MBFH-13
ANDREA'S POV
Nakahiga ako ng makaramdam ako ng gutom kaya naman na pag pasyahan kung bumaba
dahan dahan akong bumaba pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng makita ko si Mommy na parang may ka usap
Kaya naman pasimple ko itong sinilip at doon ko nakita ang isang lalaki na sa tansya ko ay kasing edad lang din ni mommy
Para itong nag tatalo kaya mas mina buti kung pinakinggan ang mga ito
"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya Silvia " Ika ng lalaki kay mommy na tinawag pa si mommy sa kanyang panggalan, agad ko namang nakilala kung kaninong boses ito, kay tito
"Natatakot ako Francisco!" sagot naman ni mommy sa kanya halata sa boses ni Mommy ang takot, ramdam ko rin na pabagsak na rin ang kanyang luha
"Wala kang dapat katakutan Silvia, hindi naman natin sinasadya ang ng yari sa atin noon, ipaliwanag lamang natin ng maayos sa bata" sagot naman ng lalaki na nag ngangalang Francisco.
Aalis na sana ako dahil alam kung boring ang usapan ng matatanda at saka kilala ko naman talaga si Tito Francisco pero dahil sa kanilang pinag uusapan nag karoon ako ng interes na mas pag butihin ang pakikinig
"Kahit na, natatakot ako baka mapapatay ako ni Diego" sagot sa kanya ni mommy at doon na tuluyang bumagsak ang kanyang luha, narinig ko pa ang mahinang pag hikbi nito
Lalo pa akong nag karoon ng Intes ng marinig ko ang pangalan ni Daddy
"Ikaw ang bahala Silvia , basta ako sasabihin ko na kay Margarita ang lahat lahat, nakukunsesya na ako lalo na't may dalawa kaming anak" ika naman ni tito Francisco
Naguguluhan man ako sa kanilang pinag uusapan mas minabuti ko pang makinig dahil sa tansya ko may malalaman akong sekrito, isang malaking sekrito na alam kung balang araw ay magagamit ko sa kanila
"Kung ako sayo Silvia sabihin muna sa anak natin ang totoo!" dagdag na saad pa ni tito Francisco na lalong nag pagulo ng akimg isipan
Anak? may anak si mommy at si Tito Francisco? bulong ko sa aking sarili, hindi pwede
"Natatakot ako Francisco na baka pag sinabi ko kay Andrea ang totoo kasuklaman ako ng bata" sagot sa kanya ni mommy
Andrea? ilang segundo ring nag loading sa aking isipan ang pangalan kong iyun, ako ay anak nila tito Francisco at Mommy Silvia,
ako ang tinutukoy nilang anak,
hindi ako makakapayag, ayaw kung maging kapatid ang dalawang 'yun ayaw kung maging kapatid ang isang bakla at ang isang nag papangap na bakla para lang maka lapit sa kapatid n'ya"Mag paka totoo ka lang Silvia, wag kang mag alala alam na ng anak kung panganay ang tungkol dito!" sagot ni tito Francisco kasunod nun nakita kung gumayak na ito paalis
dali dali kung inayos ang aking sarili at saka muling bumalik sa taas
dahil sa aking narinig nawala ang lahat ng gutom ko at ang pumalit ay galit
hindi ako makaka payag, ayaw ko!
pag kapasok ko sa aking k'warto agad akong nag wala at hinawi ang gamit na nasa cabinet lahat ng mahawakan ko ay agad ko ring binabato
ayaw kung maging kapatid sila, sa dami ng tao bakit sila pa
nag mapagod ako sa aking pag hahagis ng mga gamit ay agad akong umupo sa aking kama dahil naka ramdam ako ng pagod
"Kung sila may sekrito... Ako rin meron" mahina kung wika kasabay ng aking mahinang pag tawa
Alam ko na ang sekrito nila ngunit ang sekrito ko hindi pa nila alam at saka sisiguraduhin kung walang maka alam
![](https://img.wattpad.com/cover/238813209-288-k214300.jpg)
YOU ARE READING
MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.
RomanceAng gusto lamang ni Kint Arnaiz ay tahimik na buhay, makapag aral ng walang nambubully sa kanya at walang ng aapak sa kanyang pag katao, ang tahimik na buhay na kanyang inaasam ay mag yayare pa kaya kapag nalaman ng mga estudyante na nag kakandarapa...