Napahawak si Mommy sa aking kamay kaya naman binalingan ko siya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Masaya ako na kahit walang tatayong ama ang Apo ko ay nandyan naman kayo para sa kanila ni Stella" biglaang sabi niya. Napaawang ang aking bibig, hindi ko alam kung tama pa bang hindi alam ni Mommy ang tungkol kay Frank. Hindi tuloy maiwasan ang ganitong klaseng paguusap.

Kita ko ang paggalaw niya. Para bang naghahanda na magprotesta. Alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig. Pero sana ay naisip niyang ayos na munang walang alam si Mommy, kesa naman malaman niya kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Baka maging si Mommy ay magalit sa kanya.

Nagtangis ang kanyang bagang. "Ma, hindi po yan totoo" madiing sabi niya.

Halos manigas ako. Kaagad ko siyang pinandilatan ng mata. Bukod sa feel na feel niya ang pagtawag ng Ma sa Mommy ko ay ako ang kakausap dito. Hindi siya ang magsisiwalat ng lahat kay Mommy.

Matamis na ngumiti si Mommy na walang alam sa lahat ng nangyayari.

"Salamat, Frank..." marahang sabi ni Mommy sa kanya.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Kaya pa kayang magpasalamat ni Mommy kay Frank pag inamin ko na sa kanya ang totoo? Na nabuntis ako ni Frank dahil tumira ako sa condo niya. Na siya yung ex boyfriend kong niloko at ginamit lang ako. Na pinalayas ako matapos ang lahat.

Wala ng umimik pa hanggang sa ihatid ko na sila palabas ng sasakyan. Sasabay si Sergio sa kanila dahil ang kanyang sasakyan daw ay iniwan niya sa parking space sa condo ni Sandra.

"Iniwan ko talaga para tipid sa gasolina" pagpapalusot pa niya kahit alam naman namin ang totoong rason. Ayaw niya lang mahiwalay kay Sandra eh.

Sandali akong kumaway sa kanila hanggang sa mawala na sa aking paningin ang sinasakyan nila. Tumikhim ang katabi kong si Frank, hindi ko siya nilingon. Tatalikod na sana ako ng kaagad siyang nagsalita.

"Aminin na natin sa Mommy mo. Papanagutan ko kayo Stella" sabi niya sa akin.

"Hindi na kailangan" walang kaemoemosyong sabi ko sa kanya.

Hinihintay ko lang talaga na makaalis kami papunta sa Davao. Sa oras na nanduon na kami ay hindi na ulit siya magkakaroon ng paguusap kasama si Mommy ng katulad kanina.

Hahakbang na sana ako palayo sa kanya ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko. Marahan lang iyon na para bang takot siya masaktan ako o masyadong mapahigpit ang hawak niya.

"Ipapakilala kiya kay Daddy. Siguradong matutuwa siya pag nalaman niyang magkakaanak na tayo" sabi niya sa akin,ramdam ko ang saya sa boses niya.

Bigla akong nakaramdam ng awa. Hindi ko alam kung para kanino. Siguro, para sa aming dalawa. Masaya si Frank, gusto niyang ibalita ito sa Daddy niya dahil buong akala niya ay matutuwa ito. Hindi niya alam na madidisappoint niya lang ito dahil sa akin. Kung ibang babae siguro ang dadalin niya, baka.

Partly, naaawa din ako sa sarili ko. Matagal kong kinumbinsi ang sarili ko na hindi ko dapat iyon maramdaman. Pero aminado ako na mahal ko pa din siya, na gusto ko yung mga plano niya para sa amin. Pero nakakalungkot lang na ang mga magulang niya na mismo ang nagsabing hindi kami nababagay sa isa't isa. Hindi ako nababagay sa kanya.

"Ayokong makilala ang Daddy mo, ang pamilya mo. Frank, hindi ako magiging parts nuon" mahinahong giit ko sa kanya.

Nanatili ang titig niya sa akin. Para bang nanghina siya sa narinig. Muli niyang hinawakan ang siko ko.

"Gagawin kitang Del prado. Papakasalan kita, Stella...ayaw mo ba akong maging asawa?" tanong niya sa akin. Minsan talaga ay nagugulat ako sa bibig niya, masyadong straight to the point. Sasabihin kung anong gustong sabihin.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ