"Oh. Matapang na mga bata. Tss. Mana si ina."- natatawang wika ng totoong Hades.

"Alangan naman kung sa'yo diba? Ano ka? Sinuswerte?"- pang-aasar ni Cristel na ikinagalit nito. Kaya naman tinirahan na naman sila ng dark ball na may lason ngunit iniwasan  lang nila ito.

Samantalang patuloy lang sa pakikipaglaban ang mga estudyante sa natitirang galamay ni Hades. Tumulong na rin sina Dannaya at Zaffiro. Si Cristan at Cristel naman ay patuloy lang sa pag-iwas sa mga tira ni Hades at pagmakatempo naman ang dalawa ay ibinalik rin nila ang lakas ng tira ni Hades sa kanila gamit ang light ball na kahinaan ni Hades.

Walang nag papahinga sa kanila at bakas na sa lahat ang pagod sa kanilang mukha. Nang tinirahan nina Cristel at Cristan si Hades at hindi ito naiwasan ay napaigik ito at halata ang sakit sa mukha.

"Kaya pa, Hades?"- tanong ni Cristel. Ngunit ngumisi lang si Hades at...

"Giant Dark Ba–"-

"Hmp! Not so fast. Go babies gawin niyo na ang kailangan ninyong gawin."- sabi ni Dannaya na pinigilan sa leeg si Hades gamit ang kapangyarihan niya. Si Cristan at Cristel naman ay agad nagsanib. Pagkatapos ay may binigkas na latin sina Cristan at Cristel.

"Lux potentia. Deae plurimum deorum. Godess lucem,
ut ego te praebueris fabuloso pila vitae. Semel pila, ut
est mater mea erant. Et pila lux vitae fabulosus qui
chao auferetur ab his duobus anteactis decenniis ago.
Nos mos prohibere commodare hoc gula pri- morum
tenebris regem in sempiternum."- sambit ng dalawa at lumitaw naman ang legendary light ball of life na dating tumapos sa kasamaan ng dating reyna. At ito naman ngayon ang tumapos sa pagkagahaman sa hari ng kadiliman.

"Hindi maaari! Hindi!"- sigaw ng hari ng unti-unti na itong nilalamon ng liwanag ngunit hinila ng hari si Dannaya.

"Not our mom, idiot!"- sigaw ni Cristel at binato ng light ball si Hades kaya nabitawan nito ang reyna.

Naghiyawan ang lahat ng bumalik na ang liwanag at nawala na ang mga kampon sa kadiliman.

"Mabuhay ang light mages!"- sigaw ni Zaffiro.

"Mabuhay!"- sigaw ng lahat.

Nagyakapan ang mga estudyante sa labis ng tuwa. Nag group hug naman ang mga royalties kasama sina Dannaya, Zaffiro at si Queen Czia.

"Tapos na ang lahat."- masayang bulong ni Cristel.

"Nagtagumpay na naman tayo."- sabi naman ni Dannaya.

"Zaffiro, anak."- tawag ni Queen Czia kay Zaffiro na dating Hades.

"Ate Dannaya, patawarin niyo po ako sa mga nagawa ko. Pero maniwala kayo simula no'ng akala ko na nakuha kita nakakita ako ng mga kung ano-ano na nagpapabago lagi sa aking desisyon. Kaya pala. Dahil isa pala talaga akong light Sapphirian."- anito at tahimik namang umaagos ang kanyang mga luha.

"Ayos lang, Zaff. Kaya rin pala iba ang pakiramdam ko sayo. At ngayon alam ko na rin kung bakit ka minahal ng isa kong guardian na reyna ng tubig na si Eurybia."- sambit ni Dannaya na ikinagulat at kalauna'y ikinalungkot nito.

"Napatay ko ba talaga siya, Ate?"- malungkot nitong tanong. Ngunit hindi pa nakasagot si Dannaya nang may tumawag sa kanya.

"Zaffiro. Mas bagay pala sa iyo ang tunay mong pangalan, mahal ko."- bigla namang lumingon si Zaffiro at agad lumiwanag ang kanyang mukha ng makita niya si Eurybia.

"Eurybia."- anas nito at sinugod niya ng mahigpit na yakap ang dalaga.

Sa wakas nagtapos na rin ang masalimuot na pahina ng mga buhay nila sa kanilang mundo.

'Dannaya's pov'

Nagtitipon kaming lahat ngayon dito sa Diamond Kingdom. Selebrasyon para sa aming pagkapanalo.

"Little sis, hindi parin ako makapaniwala na may kapatid pa pala tayo."- hahaha namamangha parin si Kuya Czaqary at hindi maka move on sa aming isiniwalat sa kanya.

"Oo, Kuya, at bunso natin siya. Hmm Zaffiro. Sapphire in english. Kaya pala noh?"- natatawang wika ko.

"Oo. At sa wakas maging tahimik na rin ang ating daigdig."- sabi ni kuya na sinang-ayunan ko naman.

"Oo, kuya."- hmm kay gaan sa pakiramdam.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong bulwagan. Nakita ko naman si Eury at Zaff na nag-uusap at ang mga bata naman ay masayang nagsasayawan. Masayang-masaya sila lalo na ang aking mga kambal sa piling ng kanilang mga minahal.

'Zaffiro Dwaye Allas's pov'

Masaya ako. Masayang-masaya ganito pala ang pakiramdam ng may pamilya. Kaya pala paiba-iba ang aking desisyon dahil hindi ako likas na masama.

"Zaffiro, ako'y magpapaalam na saiyo."-nabaling naman ang aking tingin kay Eury ang babaeng tunay kung minahal sa likod ng anyo ng aking kapatid na si ate Dannaya.

"Bakit? Iiwan mo na ba ako?"- tanong ko sa kanya.

"Ibang mundo ang aking tahanan, mahal ko."- aniya sa malungkot na bose.

"Hm, akala ko ba mahal mo ako?"- tanong ko sa kanya. Haha saklap naman oh.

"Mahal kita ngunit hindi naman pwedeng manatili ako dito."- aniya.

"Pwede naman akong sumama sa iyo eh."- sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Totoo? Sasama ka?"- tssk anong akala nito pababayaan ko siya? Hell no!

"Oo dahil mahal kita."- sabi ko at hinalikan siya. Napangiti na lang ako ng maramdaman ko na tinugon niya ang aking halik.

Una siyang kumalas sa aming halikan kaya napangiti na lang ako.

"Masya ba kayo?"- napalingon kami sa bagong dating. Si ate at kuya lang pala.

"Oo, Ate, Kuya."- sabi ko at inakbayan si Eury na namumula ang mukha.

"Halata sa mukha mo, little bro."- nakangiting sabi ni Kuya.

"Sige ha. Enjoy kayong dalawa."- sabi pa nila bago lumapit sa kanilang mga kaibigan. Niyakap ko naman ulit si Eury.

Masaya ako hindi huwad na kasiyahan. Totoo at damang dama ko ito. Salamat naman at binigyan pa ako ng pagkakataon na maging masaya.

--------------------
End of Chapter 31

One chapter to go at epilouge na... At hindi ako umabot dito kung wala kayo guys. So maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Mahal ko kayo😘

Salamat sa inyong suporta sa akin.

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now