Mariin kong pinagdigkit ang aking labi at pinigilan ang sarili kong maiyak. I took a deep breath before looking at him.

Muli kaming nagkatitigan, kung kanina ay nanghahalukay 'yon ng emosyon ngayon ay tila nagpapalamigan kaming dalawa.

"Goodbye," he said.

Palihim kong kinurit ang aking sarili at tumango. "Goodbye," paos kong paalam.

He broke our stare, and turned his back against me. Tinakpan ko ang aking bibig sandaling nagsara ang pinto ng silid. Hinayaan kong umagos ang aking mga luha kasabay nang pagpipigil ko sa malalakas kong hikbi.

I'm sorry... I am really sorry.

WALA sa sarili akong pumasok ng opisina kinabukasan. Nagulat pa ako nang nadatnan si Achetbir na nakasandal sa kaniyang swivel chair pagkapasok ko ng opisina.

Ang aga naman niya.

"Goodmorning, Sir."

Tumingin siya sa akin at mabilis ding umiwas pagkatapos. Hindi na nag-abalang tumango o magbigay reaksyon sa sinabi ko. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at umupo sa aking pwesto para simulan ang pagtratrabaho. Palihim ko siyang sinulyapan nang naramdaman kong hindi pa rin siya kumikilos mula sa kaniyang pagkakaupo. He seems lost and bothered, was that because of yesterday?

Inaasahan ko na ang malamig niyang pagtrato sa akin pagkatapos nang nangyari sa amin kahapon pero nakakabahala ang ikinikilos niya ngayon. Pareho kaming napaigtad sa aming upuan nang bumukas ang pinto.

"Good morning, love." Puno ng galak na naglakad patungo kay Achetbir si Patriza.

Hindi ko naiwasan na magkunot-noo sa labis na kasiyahan ng fiancee ni Achetbir. Sa kabilang banda, tila bigla namang nawalan ng dugo ang mukha ni Achetbir nang sandaling nakita niya si Patriza at mabagal na lumingon sa gawi ko. Iniiwas ko agad ang aking paningin at tumutok sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko.

"What are you doing here, Patriza?" Achetbir asked cautiously.

My brows furrowed as I heard his reaction.

Something's off, I can feel it.

Nagsimulang kumalat ang kaba sa aking dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang aking kamay ay unti-unting namawis na tila may isang delubyong parating.

"What? Ikaw ang dapat tanungin ko n'yan, Achetbir. Bakit ang aga mong umalis ng kwarto pagkatapos ng nangyari sa 'tin kagabi?" nagtatampong tanong ni Patriza.

I felt like a cold water was poured onto me that moment. Ang aking paghinga ay saglit na natigil kasabay ng aking pagkabingi.

Did I hear it right?

Mabagal kong iniangat ang aking paningin sa kanilang direksyon. Patriza was sitting on Achetbir's desk while her arms were crossed on her chest. Achetbir on the other hand was straightly looking at me as if he's waiting for me to look at them.

"Let's go, we'll talk this at home," walang emosyong wika ni Achetbir at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.

"Talk about what? Besides Tita Emily is coming right now," Patriza informed about Mrs. Villa Forca's arrival.

"Fvck!" he hissed and glanced at me secretly again.

Kinontrol ko ang aking paghinga at nanginginig na bumalik sa ginagawa ko.

May nangyari sa kanila.

Alam kong wala akong karapatan na masaktan o magreklamo pagkatapos nang pagtataboy na ginawa ko kay Acherbir kahapon. Pero hindi ko maiwasan na mamanhid sa sakit. Knowing the fact that he's not mine anymore.

"Why are you cursing, love? Okay lang 'yon, malapit na rin naman tayong ikasal kaya hindi mo kailangang ma-guilty sa nangyari sa 'tin, 'tsaka masaya naman ako sa ginawa natin kagabi. Malay mo 'di ba makabuo agad tayo," saad ni Patriza at humagikhik sa huli.

"Patriza, stop it," Achetbir uttered coldly.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanilang dalawa dahil lumilipad ang utak ko sa mga narinig ko. Nagulat na lamang ako nang may malakas na humampas sa ibabaw ng aking mesa at nakita ang nanay ni Achetbir na nakatayo sa harapan niyon. Mabilis akong tumayo at yumuko bilang paggalang sa kabila nang panlalamig ng katawan ko.

"From now on, I want her out of this company. Kung kakailanganin ko siyang ilipat sa ibang kumpanya ay gagawin ko. Mawala lang siya sa landas n'yong mag-asawa," aniya sa malamig na tono na nakapagpatulala sa 'kin.

"Mom, stop this. Come on, we'll talk this at home," pakiusap ni Achetbir at inihahanda ang kaniyang mga gamit.

"Bakit hindi rito? Why, Achetbir? Mahalaga pa ba sa 'yo ang babaeng ito?" tanong ng kaniyang ina sabay turo sa 'kin.

Hindi naman agad nakasagot si Achetbir at huminga na lamang nang malalim sa huli. "We are talking about our family issues in my freaking office mom," he pointed out.

"And so?" her mom blurted.

Napahilot sa kaniyang sintido si Achetbir na tila hindi alam kung ano'ng gagawin sa kanyang ina.

"At ikaw na malanding babae, hindi mo ba titigilan ang anak ko? Akala mo ba hindi nakakaabot sa akin ang pagbibigay niya ng atensyon sa 'yo? Magkano ba'ng gusto mo? Presyuhan mo at ibibigay ko ora mismo basta 'wag mo lang guluhin ang anak ko," direktang sabi niya sa akin habang nanlilisik ang mata sa galit.

I bit my lower lip after hearing those words.  Alam kong hindi ko deserve ang lahat ng iyon pero wala akong magawa dahil ayaw kong mawala ang paggalang ko sa nanay ni Achetbir. Hindi pa siya nakuntento at lumapit pa sa akin upang gawaran ako ng isang malakas na sampal.

"Malandi ka! Ikakasal na ang anak ko at buntis ka na sa ibang lalaki tapos ay may gana ka pang humarot!" asik niya.

Mabilis na lumapit si Achetbir sa kaniyang ina at inilayo sa 'kin. "STOP HURTING HER!" he shouted angrily.

"Why, Achetbir? Do you still love that woman?" Patriza mocked with annoyance.

"Can you two please stop?! Can't you see? She's fvcking pregnant!" Achetbir yelled worriedly.

Pagak namang tumawa ang kaniyang ina. "Iyon na nga, Achetbir, hindi mo ba nakikita na buntis siya sa ibang lalaki?"

Hindi naman nakasagot si Achetbir sa tanong ng ina. Pakiramdam ko ay nilalamukos ang aking puso sa nangyayari ngayon sa aking paligid. Ito ang iniiwasan kong mangyari ngunit patuloy pa ring nagaganap.

"Dal'hin mo siya sa ibang kumpanya, Achetbir, at sa lalong madaling panahon magpakasal na kayo ni Patriza bago pa man lumobo ang kaniyang tiyan," pinal na wika ng kaniyang ina.

Achetbir massaged his temples, and then let out a deep sigh. "Okay," he surrendered.

Nakagat ko ang aking labi kasabay nang pagsaksak ng libu-libong karayom sa aking puso.

Yeah, it was the right decision so everybody will be at peace.

Ang mahalaga, may trabaho akong mababagsakan.

Napahawak ako ng mariin sa 'king lamesa nang sumidhi ang matinding kirot sa aking sinapupunan. Narinig ko ang malakas na pagpalakat ni Patriza kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido sa 'king hita. Mabagal akong tumingin doon at nagsimulang manginig nang nakakita ng maraming dugo.

Hindi... Ang anak ko.

"Ahh!" I shouted in pain and held on my belly.

Mabilis akong umangat sa hangin pagkatapos akong buhatin ni Achetbir. "Hold on. Fvck!" pinagpapawisan niyang sambit kasabay nang mabilis niyang pagkilos.

"Ang anak ko. Aray!" umiiyak kong sigaw at namaluktot sa matinding sakit.

"Ssssh... Hold on, everything will be okay," pagkausap niya sa 'kin sa gitna ng kaniyang mabilis na paglalakad.

"Ang anak ko, Achetbir. Ang anak ko," paulit-ulit kong sambit kasabay ng aking paghikbi.

"Ahhh!!" I yelled again when my stomach ached too much.

"Please save him. Save our baby, please..."

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now