MFBH - 21
KINT' S POV
"Anong ginagawa mo dito King?" gulat na tanong ko kay King
Oo si King ang lalaking nasa harapan ko, hindi ko alam kung anong sadya nito
"Bakit mo kasama yung lalaki na 'yun ah?" tanong nito sa akin pansin ko ang pag bakat ng kanyang panga dahil sa paraan ng kanyang pag kakasabi ng mga salitang iyon
"at ano naman sayo?" tapang tapangan kong sagot sa kanya kahit na katunayan ay halos bumagsak na ako sa aking kinakaupuan dahil sa tindi ng kabang aking nararamdaman
pansin ko naman ang bahagyang pananahimik nito sa naging sagot ko, marahil ay hindi niya inaasahan na sasagotin ko siya.
"wala naman, future husband mo lang naman ako" sagot nito sa akin na siya namang ikinatamik ko
Hindi na lang ako sumagot at saka ko pinag patuloy ang pag lalakad ko
hindi ko na sinaraduhan ang pintuan bahala na sya kung papasok sya o hindi
Binaba ko muna yung supot na may lamang pag kain na bigay ni Xyrill, bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko para mag palit ng damit pag araw araw
na agad din naman ako nakapag palit kaya agad din akong lumabas sa kwarto ko para silipin si King kung pumasok ba ito o hindi
Pag labas ko hindi ko nakita si King, siguro ay umalis na ito
kaya naman tumuloy na lang ako kung saan ko nilapag yung pag kain kanina
Nagulat pa ako na wala na dun yung pag kain na nilapag ko
kaya naman asar akong napa upo
kanina pa naman ako nagugutom
"Ouch!" daing ko dahil napatama ata yung sugat ko sa upuan na inupuan ko
ayst may mga sugat pa pala ako dahil sa kakagawan nila Andrea kanina
kaya naman sinubsub ko na lang yung mukha ko sa lamesa
bigla ko na lang na alala yung mga sinabi sa akin ni Tanya
___ __ _
"Alam mo ako ang naaawa at na sasaktan sayo e! kung patuloy kang mag papa api sa kanila lalo ka lang nilang sasaktan, hanggang sa nakikita nilang di ka lumalaban mas lalo ka nilang pag iinitan time na siguro para lumaban ka na Kint, hindi masamang lumaban pero ano tingnan mo yang sarili mo, maawa ka naman"
___ __ _
Alam kung may tama sya sa mga sinabi nya pero ayaw ko talagang gumanti e kasi baka mas lalong lumala
Pero parang mas lumala lang ata dahil hindi ako lumalaban kasi nga tama nga si Tanya
hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi ako lumalaban
" Tok tok " tunong ng pintuan kaya naman nawala ako sa aking pag iisip
kaya naman tumayo ako para pumunta sa may pintuan para tingnan kung sinong pumasok
![](https://img.wattpad.com/cover/238813209-288-k214300.jpg)
YOU ARE READING
MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.
RomanceAng gusto lamang ni Kint Arnaiz ay tahimik na buhay, makapag aral ng walang nambubully sa kanya at walang ng aapak sa kanyang pag katao, ang tahimik na buhay na kanyang inaasam ay mag yayare pa kaya kapag nalaman ng mga estudyante na nag kakandarapa...