Pagod na siya.

Pagod na siyang lumaban mag-isa.

"Paano ang nalalapit n'yong kasal ni Miss Patriza? Ano ang mangyayari sa inyo?" usisa ng isa pang naroon.

Seryoso s'yang binalingan ng tingin ni Achetbir at bumuntong hininga. "First of all, I want to say sorry to Patriza and to her family for the inconvenience. Pangalawa, walang kasal na magaganap, kung mayroon man ay nasisiguro kong hindi kaming dalawa 'yon. Last, we will talk about our issues privately because I respect her as a woman and I also care about her image, hope you understand," pormal niyang tugon.

"Last question. Sir. Is it true that the Villa Forca Empire have a new heir now?"

Tumingin si Achetbir sa camera at tipid na ngumiti. "Yes, my partner just gave birth to our son and I am shamelessly asking for your prayers for his health," he answered.

I even heard murmurs on the background, maybe talking about the bomb that he just dropped.

"No more questions?" Achetbir asked to them.

"Sir, pwede ba naming malaman kung bakit hindi n'yo kasama ang partner niyo ngayon?" pahabol na tanong ng isang lalaking reporter.

Mapait na ngumiti si Achetbir. "Bukod sa kapapanganak niya lamang ay hiwalay na rin kaming dalawa," malumbay na tugon niya.

Mas lalo pang tumindi ang bulungan sa paligid. Nasisigurado na sa mga oras na iyon ay lalo pa nila akong kinamuhian.

"Stop," Achetbir spoke suddenly.

Natahimik ang lahat at napunta sa kanya ang atensyon. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang nag-isang linya ang kaniyang labi na tila nagpipigil sa pagsabog ng emosyon.

"Speak ill to me, ruin my name, bash me, but never, ever, dare to say anything bad about her. Do not belittle the woman I love. Conference dismiss," he said coldly and turned against the people.

Tuluyan nang tumigil ang video pagkatapos n'yon. Nanatili ang mata ko sa cellphone ni Blair at paulit-ulit na inalala ang kanyang mga sagot gano'n na rin ang pagod sa kanyang mga mata kahit pa nananatili siyang lumalaban.

Achetbir...

Napaluha na lamang ako nang tahimik habang sinasambit ang pangalan niya sa isip ko. Naramdaman ko ang magkabilang paghaplos ni Inay at Blair sa aking balikat.

"Ate, 'wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kahit ngayon lang, maging makasarili ka," ani Blair.

"Tama si Blair, anak. Nararamdaman ko ang wagas na pagmamahal sa 'yo ni Achetbir at alam kong ginagawa mo ang lahat ng 'to dahil din sa kalabisan ng pagmamahal mo sa kaniya. Ngunit, anak, walang saysay ang bawat sakripisyo niyo kung hindi kayo magtatagpo sa gitna," mahabang saad ni inay.

Napayuko ako at inalala lahat nang pag-aalaga at pag-aasikaso sa akin ni Achetbir sa kabila nang nangyari sa aming dalawa. Despite of his misconceptions about the father of my child, he still beg for me to come back. Mahal na mahal niya ako.

I took a deep breath and wiped my tears. "Alam niyo ba kung nasa'n si Achetbir ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Ang alam ko on the way na pabalik dito. Halos thirty minutes na rin noong natapos iyang interview," sagot ni Blair, naroon ang pagtataka sa kanyang tono.

I just nodded and held her phone.

"Ano'ng gagawin mo, anak?" usisa ni Inay habang pinapanuod ang pagpipindot ko.

Tipid akong ngumiti at inayos sa aking harap ang cellphone. "Magla-live," tipid kong tugon.

Blair shrieked with joy and jumped from her place. Hinawakan niya pa ako sa balikat at tinitigan. Naninigurado.

"Are you sure about this, ate? For sure maraming mamba-bash sa 'yo once na umere ka sa social media," babala niya sa akin.

Hindi ko naman siya sinagot at tuluyan nang pinindot ang telepono para sa isang video.

Siya rin ang buhay ko.

Tulad nang inaasahan ko ay unti-unting dumami ang mga nanunuod at nagsha-share ng video ko. Nagsimula na ring magkomento ang iba, ngunit hindi ko iyon pinagkaabalahang tingnan o basahin. Huminga ako nang malalim at inalis ang namumuong kaba sa dibdib ko.

"Hindi ko alam kung kilala niyo akong lahat kaya magpapakilala muna ako. Ako si Jandie Mendoza, sekretarya ni Achetbir Villa Forca, ang naging karelasyon niya sa loob ng dalawang taon," pormal kong panimula habang palihim na kinukurit ang aking daliri sa kamay.

"Nandito ako hindi para linisin ang aking pangalan o pilitin kayong gustuhin ako. Ginawa ko ito upang ibigay ang matagal nang hinihiling ng taong mahal ko," saad ko at tipid na ngumiti.

Ang ipagmalaki siya sa lahat. Ang sabihin ko sa lahat ang damdamin ko. Ang magpakatotoo.

My eyes clouded with tears as I stared on the camera, thinking that he's watching me at this moment.

"Two years. Dalawang taon kang nakiusap nang paulit-ulit sa akin na ipagsigawan kita sa buong mundo..." My lips trembled and my voice started to croak.

"Ni isang beses hindi kita pinagbigyan dahil takot akong masira ang pangalan mo dahil sa 'kin. Takot akong batikusin ka ng mga taong humahanga sa 'yo," garalgal na pagpapatuloy kong saad.

Pilit akong ngumiti sa camera. "Dahil sa sobra kong pagpapahalaga sa pangalan mo ay nalimutan ko nang pahalagahan ang pagmamahal mo." I bit my lower lip and my tears started to escape from my eyes. "I am sorry, Achetbir. I am sorry for causing too much pain to you," pumipiyok kong sambit.

"Patawad kung ngayon lang ako sumabay sa paglaban mo, patawad kung naghintay ka nang matagal, patawad babe." I broke down in front of the camera. "Mahal na mahal kita, Achetbir. Mahal na mahal pa rin kita," wika ko sa gitna ng aking mga hikbi.

I looked at the camera again and tried hard to smile despite my loud sobs. "To all of you who's watching right now, I just wanted to tell you all how much I love him. Oo, sekretarya lang ako pero hindi iyon sukatan para masabi na hindi ako nararapat sa kanya. Maaaring mababa ang aking natapos, ngunit hindi iyon kabawasan sa aking pagkatao. Gusto kong ipaalam sa inyo na ang sekretaryang nasa harap niyo, ay ang nag-iisang babae na minahal ng isang Achetbir Villa Forca," puno ng pagmamalaki kong sambit.

"And that girl will be a Villa Forca soon..."

Natigilan ako nang narinig ang pamilyar na boses ni Achetbir. Mabagal kong inilingon ang aking ulo sa gilid kung saan nanggaling ang boses n'ya at mabilis na napatutop sa 'king bibig. Saganang tumulo ang aking luha habang nakatingin sa lalaking mahal ko na ngayo'y nakaluhod sa aking gilid.

Kasalukuyan ding lumuluha si Achetbir habang kumakapa sa kaniyang bulsa. Iniikot ng aking ina ang wheelchair ko para iharap sa kanya, si Blair naman ay kinuha ang kaniyang cellphone at ipinagpatuloy ang video habang nakatutok sa aming dalawa ni Achetbir.

Isang pulang maliit na kahon ang inilabas ni Achetbir mula sa kanyang bulsa. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon. Hindi ako lubos na makapaniwala na  nakahanda na siya para rito.

Matagal na ba niya itong inihanda?

"Jandie Mendoza, my secretary, the girl who hid the billionare's heir. Will you marry me?" puno ng emosyon na tanong ni Achetbir.

Mabagal kong tinanggal ang aking kamay sa bibig ko at lumuluhang tumango. "I will," I answered.

Napayuko naman siya kasabay nang panginginig ng kanyang balikat dahil sa pag-iyak.

"Damn, I should jump in joy. Why the hell am I crying?" he hissed and wiped his tears.

Mahina na lamang din akong tumawa sa gitna ng aking pagluha at nakagat ang aking ibabang labi nang tumayo siya para lumapit sa 'kin.

He held my hand and slip the ring on my ring finger. We stared at each other and smiled as our tears kept falling.

"I love you," we said in unison then he crouched to gave me a passionate kiss.

After 7 long months of hiding the billionaire's heir, I am now finally with the billionare itself.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora