Chapter 1

11.3K 114 11
                                    

Chapter 1

GRADUATION BALL FROM highschool ng Rockfort University ng gabing iyon. Nasa auditorium ng school ang lahat ng estudyante na kakatapos pa lamang sa highschool. Everyone is happy and having fun. It is not the usual graduation ball dahil cocktail party iyon... may DJ at dancefloor na parang nasa isang bar sila. Finally, pagkatapos ng apat na taon ay graduate na sila!

“Zeke! Kanina ka pa ba dito? Sorry, I’m late,” humahangos na sinabi ni Jin Charel Tan sa boyfriend niyang si Zeke Fraser Lopez. Kanina pa siya nito hinihintay para sabay silang maki-saya sa mga kaibigan nila.

“No, it’s okay. Ayaw ko lang na ma-late dahil alam ko na kanina pa nila hinihintay si Ms. Valedictorian. Naks, congrats!”

“Oh, come on! Malamang hinihintay nila si Mr. MVP na sikat na sikat sa school hindi lang dahil sa looks kung hindi dahil din sa galing mo mag-basketball.”

Si Jin Charel Tan, a 17-year old girl ang class valedictorian ng batch nila. Si Zeke, an 18-year old boy which is also known as the campus heartthrob is her boyfriend. Sila na nga ang tinatawag na IT-COUPLE sa school nila dahil bukod sa bagay sila sa isa’t isa, para din silang perfect couple.

“Graduate na tayo, finally! We have to celebrate! Congrats to us,” masayang sinabi ni Zeke as he hugged Jin. Tuwang tuwa naman na niyakap siya pabalik ni Jin pero nang subukan ni Zeke na halikan sa labi si Jin ay agad itong umiwas.

“What’s wrong?” may disappointment sa boses nito.

“Zeke, h’wag ngayon at h’wag din sa ganitong lugar,”

“Jin, we’ve been together for 2 years! Ni hindi kita pinilit na pumayag na halikan ka sa lips dahil sabi mo, bata pa tayo para do’n but were graduates now! Hindi pa din p’wede?” asar na asar na sinabi nito.

“I want my first kiss to be very special and all the girls think like that. May perfect time and perfect place for that, and now is not the perfect time,” sagot niya na pinipilit ipaintindi dito kung bakit hindi siya pumayag.

“Bahala ka nga! Save your first kiss hanggang sa mapanis ‘yang laway mo!”

Nagwalk out si Zeke at iniwan siya doon. Naiwan siya na worried dahil alam niya na isang maliit na bagay lang ang kiss para pagtalunan. Sinubukan niyang habulin ang boyfriend niya pero napigilan siya ng isang babae... her bestfriend, Kylie Lariza or KL.

“Jin, what happened to you? Kanina pa kita hinahanap,” agad na tanong nito sa kanya.

“Nakita mo ba si Zeke?” tanong niya dito na akala mo ay hindi narinig ang sinabi nito. Nagtingin-tingin siya sa paligid at nagbabaka-sakaling matanaw ng mata niya ito.

“Parang nakita ko siya kanina, eh. Ba’t nga ba hindi kayo magkasama? Nag-away na naman kayo, ‘no?”

“As usual. Paano ba naman kasi, gusto niya na mag-kiss kami pero umiwas ako tapos ‘yon, nagtampo na naman sa ‘kin,”

“Bessy! Ang tagal niyo na kaya na mag-boyfriend! Parang kiss lang, eh. Ano pa ba’ng perfect time ang hinahanap mo? ‘Yung magical? Sa movies na lang nangyayari ‘yan, eh. You know, what? Kahit na saan pa ‘yan, as long as you’re with the one you love, magiging magical ang kiss niyo.”

Napaisip siya bigla doon. May point nga naman talaga ang best friend niya at si Zeke. May bigla din siyang na-realize... this night is special for the two of them at mas magiging special pa iyon sa kanilang dalawa kung sakaling ibigay nga niya ang gusto nito.

“Okay, gets! This place is not bad after all for my first kiss. We spent our four years in this school at parehas na special sa‘min ang gabing ‘to dahil graduate na kami. This is actually the perfect place! Ibibigay ko sa kanya ang first kiss ko in front of everyone. Thanks, bessy!”

Game of Love RetoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon