KINT'S POV
Kanina pa akong tulalang nakatingin sa malaking salamin na nasa harapan ko, naka sout na ako ng uniporm pero tinatamad pa rin akong lumabas ng kwarto ko, medyo tumaba na ako ng kunti dahil sa dami ng kinakain ko, di ko rin alam kung bat bigla akong tumakaw ng ganito dati nga takot akong kumain ng marami kasi takot akong tumaba tas ngayon naman kain naman ako ng kain, napapadalas din ang pag kain ko ng mga wierd food kaya lagi akong nasisita ni tita Crystal pero may time naman na wala akong ganang kumain, maski ako sa sarili ko nag tataka na
Ilang saglit ko pang sinuri ang aking sarili bago ko maisipang tumayo sa aking pag kaka upo, at saka kinuha yung bag ko na nasa ibabaw ng kama ko aalis na sana ako ng mahagip ng mata ko ang isang librong nasa ibabaw ng study table ko, hindi ko pa pala natatapos basahin ang libro na iyun kaya agad akong humakbang pabalik para kuhain ito ng makuha ko na ito nilagay ko lang ito sa loob ng aking bag para di na ako masyadong mabigatan, siguro iiwasan ko na rin ang pag bibit ng libro para maka iwas sa mga bully at matawag na nerd, ngayon na nakaka alala na ako hindi na ako papayag na ganun ganunin na lang ako lalo na't alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako, siguro nga tama yung sinabi dati sa akin ni Tanya hindi nila ako titiggilan hanggang sa nakikita nilang lampa ako at hindi lumalaban
pag katapos nun tuluyan na akong lumabas ng aking kwarto diretso papunta sa labas ng gate, kanina pa kasing naka alis si King, si Manong Bert naman ay hindi ko alam kung na saan na, ang boung akala ko kasi nakila tita Crystal na bahay ito pero wala pala hindi man lang ito nag paalam
Wala na tuloy kaming driver dito tas iniwan na naman ako ni King, siguro susunduin pa niya si Andrea, si Andrea na naman
Sabagay kailangan nga niyang hatid sunduin ito lalo na't buntis si Andrea
Humanap na lang ako ng maari kung sakyan papunta sa school may pera naman ako dagdagan mo pa na nakakuha rin ako ng pera dahil sa Ikatlong lahi
nag lakad lang ako saglit bago maka kita ng taxi na padaan kaya agad ko iyung pinara, dahilan para huminto ito
Mabilis lang yung naging biyahe at nasa tapat na ako ng Raino University [R.U] mabilis nga pero gastos naman sa pamasahe
Pag baba ko pa lang sa taxi na sinakyan ko pinag titinginan na agad ako ng mga stuyante na nasa labas ng gate
yung iba ay binabati ako pero andyan pa rin yung iba, na nandidiri sa akin, daig mo pang may ginawa akong masama andyan din yung mga naasar, at naiinis sa akin, di ko alam kung anong mga problema nila
"Good Morning" Bati ng dalawang binatilyo na sa tansya ko ay Grade 8 student
nginitian ko naman sila at saka binati pabalik
'Di ako sanay ng ganito'
ilang lakad pa nasa tapat na ako ng aming room, tulad ng nakasanayan bago ako pumasok humihinga muna ako ng malalim bago pihitin yung pinto dahilan para maka pasok ako sa loob
nagulat pa ako na sarado yung mga ilaw maging yung mga kurtina ay nakababa rin dahilan para dumilim ang boung silid na ito
bubuksan ko na sana yung ilaw ng bigla akong maka rinig ng malakas na sigawan mula sa loob ng room kasabay nun ang pag bukas ng ilaw, dahilan para masilaw ako bahagya kung tinaas yung kamay ko at dinala sa mata ko, para ipangharang sa ilaw
ng makapag adjust ako agad kung tumingin sa harapan para malaman kung ano yung nag yayare
nagulat pa ako ng may mga lobo akong nakita at dalawang kartolina na may naka lagay na "CONGRATULATION KINT"
gulat ko namang tiningnan yung mga kaklase ko ang boung akala ko kasi ay wala ng paganto dahil nag celebrate na kami sa bahay ni Charles
Muli kung ginala yung paningin ko habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko sana lagi na lang ganito nag sasawa na rin kasi ako sa mga nambunully sa akin, muli kung nilibot ang paningin ko hanggang sa mag tama ang paningin ko sa paningin ni Xyrill, hindi siya ang inaasahang makikita ko
YOU ARE READING
MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.
RomanceKint Arnaiz only want is a quiet life-to study without being bullied and to live without anyone stepping on his dignity. But will his peaceful life be possible when the students discover his secret with Mattheus King Devereaux? A secret that one day...