Gusto kong sumabog sa kinalalagyan!

"Wag ka na lang maglaro!" Pilosopo kang buwisit ka!

The sun was glaring in heat kaso tila sanay na ang binatang iyon sa katirikan ng araw. Tumatagaktak man ang pawis niya at namamasa na ang sando t-shirt kaso may kung ano sa buwisit at di siya nagmumukhang dugyot. Sa halip, nagpapakintab ito sa moreno niyang balat habang nasa initan, especially his arms and biceps.

Pumunta siya palapit saakin at kada metrong sinasakop niya ay pasama ng pasama ang paninitig ko.

Tumigil siya nang makarating sa harapan ko at umupo sa damo. Tumingala siya marahil nakasabit sa sanga ng puno ang duyang kinalalagyan ko. Gumapang ang hiya saakin habang nang titigan niya ko. Napakalamlam naman kasi ng mga matang tila nagpapaamo. Hindi ko lang pinahalata sa pesteng ito!

"Siya ba 'yung friend mo?" tanong bigla ni Gino.

I furrowed my brows. Sumagi sa isip ko 'yung kagabi. "Si Renzo? Ano naman ngayon?"

"Ah, kaya. Pag ganun ba naman friend mo talagang tatakas ka kahit bawal." Tumango siya ng mabagal at ilang ulit tila may napagtanto.

"Excuse me?" tanong kong taas isang kilay.

Gumuhit ang ismid sa labi niya. "Gano'n pala mga type mo ha? Chinito." aniya, pinasisingkit ang mga mata na parang isang hilaw na intsik.

"He's not my type, ok? Drop it." suway ko. I mean, before, yes, but after what has been revealed and happened to me last night, no.

"Gaano na kayo katagal?"

"Ano?"

"Narinig ko tawag niya sayo kagabi. Baby daw." sabi niya habang nakapako ang dalawang mala-uling na mga mata saakin. I saw a hint of unwanted emotion in his gaze.

Bakit niya naman inaalam? "Chismoso ka rin pala 'no?"

Tumawa naman siya at pinunasan ang pawis na namuo sa noo gamit ang kanang kamay. Hindi ko alam sa sarili ba't gumala ang mga mata ko para silipin ang kili-kili niyang may mga maninipis na buhok. Gosh!

"Pag ba inaalam.. chismoso na agad?" sabi niya at tila nakikipagkulitan ang tono.

"Oo! May iba pa ba?"

"Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makilala?" aniya.

Namaang ako. Huh? Nahuli ko na lamang ang sariling nakatulala sa kaniya. Umupo ng mas kumportable si Gino. Nakaunat ang mga binti sa luntiang dahon habang nakatukod ang dalawang kamay patalikod. Nasa gilid ang kaniyang bola.

"Dalawang linggo na ko sa inyo kaso di pa tayo masyadong magkakilala. Sa lahat ng nandito, ikaw lang di ko nakakausap ng matino. Alam mo ba 'yun?" sabi niyang napakakaswal.

I'm aware it's been a couple of weeks since he was brought here kaso ngayon lang din sumagi saakin ang sinabi niya. Sa mga linggong iyon kasi, wala kaming ginawa kundi ang magtagisan ng tingin, magsagutan, at ngayon magsipaan sa ilalim ng lamesa. We're like fighting a secret war!

Simula pa lang ayoko na talaga sa kaniya at di ko gusto ang pang-iinis at pagngisi niya saakin. But now that he's said it.. does it mean he's doing that on purpose para mapansin ko siya?

Tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi, Rhiannon. Don't be fooled. He's doing that to easily savotage you behind your back!

"We're in a relationship for months now. Ok na? Go, tell Papa." Tinuro ko ang kinatatayuan ng aming bahay.

"Ba't ko naman sasabihin sa tatay mo?" sabi niya. Sumilip ang isang partikular na emosyon sa titig niya. I saw it. Hindi ko lang gustong tukuyin dahil gumapang kaagad ang konsensiya saakin!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now