CHAPTER 8 [ELARA]

9 5 0
                                    

Hours past after namin mag-usap ni Ninong ako'y pumarito sa isang park, nagmumunimuni. Nanonood sa mga batang naglalaro.

Parang gusto kung bumalik sa pagkabata, walang inaalalang mga problema.

Noon kapag nasugatan iiyak ka lang at pagkaraan ng ilang minuto maghihilom ang sakit. Kapag nagka problema may magulang na aagapay. Ngayon sobrang daming problema. Swerte ka nalang pag may magulang at kaibigan ka pa. Sobrang swerte mo. Masaya maging bata ulit.

Yung ngiti na natural, hindi pilit. Yung halakhak na walang tigil, maiiyak ka nalang sa saya. Saya na kailanman di ko na maramdaman kasi di na ako, tayo bata.

Tumingin ulit ako sa mga bata kay saya nila tignan. Kaya napangiti nalang ako.

Aalis na sana ako ng biglang may sumigaw.

"Tulong! Tulong! May magnanakaw----" Sigaw ng isang matanda

Agad naman akong na-alarma. Agad akong tumakbo papunta sa nanakawan para tanungin kung saan tumakbo ang magnanakaw. Damn!

"Doon pumunta ineng."

"Ok. Just wait here. I'll be back in a minute." I said.

Tumakbo ako sa kung saan niya tinuro. After a minutes of searching dahil pasikot-sikot ang lugar nato ay nakita ko na.

"Galing mo magtagong hinayupak ka! Nandito ka lang pala!" Sigaw ko

Agad naman siyang pumunta sakin para suntukin. Swerte niya lang pag nakatama siya sa'kin.

Hinanda ko na ang aking sarili. Susuntukin sana ako sa mukha pero naunahan ko na. Ayon natumba, agad naman siyang tumayo at pumunta sa akin at pinaulanan ako ng suntok. Ilag lang ako ng ilag at pag nakatyempo natatamaan siya sa suntok at sipa ko. Ako pa ba😉

"Ateeeeeeee! Tama na." Sabi ng bata. Akala siguro niya na mamamatay na ako o itong katunggali ko.

Boogsshhh!

Pusang gala! Ako?

Natamaan ng kumag? Ang Swerte niya!

F*ck! Ansakit ng panga ko paniguradong iitim ito. Bakit ba kasi ako nagpa distract natamaan tuloy ang mukha ko.

Agad naman akong pumunta sa kanya at pinaulanan ko ng sipa't suntok. Putangina mo! Ansakit ng mukha ko. Suntok sa mukha, suntok sa dibdib, sipa sa tuhod at sinipa ko na rin ang kanyang kahinaan at ayon tumba.

"Tama na! Tama na! Titigil na ako. Isasauli ko na! Wag mo lang akong papatayin!" At umiyak pa ang kumag ano yan props.

"Titigil ka naman pala. Pinapahirapan mo pa ako." Sabay posas sa kanya

"Gab locate me and clean this area. And put this man in jail. Clear?" Gab is my right hand in the organization I lead.

"Clear Jas. Done locating you and I'm coming."

Binaba ko na. Kinuha ko na rin ang bag na nakuha niya. Sabay alis sa lugar.

Pabalik na ako sa park para isauli ang bag.
At pakiramdam ko may nagmamasid na naman sakin palagi ko itong maramdaman kahit saan man ako mapunta.

"Nay ito na po ang bag."

"Naku! Maraming-maraming ineng. Kung wala ka rito baka nakuha na talaga ang pera ko na ipapagamot sa aking apo. Cystric Fibrosis ang kanyang sakit at sa kakulangan ng pera di agad naipapagamot, kaya maraming salamat kasi tinulungan mo ako." Nakakaawa naman sila so I need to help them.

"𝐅𝐄𝐀𝐑𝐋𝐄𝐒𝐒"Where stories live. Discover now