kayo, parehas kayong manhid"

Napakibit balikat na lang ako dahil sa bulong ni Cheska.

"Ang daming may RP ngayon" pagsabi niya habang nakatutok sa phone niya.

"RP?" Napapadalas ko marinig 'yan ah.

"Oo hindi mo ba alam 'yon? Uso ngayon sa bansa natin 'te" binaba niya ang phone niya at tinignan ako.

"Ano ba 'yung RP at RPW? naririning ko kasi diyan sa usap-usapan"

"Hays girl outdated talaga 'tong babaeng to? RP means ROLE PLAY pag RPW naman ROLE PLAY WOLRD kumbaga sa facebook gagawa ka ng account, then kahit anong gusto mong gender pwede, you can be a boy or a girl. Laro lang ang lahat ng nandoon. Wag mong seryosohin. Pwede ka rin humanap ng jowa doon" pagpapaliwanag niya.

"Malay ko ba! Saka hindi naman kasi ako masyadong gumagamit ng social media nitong bakasyon duh" katwiran ko. "At saka ano jowa?" Wow? Pwede 'yon?

"Yep! Jowa, boyfriend, girlfriend. Kasi nga 'di ba, para lang may pag libangan ka kaya ka magjojowa doon" saad niya "At saka madaming nagta-try ngayon na kabataan tulad natin kasi nga because of boredom." patuloy niya pa.

Grabe, libangan, jowa? Laro na pala 'yan ngayon?

"Ah"

"Try mo kayang pumasok sa RPW?" Tanong niya sa akin.

"Ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Ay hindi yung nasa likod mo" sabi niya kaya napatingin ako sa likod ko, wala namang tao kaya binalik ko sa kanya ang tingin ko. Ayon nakafacepalm siya.

"Syempre ikaw, tanga mo rin talaga e. Syempre parang ang bored naman ng buhay mo Ada"

Oo nga naman, tama siya. Bored na rin ako sa bahay. Pero ayokong itry.

"Oh ano you want to try?"

-2-

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now