Chapter 24: The Missing Mafia Pendant

Magsimula sa umpisa
                                    



Mabilis kaming nagkatinginan ni Thelina at sabay nang tumakbo papunta sa direksyong pinuapupuntahan ng lahat. Sinenyasan naman kami ni Alexis sa kung saan kami mas makakalapit nang maharang kami ng dami ng tao.



"Gosh. Is that Ms. Romualdez?"

"The Filipino teacher?"

"Yeah. She wasjust like teaching us yesterday!"

"Oh my god."



"What the fuck." nasabi ko na lang nang ang bumungad sa akin ay ang nakabulagtang bangkay ng isa sa mga guro rito sa eskwelahan. Nitong nakaraan lang, may mga namatay na rin. Bakit umuulit na naman yata?



Dilat na dilat pa ang mga mata ng ginang at nakapormang kamao pa ang dalawang kamay nito. May ilang saksak ito sa dibdib, tiyan, at tagiliran. Ang sugat at dugong nagmumula sa ulo niya ang nagsasabi sa aking may nangyari rin sa bandang ulunan niya. Hindi rin siya makikitaan ng kahit anong gamit para sa klase niya na siyang una ko lamang yata nakita.



If my memory is right, she has her first class this morning on the opposite building of Russet which is the Crimson Building. This is the commonly used pathway by the students and faculty members who had a business from Alfus Beige to get on to the Crimson.



Subalit wala namang ibang mas umaaga pa kay Ginang Romualdez sa pagpasok sa faculty ng Alfus Beige Building. I've been assigned to check the log books before. No one has ever got there before her.



Kung iintindihin naman ang disenyo ng Mhorfell Academy, may ilang bagay kang pagtatakahan. Una, ang gusali ng Russet ang pinakamalaki sa lahat ng academic buildings na nandirito. It means, it is already given that this contain the biggest number of students. Even so, why would the culprit kill her in this spot? In this spot where someone or even a group of students could see the crime scene?



Or did he or she also killed those who could have seen his or her crime? If so, where are the bodies? Is this where the poor professor's running feet could only take her?



Pangalawa, walang nakakalampas sa Alfus Beige nang hindi mapapansin ang daan papunta sa headquarters. Of course, the way to our house would be the dead-end! No one could enter and exit on that way without passing the headquarters' gates. Kaya nga kami roon ipwinesto upang masiguradong walang makakalusot na pasaway na estudyante ang makakalabas o makakapasok nang hindi dumaraan sa mga nakatataas.



"We reviewed the footage from the time those four left the school up to the moment twenty minutes ago. Walang ibang kahina-hinalang nakapasok dito. Paanong..." pagtataka rin ni Thelina sa tabi ko. The horror evident on her eyes while watching the old woman's blood flow as if it's just a water spilled by a child. Siya pa ang huling gurong nakita namin bago kami umalis para kagabi.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon