"Happy birthday magandang dilag!" Bati ni Monay sa akin.

"Salamat Monay." Tipid kong sabi sa kanya.

"Now, now. Birthday na birthday mo halatang di ka masaya. Magmula nung di na nagpakita ang gagong yun, palaging malungkot ang mga mata mo kahit nakangiti ka Dei."

Tumingin ako kay Monay at napasimangot. "Wala talaga akong takas sayo."

"Of course, best girl friend kita kaya alam ko kung masaya ka o hindi. "

"Huwag na lang natin siyang pag usapan. Sige magtatrabaho na ako. "

The usual day. Abala ako sa pag tatrabaho at hindi ko namamalayan na alas singko na pala ng hapon. Kung kaya dali dali akong nag time out at nagpaalam kay Monay. Pupunta naman siya sa bahay para makikain daw.

Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang pumpon ng sunflowers na nasa ibabaw ng higaan ko. Kaya napanganga ako.

"Wow.." Yun lang ang nasabi ko at pinulot ko ang bulaklak. Nakita kong may card na nakaipit sa pagitan nito at binasa ko iyon.

"Maligayang kaarawan mahal kong Thadei.."

Napakunot noo tuloy ako. "Maka mahal naman to!" Naisip kong sila Lei siguro ang nagbigay ng sunflowers sa akin. Alam nilang paborito ko ito. Kaya mamaya magpapasalamat ako.

Nagpahinga muna ako saglit. Nasa likod ng bahay ang munting salo salo at hindi hinayaan ni nanay na pumunta ako doon at tumulong. Kaya na daw nila.


PAGKATAPOS kong maligo ay nagbihis na ako. Isinuot ko ang bestidang pula na binili para sa akin ni nanay. Napaisip nga ako kung magkano ang bestida kasi mukhang mamahalin ang tela. Sobrang lambot sa kamay. Isang spaghetti strap red flowy dress ang isinuot ko pagkatapos ay pinaresan ko ng flat sandals na kulay puti. Bili din ni nanay.

Nilagyan ko na din ng light make up ang aking mukha. Ayokong mapansin nila nanay na maputla ako. Inilugay ko lang ang aking buhok at inipit sa taenga ko ang pinamaliit na sunflower.

Nang makontento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako at nagpunta sa likod ng bahay. Ngunit kung anong mangha ko ng makita ko ang sunflowers sa kwarto ko ay may namangha ako sa ayos ng lugar. Madaming sunflowers ang nakalagay sa halos lahat ng sulok ng pagdarausan. At may may mga Christmas lights sa mga puno. Parang mga bituin sa langit. Nagsisikislapan.

"Happy Birthday Thadei!!!" Kasabay ng pagbati nila ay nagsipaglaglagan ang nga petals ng bulaklak mula sa taas.b

Napaluha ako at napatakip ng aking mukha. Grabe ang effort nila sa pagpapasaya sa akin sa birthday ko.

"Salamat sa inyo. Salamat.." Humihikbing sabi ko.

Niyakap nila ako isa isa kapagkuwa'y hinaplos ni nanay ang aking mukha.

"Kaunti lang ang naitulong namin sa pag aayos para sa birthday mo anak." Nakangiting sabi ni nanay.

Napahinto ako sa paghikbi at napakunot ang aking noo.

"Ang lahat ng 'to ay gawa ng taong nasa likuran mo anak.."

Bigla akong napalingon sa likod ko at doon, ilang hakbang mula sa akin. Nakatayo ang lalaking gabi gabi laman ng panaginip ko.

Nakangiti siya sa akin pero di ko magawang ngumiti sa kanya. Bigla akong umiwas ng tingin. At mabilis ang hakbang na pumasok sa bahay namin.

Isasara ko na lang ang pintuan sa kwarto ko ng biglang may humarang dito.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon