MBFH-4√

8.4K 445 30
                                    

MBFH-4

KINT'S POV

Lumipas ang mga araw at masasabi kong maayos naman ng kunti ang naging pakikisama sa akin ni King.

Maaga akong nagising, araw kasi ng sabado ngayon, agad akong lumabas ng kwarto, nag papasalamat pa rin ako kay King kasi maayos ang tinutulugan ko kahit papaano, pag kababa ko nakita ko si Manang Isabel

sa second floor kasi ang kwarto ko katapat ng kwarto ni King

"Sir gising na po pala kayo gigisingin ko po sana kayo" bungad na saad ni manang Isabel nang nasa harap na niya ako

"Ahh, opo manang si King po ba gising na?" tanong ko kay manang Isabel, sarado pa kasi ang pintuan ng kwarto ni King

"Tulog pa po ata sir, kung pwede po, pagising na lang si sir King, at ako'y mag hahanda lamang ng almusal niyo" saad ni manang na aking tinanguan nakakahiya kasing tumangi, kaya bumalik na lang ulit ako sa taas para katokin ang kuwarto ng King na 'yun, kumatok ako ngunit walang sumagot at walang nagbukas ng pintuan, ang tamad ng lalaking 'to ah, tulog pa rin, aalis na sana ako ng mapasin bukas pala ang pintuan nito, hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin para pumasok basta namalayan ko na lang na pumasok na ako ng dahan dahan sa loob ng kuwarto

wala naman sigurong masamang pumasok diba, lalo na't wala naman akong masamang gagawin at saka Future Husband ko na man siya, pag kapasok ko sa loob, parang wala namang tao, kasi tahamik ang buong silid, lumapit pa ako hanggang sa narinig ko ang mahinang lagasgas ng tubig na kung hindi ako nag kakamali ay nag gagaling iyun sa shower room, tatalikod na sana ako para lumabas ng bigla namang bumukas ang pintuan ng shower room, napatakip ako ng mga mata sa aking nakita, nakita ko ang kahubaran ni King

Agad akong napasigaw sa akin nakita, ang kahubaran ni King ay nakaharap sa akin, agad akong tumalikod sa kanya habang patuloy pa ring sumisigaw hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng kanyang silid, nakakaasar ang lalaking 'yun, hindi man lang nag lagay ng towel sa kanyang bewang, kahit na sabihin na nasa loob siya ng kwarto dapat ay may pag iingat pa rin siya sa kaselanan niya, paano na lang kapag may pumasok, katulad ng nag yare ngayon diba, nakakadalawang hakbang pa lang ako palayo sa kwarto ni King nang patakbong lumapit sa akin si Manang Isabel, aniya narinig daw niya ang aking pag likyaw, iniisip kasi niya na baka inaaway na naman ako ni King na aking pinabulaan, gusto pa nga sanang sumilip ni Manang sa kwarto ni King ngunit agad kung pinigilan, aniya ko na mainit ang ulo ni King baka siya ang pag-initan.

"Manang may kailangan pa po bang gawin" tanong ko ng makababa kami

"ay naku sir, wala na po ang mabuti pa po ay maupo na po kayo" sagot niya sa akin at saka ako pinag abante ng isang upuan

"salamat" saad ko at saka naupo

"nga po pala manang, kung maari po ay huwag niyo na akong tawaging sir, dahil ako ay isa lamang din pong katulong sa bahay na ito" pakiusap ko sa kapwa ko katulong, dinala ako ni King dito para maging katulong kaya marapat lamang na hindi ako tawagin sa ganung tawag, at saka ayaw ko na tinatawag ako na sir, dahil tulad nila'y nag mula rin ako sa mahirap na pamilya

"sir hindi po ba't magiging asawa niyo rin si Sir King pag dating ng panahon" tanong sa akin ni Manang Isabel na aking ikinagulat paano kaya niya ito nalaman

"paano n'yo naman po nalaman ang tungkol sa amin ni King?" tanong ko kay Manang sa akin kasing pag kakaalam, pamilya ko lang at pamilya lamang ni King ang may alam tungkol dito

"ahh, aksidente ko kasing narinig ang tungkol sa bagay na 'yan hijo, noon kasi ay sa bahay ni ma'am Crystal ako naka assign, pasensya na hijo" pag amin sa akin ni Manang, tumango na lamang ako sa kanyang paliwanag, hindi naman sa akin big deal 'yun basta wag lang talagang lalabas ang balitang 'yun sa school kasi kapag nagkataon ako yare ako sa mga taga suporta ni King.

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now