"Kayo rin. Mag-iingat kayo. Sana ito na ang huling laban."- ani Czacky. Na sinang-ayunan ng lahat.

Nagpaalam na ang aming mga kaibigan hanggang sa kami na lang ang nandito sa conference room. Kasama pa namin si Kuya at Iceanna.

"Little sis, mag-iingat ka ha."- bilin ni Kuya sa akin at tumayo ito at lumapit sa akin.

"Ikaw rin, Kuya. Mag-iingat ka. Kayo."- sabi ko rin sa kanila. Niyakap niya naman ako at nagpaalam na rin.

Hindi na kami natulog pa sa halip ay tinipon namin ang lahat ng kawal at pinagmamatyag sa paligid. Alam ko ilang patak na lang sa  orasan at susugod na ang mga tauhan ni Hades na inasign niya na lumusob sa amin.

Kailangan mabigyan ko ng babala ang mga bata upang makapaghanda sila.

'Cristel's pov'

Nandito kaming lahat ngayon sa sala. Dahil ni isa sa amin ay hindi dinalaw ng antok. Iba ang ihip ng hangin at iba ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ngayon na ba magsimula ang kinakatakutan naming digamaan.

"Hey, ayos ka lang ba?"- tawag pansin ni Blaze sa akin. Kaya nilingon ko siya at nginitian ng tipid.

"Yeah, ahm medyo nag-alala lang."- sagot ko sa kanya.

"Don't worry. Alam ko na mananalo tayo. Dahil nasa atin ang mabuti at liwanag."- aniya sa akin. Tumango naman ako at tumahimik na lang.

Ilang saglit pa ay may gustong pumasok sa aking isipan. Isang malakas na kapangyarihan at iisang tao lang ang alam ko na may ganitong diwa. At si ina yon. Kaya hinayaan ko na ito.

'Mabuti naman at hinayaan mo akong makapasok sa iyong isipan anak.'- sambit ni mommy sa akin.

'Bakit mom? Hindi ba't madali ka lang naman makapasok sa aking isipan? Tulad no'ng nagdaang buwan?'- tanong ko kay mom dahil yun ang totoo.

'Noon anak. Ngunit tila nahasa mo ng husto ang iyong kapangyarihan ngayon. Hindi na ako madaling makapasok hindi na tulad noon.'- oh! So nakatulong pala yung mga pag sasanay namin? Teka. Nakauwi na kaya si mom? Bakit parang naramdaman ko ang diwa niya dito sa Sapphire?

'Mom? Nakabalik ka na ba?' tanong ko sa kanya. Alam ko na hindi pa niya pinutol ang kumunikasyon namin.

'Oo, anak. At may babala ako. Please anak mag-iingat kayo. Dahil bukas susugod na si Hades. At d'yan sa academy ang target niya. Tulad no'ng una.'- nagulat ako sa tinuran ni mommy. Mas natatakot ako ngayon. Gusto kong umiyak ngunit alam ko na man na hindi ito makatulong. Kailangan kong maging matapang at matatag.

'Salamat, mom. Mag-iingat kayo. I love you po. Please tell dad that we love him.'- ani ko kay mom. Naramdaman ko na man ang pa unti-unting pagkawala ni mom.

"Hey! Cristel?! What happened?"- nagulat pa ako sa pagtawag ni Kuya sa akin. Kaya napalingon ako sa kanila at na sa akin ang kanilang paningin at puno ito ng pag alala.

"K-kuya. Ahm i'm fine po."- nasabi ko na lang.

"No. You're not fine, baby. Umiyak ka eh."- sabi ni Blaze. Kaya hinawakan ko ang aking pisngi and yeah may luha nga. Kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ahm... Kuya, nakauwi na si mom. But may bad news.. Bukas na daw lulusob si Hades."- sabi ko sa kanila. Napanganga naman silang lahat sa gulat.

"No... I mean halina kayo! Puntahan natin si Hm. Dapat ma secure natin ang kaligtasan ng mga estudyante na hindi pa handang lumalaban!"- Nagmamadali na turan ni kuya makalipas ang ilang sandali. Kaya nang tumayo ito ay agad namin siyang sinundan.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now