6

357 33 0
                                    

So ayon, nireplayan ko na. Baka nabobored din kasi siya. Bored din ako.

Vonny Love: Your name is pretty

Englishero ba talaga to? Oh my god! Nosebleed ako rito! Send help.

Rein Angel: Ah yes, just like me

Nakangiti ako habang sinend ko ang reply ko. Mukhang ewan, parang komportable siyang kausap.

Vonny Love: Oh really? So where are you from?

Oh really? Ha?! Nakakainsulto ha! Hindi naniniwalang maganda ako, 'wag ka sanang liparin' baka mainlove pa sa 'kin to pag nag send ako ng picture. Charot.

At ano raw? Taga saan daw ako? So ano 'to? interview? May company ba siya? Ipapasok niya ba ako sa company niya? Oh my god!

Rein Angel: Ahm nueva ecija, how about you?

Balik na tanong ko rin sa kaniya. Baka taga America 'to. Ang galing pa naman mag english, paturo nga ako minsan sa kaniya. Hehe.

Vonny Love: Okay

Simpleng sagot niya. E?

Rein Angel: Okay

Matipid siya mag sagot syempre ako rin dapat. Hindi pa sinagot 'yung tanong ko. Hay ewan, 'di naman ako curious.

Pagkatapos ay hindi ko na siya hinintay na magreply pa. I off my data already and I lay on the bed.

Napatingin ako sa alarm clock ko na nasa ibabaw ng lamesa, katabi ng kama ko. 09:22 pm na pala. Puyat na naman ako. Ayokong nabibitin ang tulog ko. Hays makatulog na nga lang, I closed my eyes and wrapped myself a comforter.

"Hihihihi"

Nagising ako dahil sa bungis-ngisan, hindi ko muna idinilat ang mata ko kasi inaantok pa ako.

"Hihihihi"

Tuluyan na akong napamulat, pagkamulat ko kaharap ko na ang cellphone. Hmm, cellphone lang pala.

Napabalikwas ako ng bangon dahil kinukuhaan pala ako ng picture nila Kuya. Wahhh!

Agad akong nagtalakbong ng kumot, narinig ko ang malakas nilang tawanan. Sheesh, ang ganda naman ng pang gising nila sa'kin. Nakakasama ng loob. Bitin tulog ko!

"Yuck Ate, you are so iww! You have saliva on your cheeks iww" grabe naman maka iww. Arte?

Tinignan ko si Kuya, siya na naman may pakana nito. Gantihan ko nga mamaya.

"Tangina mo Kuya!" Napamura ako.

Ako ang laging target nila pagtripan. Ako ang laging inaasar, at ako ang nahuhuli ng gising kaya ayan. Ginagawa nila sa akin 'to.

Torture!

"Pangit mo talaga Ada, tulog mantika amp"

Pangit kabonding.

"Heh! Pangit pangit ka diyan! Pangit ka kasi kapatid kita, nagmana lang naman ako sayo!"

"Pero 'yung height hindi, kawawa"

"Umalis na nga kayo rito sa kwarto ko! Ang pangit ng gising niyo sa'kin. Nakakaasar kayo ah, bitin tulog ko" binato ko sa kanila ang unan. Sinangga naman ng mga bwisit.

"Good morning Ada" biglang sabi ni Mama sa may pintuan.

Nakaapron siya, halatang nagluluto. Bumangon ako at niyakap siya.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now