Alam kong kapag nakita na naman ako ni Ash na kasama si Kale ay paniguradong magseselos iyon pero mabuti nalang at wala pa siya ngayon at mamaya pa siyang 5pm matatapos sa pagpapractice ng basketball para sa competition ng team nila kasama sina Kevin at Loen na gaganapin next month.

Hours passed at natapos na rin akong magreview. Nang tumingin ako sa lalakeng nasa harapan ko ay may galit na itong ekspresyon habang nagbabasa pa rin siya ng libro.

Kahit hindi ko alam ang dahilan ng biglaang pagbabago ng mood niya ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at nagpaalam nang aalis.

"Thank you for allowing me to accommodate this seat. I gotta go." Sabi ko at aalis na sana nang biglang magsalita si Kale.

"My Mom missed you so much. She's asking me if you're free later? She wants you to go in our house." He said.

Napahinto naman ako.

"Me? I'm sorry pero hindi pwede dahil ihahatid na ako ni Ash pauwi mamaya at sabay rin kaming magdi-dinner. Pakisabi kay Tita Josephine na next time nalang." Sabi ko at tinanguan siya pagkatapos.

Hindi na nagsalita pa si Kale sa sinabi ko kaya tuluyan na akong umalis sa library.

It's already 5pm at natapos na rin ang buong class hours ko. Nagtext sa akin si Ash at sinabi niyang hintayin ko siya dito sa huling klase ko kaya nandito ako sa labas ng classroom namin.

While I was waiting for him ay nagulat ako nang makita ko si Kale na bigla nalang akong hinila papaalis.

"Kale? What are you doing? Hinihintay pa ako ni Ash sa-"

"Shut up." Sabi niya lang hanggang sa makalabas na kami ng school at itinulak niya ako papasok sa isang kotse na may driver sa loob.

Nakaupo kami sa backseat habang iyong driver naman ang nasa driver's seat.

"Teka, Kale! Bakit bigla mo nalang akong hinila at isinakay dito? Ash is waiting for me!" naiirita kong tanong.

"My Mom will beat me kapag hindi kita nadala sa bahay." Sabi naman niya at sinenyasahan iyong driver na patakbuhin na ang kotseng sinasakyan namin.

The car looks so expensive at naalala ko nga pala ang sinabi ni Ma'am De Leon na taga Northwest Academy itong si Kale at lumipat lang siya sa Southern Academy kaya expected ko nang mayaman talaga ang pamilya niya.

Halata rin naman iyon dahil hindi na nila pina-report ni Tita Josephine sa mga pulis iyong nangyaring nakawan. Sinabi na lang noon ni Tita Josephine na freebies nalang daw iyong nakuhang bag at pera sa kanya ng snatcher pero sa susunod ay kakarmahin na raw ito ng sobra-sobra at magkakaroon ng maraming pigsa sa mukha kapag inulit iyon.

Natawa ako noong sinabi ni Tita Josephine iyon dahil mapagbiro rin pala siya hindi katulad ni Kale na hindi man lang ngumingiti at hindi rin mabiro.

"Ganon ba? Maybe I should call Ash para hindi siya mag-alala sa akin." Sabi ko at inilabas ang cellphone ko mula sa bag ko.

Akmang tatawagan ko na sana si Ash nang biglang hinablot ni Kale ang cellphone ko dahilan para manlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

"Wait? Bakit mo kinuha 'yang phone ko? Akin na nga 'yan!" Naiinis ko nang sabi at akmang kukunin na sana ito nang iniwas niya ang kamay niya sa akin.

"You don't need to call him. Ihahatid naman kita pauwi sa inyo." Sabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Nakita mo naman 'yung nangyari noong friday 'di ba? Ash didn't want to see you dahil sa ginawa mo sa akin noon. Give me my phone now!" I said.

"Who cares?" Sabi niya lang at itinago na ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot niyang coat.

I'm still glaring at him pero hindi niya ako pinapansin.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now