Chapter 2

2.3K 39 3
                                    

Chapter 2

PAGKAKITA NA PAGKAKITA ni Jin sa lalaking nagnakaw ng first kiss niya ay agad niya itong hinila patayo at palayo sa grupo na naglalaro ng Truth or Dare. Sapilitan pa ang hila niya dito pero nagpahila rin naman ito. Huminto sila sa isang area ng ball kung saan hindi gaano maingay at magkakarinigan sila. Nang bitawan siya ni Jin ay sobrang sama ng tingin niya ito.

“Look, I--” magpapaliwanag na sana ang lalaki pero pinutol niya ito.

“Stalker ka ba?! Sinusundan mo ba talaga ‘ko?!”

“Excuse me, Miss Jin. Hindi ko alam na nandoon ka din para maglaro at kagaya ng sinabi ko sa’yo kanina, it was a mistake. Akala ko, ikaw ‘yung ex-girlfriend ko so I kissed you,” pagpapaliwanag nito.

“Grabe! Kilala mo pa talaga na Jin ang pangalan ko? I knew it! You’re my stalker!” pagpupumilit niya at pagbabalewala sa explanation nito.

“May hindi ba nakakakjlala sa’yo dito? Eh ikaw ang valedictorian. Sorry na, okay?”

“I still don’t believe you! Base pa lang sa itsura mo, alam na alam ko na ang ugali mo!”

“Komo rocker, bad boy na agad? How sure are you na ang neat-looking guys kagaya ng boyfriend mo ay good boy talaga?” pagbabaliktad nito sa kanila.

Sasampalin pa sana ulit ni Jin si Gab nang mahuli nito ang kamay niya at nagkatitigan sila. Malapit pa ang mukha nila sa isa’t isa.

“That was my first kiss. Para dapat ‘yon sa boyfriend ko na si Zeke,” mahinahong sabi ni Jin.

“Look, I’m not the type of person who goes around kissing people kagaya ng iniisip mo, okay? I’m sorry if I kissed you,” sincere na pagso-sorry nito.

Hindi nila napansin si Zeke na nasa bandang likuran nila. Wala siyang ka-ide-ideya na narinig nito ang lahat ng pinag-usapan nila.

“You kissed my girlfriend?” tanong nito as he approached the two of them. “At nagpahalik ka naman?” pahabol na tanong niyo kay Jin.

“Zeke, let me explain,” agad na sagot ni Jin sabay lapit dito pero umiwas ito sa kanya. Instead, mas lumapit pa ito kay Gab.

“Hindi ko sinasadya na halikan siya,” sabi ni Gab kay Zeke.

“Eh gago ka pala, eh! Bastos ka, eh! Ano ha?!”

Nagtutulukan na ang dalawa at handa ng magsuntukan. Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan ng dalawa at any minute ay baka magkagulo na doon kaya agad na pumagitna si Jin.

“Zeke, enough. Umuwi na tayo saka ako mage-explain sa’yo,” awat niya dito sabay hila pero hindi ito nagpahila sa kanya.

“Explain?! Anong ipapaliwanag mo sa’kin? Na pinayagan mo ang loser na kagaya ng lalaking ‘to na halikan ka habang ako na boyfriend mo, hindi p’wede?!” asar na asar na sagot nito.

“Zeke, please! Let me explain!” sabi  nito sabay hawak sa braso ni Zeke.

“Ikaw, ‘di pa tayo tapos!” sabi ni Zeke kay Gab habang tinuturo ito. “At ikaw, h’wag mo ‘kong hawakan,” sabi nito sabay tanggal sa pagkakahawak ni Jin sa braso niya at nag-walk out.

She let out a heavy sigh. Nag-away na nga sila nito kanina at lalo pa’ng nag-away ngayon. She wan’t even given a chance to explain what happened. Naiiyak tuloy siya. That day was supposed to be the happiest day for them pero hindi ganoon ang nangyari. Nilapitan siya ni Gab at hinawakan sa magkabilang balikat.

“I’m really sorry. Kakausapin ko siya para magka-ayos kayo,” sabi nito para i-comfort siya.

“Just... leave me alone,” she said as she left that place devastated.

Game of Love RetoldWhere stories live. Discover now