CHAPTER 11

200K 7K 2.8K
                                    

"So what's your plan?" Caster asked as we entered his car.

Tulala lamang ako na napasandal sa aking inuupuan. "Tell me, trinaydor ko ba ang bansa natin noong past life ko?" tanong ko sa kanya imbis na sagutin siya.

He chuckled and disheveled my hair. "Silly, malay mo sadyang pinagbubuhol ng kapalaran ang tadhana niyong dalawa," aniya.

Napangiwi naman ako at napailing. Hindi ko pa rin lubos maisip na nangyayari ang lahat ng 'to, para kaming mga aktor at aktres sa pelikula na pinagagalaw ng isang direktor.

"Biruin mo 'yon. Hindi niya nga ipinutok, itinurok naman sa akin," I murmured.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Caster habang abala sa pagpapaandar ng kanyang kotse.

"Wala. Ang sabi ko anak ko rin 'to, hindi ba? I mean, my egg cell and his sperm united," paliwanag ko.

His lips twitched. "Was that the effect of pregnancy?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa lang n'ya.

"Buti hindi mo naisipan na... you know, ipalaglag," sambit ni Caster at pinatakbo ang kanyang sasakyan.

Napanguso ako at napahawak sa aking t'yan. "Maaaring dugo pa lamang siya pero nagkakaroon na siya ng buhay. Hindi kaya ng kunsensya ko na tanggalan siya ng karapatan na mabuhay rito sa mundo kahit pa may karapatan akong gawin iyon," sinserong sagot ko.

"You're such a good person, Jandie. Sa lahat ng mga pinagdadaanan mong hirap nagagawa mo pa rin na maging positibo."

Tipid akong ngumiti at bumaling kay Caster ng tingin. "Ito lang naman ang choice ko, kung magpapatalo ako sa mga pagsubok na dumarating sa 'kin, wala akong maaabot," I said.

Tumango siya bilang pagsang-ayon. "So back to my question, ano'ng plano mo ngayon? I mean, will you tell him?"

Natigilan ako sa tanong ni Caster. Doon pumasok sa aking isip ang problemang kahaharapin ko. Muli kong naalala ang mga masasakit na salita ng nanay ni Achetbir sa 'kin ganoon na rin ang pagkakagulo ng publiko no'ng pumutok ang balita tungkol sa 'ming dalawa.

I let out a deep sigh and touched my belly again. "I think it's for the best if I won't." Mapait akong ngumiti. "Maayos na ang pangalan niya at mas lalo pang bumango iyon dahil sa balitang pagpapakasal nila. Kung sisingit na naman ako ay paniguradong gulo na naman," pagpapatuloy kong wika.

"But he's the father of that child," Caster insisted.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. "He doesn't know that I am bearing his child," tugon ko na ikinatahimik niya.

Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa hanggang sa nakarating kami sa tapat ng gusali ng condo na tinitigilan ko.

"Salamat," sinserong usal ko nang nakababa ako ng sasakyan ni Caster.

Malamlam niya akong tiningnan. "I will always be here, Jandie. I respect your decision. Call me when you need anything," he said.

Ngumiti naman ako at tumango. "I am so lucky to meet you, Caster. You're a brother that I never had," I uttered.

Tanging ngiti lang din ang isinukli niya sa akin bago marahang tumango. Mabagal ko namang isinara ang pinto ng kanyang sasakyan at humakbang palayo.

He waved his hand at me, then started driving his car away from my place. Napahinga na lang ako nang malalim at saka bumaling para maglakad papasok ng gusali, ngunit mabilis akong natigilan nang nakita si Achetbir sa bungad nito.

Matalim ang kanyang paningin at umiigting ang kaniyang panga. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mabibigat na hiningang binibitiwan niya. Parang kanina lang ay pinag-uusapan pa namin siya ni Caster sa sasakyan pagkatapos ay ito at nasa harapan ko na siya ngayon. Nakakapamura na lang talaga ang tadhanang lumalaro sa aming dalawa.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now