CHAPTER 15

208K 6.9K 2.8K
                                    

Sa ikal'wang pagkakataon ay nagising ako sa pamilyar na amoy ng ospital. Puting kisame ang unang bumungad sa paningin ko sandaling iminulat ko ang aking mga mata. I roamed my eyes and saw Achetbir sitting on the side of my hospital bed, staring at me without any emotion in his eyes.

"H-How's my baby?" I asked worriedly.

"The baby's fine," he answered.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang nasiguradong maayos ang kalagayan nang dinadala ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" he asked coldly.

Kinabahan naman ako sa kanyang tanong. "A-anong hindi ko sinabi?" paglilinaw ko.

"That you're pregnant."

Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi. Damn! Akala ko ang pagiging ama n'ya ang kaniyang tinutukoy.

"Naghahanap lang ako ng tiyempo." Tumingin ako sa labas ng bintana para iiwas ang atensyon ko sa kanya.

"Why?" he asked suddenly out of nowhere.

Mabagal ko naman siyang nilingon at pinagkunutan ng noo. He laughed sarcastically, pain was evident in his eyes.

"Why did you choose him over me? Fvck! Sabi mo pineperahan mo lang ako 'di ba? Mas mayaman naman ako sa kaniya kaya bakit hindi ako ang pinili mo?" he asked frustratedly.

I froze because of his sudden outburst. Hindi ko inaasahan na kakayanin niyang ibaba ang kaniyang sarili para lang piliin ko. Na tila sinasabi niya sa akin na ayos lang na perahan ko siya o gamitin basta ba kasama niya ako sa kaniyang tabi.

What good deed did I do to have you, Achetbir?

"Kaya ba ayaw mong magpabuntis sa akin dahil sa kanya mo planong magkapamilya?" puno ng hinanakit niyang tanong.

Naumid ang aking dila at napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. Gustuhin ko man na pagaanin ang loob niya ay naisip ko na makabubuti kung hahayaan ko siyang paniwalaan ang iniisip niya. Kamuhian mo ako, Achetbir.

He stood up from his seat when I didn't answer his question. I want to look at him badly, but I can't handle seeing him in pain.

"I am giving you one week to rest," he said unemotionally and went out of the room.

Bumaling lamang ako nang nagsara na ang pinto, senyales na tuluyan na siyang nakalabas. Ang aking mga luha ay unti-unting namuo at mabilis na kumawala sa mga mata ko.

"I'm sorry..." I whispered and wept silently.

Natigilan ako sa aking pagkakahiga nang bumukas muli ang pinto. Mula roon ay marahang pumasok si Caster, binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin sandaling nagtama ang aming mata.

"Hey, I just got a call from your boss," he spoke while walking towards me.

"Yeah, because he thought that you're the father of my child," mapait kong sabi sa gitna ng aking paghikbi.

Umupo naman siya sa silyang inupuan ni Achetbir at saka marahang hinaplos ang aking buhok. "Ssshh, tahan na. Makakasama lalo sa bata 'yan," he reminded.

"I hurt him again, Caster," pagsusumbong ko sa kaniya.

He sighed and wiped my tears. "And you are hurting too," he uttered.

Napapikit na lamang ako at hinayaan ang aking mga luha na maubos sa kakaiyak. I wanted to stop crying because I am afraid to cause another stress for my baby, but I can't help it. The pain was too much to handle. Ilang minuto pa nga ang lumipas bago ako tuluyang kumalma kahit papaano.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now