THREE MONTHS LATER. First day of school in college na. Bagong environment at bagong simula para sa mga students and it is also the same for Jin. Nasa classroom na si Jin nang may marinig siya na pamilyar na boses ng babae.

“Look who’s here! Wow, pati ba naman sa college sinusundan mo pa din ako?” sabi ni Mika as soon as she entered the classroom.

“Excuse me, h’wag ka ngang maging assumera. I am a scholar in this university so I’m here,”

“So am I. I guess my college life will going to be exciting now that you’re here. Magkakaalaman na talaga kung sino ang mas matalino sa’tin. Hindi na uubra ang pagpapa-sweet mo sa teachers dito, ‘no! This time, the competition is real,”

“And I’m looking forward to that competition, Mika.”

Mika rolled her eyes sa naging sagot ni Jin. She actually felt threatened and challenged dahil ngayon, mas kailangan nitong patunayan kay Jin that she is better than her. Dumeretso na lang ito sa upuan niya.

Dumating na rin naman ang professor nila at agad na nag-orient sa kanila. Busy pa sa pakikinig si Jin nang ma-distract siya sa lalaki na umupo sa vacant chair sa tabi niya... si Gab.

“You again?” napanganga siya. Hindi siya makapaniwala na hanggang sa college ay makikita niya pa rin ang lalaking nagnakaw ng first kiss niya. “Ano ‘to, deja vu?”

“Alam ko na ang sunod mo’ng sasabihin sa’kin,” sagot nito. “Stalker ka ba? Sinusundan mo ba ‘ko?” he said using a girl’s voice na halatang siya ang ginagaya.

“Hoy hindi ako ganyan magsalita, ah? Pero tama ka, ‘yon talaga ang sasabihin ko. Stalker ka nga ba talaga?”

“Hindi ako stalker mo kaya tigilan mo na ang kakatawag sa’kin niyan. Hindi lang naman ikaw ang p’wedeng mag-enroll sa University na ‘to,” sagot nito sabay talikod sa kanya.

Na-speechless siya sa naging sagot nito sa kanya because he actually has a point. Napahiya tuloy siya ng kaunti doon.

“P’wede ba’ng umusod ka ng kaunti? May lahi ka kasi ng magnanakaw, eh. Baka sa susunod, iba na ang nakawin mo sa’kin,” may pagka-mataray na sinabi niya dito.

Hindi ito sumagot at tumingin lang sa kanya... cold stare. ‘Yung tipong nakakatunaw na tingin.

“Ba’t ganyan ka makatingin, ha?” tanong niya dito.

Hindi na ito sumagot pa at tahimik na lang na inilayo ang upuan niya dito... malayong-malayo.

NANG MATAPOS ANG klase nila sa subject na iyon ay pumunta si Jin sa locker niya para kumuha ng mga gamit niya. Hindi niya maiwasan na bumulong bulong habang papunta doon dahil sa inis.

“Akala mo kung sino! Nakakainis!”

Pagbukas niya ng locker ay napangiti siya dahil nakita niya ang picture nilang dalawa ni Zeke na nakadikit sa pinto noon but at the same time ay napatitig siya dito...

“Kamusta na kaya siya?” mahina niyang naitanong sa sarili.

“Will you please let me explain kung ano ang nangyari sa ball? Ba’t ba kasi ayaw mo pa rin akong kausapin? Are you breaking up with me?”

“Hindi break up. Kailangan ko lang ng time and space para makapag-isip-isip,”

“How much time do you need, Zeke?”

“Hindi ko alam. Babalik ako ‘pag okay na.”

Naputol ang pagrereminisce ni Jin sa usapan nila ni Zeke nang minsan niya itong nakita nang may kumalabog sa locker sa tabi niya at bigla siyang napatingin doon. Nakita niya si Zeke at nagkatinginan pa sila nito. Kumurap-kurap pa siya para siguraduhin na hindi lang imagination ang nakikita niya.

“Zeke, is that really you? Bumabalik ka na ba?” tanong niya dito.

Bago pa man ito makasagot ay may nag-interrupt na boses dito. “Zeke, are you coming? Tara na!” tawag dito ni Mika na ngayon ay kasama ang new friends nito.

“I have to go,” ‘yon lang ang tanging naisagot nito sa kanya at saka ito umalis.

Muli, nasaktan na naman siya nito. Of all people nga naman kasi na p’wedeng makasama nito, si Mika pa ang taong iyon. Now, naka-score na naman si Mika laban sa kanya.

Ang hindi niya alam, Gab is watching her from a near distance.

NASA ISANG MAGANDANG bahay with a chinese touch ngayon ang family ni Jin. Pag-aari iyon ng family friend ng parents niya na sina Mr. and Mrs. Teppei. Nandoon sila ngayon for a dinner at kasalukuyan na silang kumakain.

“Thanks for dinner. Ang sarap sarap talaga ng mga luto mo. I-share mo naman sa’kin ang recipe ng mga luto mo,” sabi ng mommy ni Jin kay Mrs. Teppei.

“Sure, mare! I-share mo na rin sa’kin ang recipes mo, ah? Para naman magaya ko. Alam mo na... kapag nandito na sa’min si Jin.”

Nagulat si Jin nang marinig ang pangalan niya. Hindi niya na-gets ang ibig sabihin nito pero alam niya na may kinalaman siya doon. Natigilan rin sa pagkain ang daddy niya at namutla ang mommy niya. Wala kasing sinasabi ang parents niya sa kanya na may kinalapan sa pamilya Teppei na kasama nila ngayon.

“Excuse me, tita? Ano po’ng ibig sabihin niyo na kapag nandito na ‘ko sa inyo? Ipapaampon niyo na ba ‘ko, Ma?” tanong niya sa mga ito. Patuloy pa rin siyang naguguluhan.

Natawa si Mrs. Teppei at nagkatinginan pa silang lahat.

“Hindi niyo pa pala nasasabi, mare?”

“Ang alin, Ma?”

Gulong-gulo na si Jin pero kinakabahan din siya at the same time. Para bang may hindi maganda na mangyayari.

Hinawakan ng Mommy niya ang magkabilang kamay niya. “Anak, you know very well ang tradition ng mga chinese na tulad ng Papa mo. We make partnerships not only on business pero pati na rin sa family,” mahinahong pagpapaliwanag ng Mommy niya.

“We have a very big investment sa construction business ng tito mo at napagkasunduan namin na para mas tumibay ang ownership ay dapat maging isang family na tayo,” pagpapatuloy ng daddy niya.

“So, ipapaampon niyo na ‘ko sa kanila?” may pagka-slow na tanong niya. She know very well kung ano ang ibig sabihin ng parents niya pero gusto niya na marinig iyon mula sa kanila at hindi siya ang magbanggit noon.

“I’m sorry if we were not able to tell you this sooner at kailangan mo pa’ng marinig sa tita mo bago sa‘min. You have to know na pinagkasundo na namin kayo ng anak ng tito mo para ikasal.”

“What?! No, hindi p’wede! I’m only 17!” protesta niya.

“But you’re turning 18 this year. Hindi naman namin kayo agad ipapakasal, anak. Matagal pa naman ‘yon. At the right time at kapag ready ka na,” pagpapaliwanag ng Mommy niya.

“No! Hindi ako papayag at hindi niyo rin ako mapipilit sa gusto niyo!” pagmamatigas niya.

Nagwalk out siya at hinanap kung saan ang way palabas sa bahay na ‘yon pero dahil sa laki ay nagkaligaw-ligaw pa siya. It was her first time na pumunta doon at siguro dahil na rin sa anxiety kaya hindi niya na matandaan ang dinaanan nila kanina.

While finding her way out, may narinig siya na tunog ng electric guitar pero sa tunog no’n ay halatang wala sa mood ang tumutugtog. Hinanap niya ang source ng tunog at pumunta doon. May isang kwarto na slightly open ang pinto kaya naman sumilip siya sa loob at napansin niya ang pamilyar na braso na may tattoo. That’s when she decided na tingan kung sino ang tumutugtog at nagulat siya nang tumingin ito sa kanya.

“Gab?!”

“Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?!”

“Gab, siya ang sinasabi namin sa’yo na mapapangasawa mo. Meet your fiance, Jin Charel Tan,” sagot ng mommy ni Gab na nasa likuran lang nila.

Nanlaki ang mga mata nila sa narinig at nagkatinginan sila ng masama.

“NO!” sabay nilang isinigaw.

Game of Love RetoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon