Pagkain. *__* Mistulang naging puso at bituin ang aking mga mata sa dami ng pagkain na nasa harapan ko at lahat ito ay mga paborito ko. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Wahh. Una kong nilapitan ang siomai, tapos kwekkwek, tapos lahat na nilapitan ko. Wahh ang sarap talaga. Habang nasa gitna ako ng paglamon ko may narinig akong tawag. Kinapa ko ang bulsa ko wala akong cellphone kaya panong may tatawag? Char lang. May sumigaw ng pangalan ko e. Pero di ko na lang pinansin, masyado akong busy. Bawal abala!
"JOSEPHINA!" (Hosepina kung banggitin)
ano ba yan ang kulit. Napaka pangabala naman nun. Nagpalinga linga ako para tignan kung sino tumawag sakin. Wala naman akong nakita kaya kumain na lang ulit akom hmm sarap sarap talaga. Ayoko nang umalis pa dito. Isang paraiso. Isusubo ko na sana yung siomai nung may sumigaw ulit mas malakas kaysa kanina.
"JOSEPHINA!" Mistula itong naging ringing bell. Nabosesan ko na kung sino ang tumatawag sa akin. At sa bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan ba naglalaho na ng parang bula ang mga pagkain ko. Wahh wag nyo ko iwan.
"JOSEPHINE MARISOL FRANCISCO! Babangon ka na ba dyan o puputulin ko muna ang mga buhok mo?" Malakas na sigaw ni inang
Dun na ako gumising sa napakaganda kong panaginip. Haha sasagot na ako kay inang complete name na e.
"Inang Maria Lorna Francisco! Buhok ho ba saan ang gugupitin nyo?" Hahahahaha. Sabi ko habang nagpipigil ng tawa at inaayos na ang aking higaan.
"Aba't talagang. Bumangon ka na dyan. Bilisan mo at nandyan na lahat ng idedeliver mo."
"Oo na inang. Sinira mo na nga ang panaginip ko ang demanding mo pa dyan, ni good morning wala pa. Maghintay ka! Baka ika'y naaano ko dyan!" hahahaha ganyan talaga kami ni inang. Masanay na kayo.
"Baka ano? Ha?" Pagkasabi nun bigla nya akong kiniliti. Wahh. Aba't kelan pa to napunta dito? Kiniliti nya lang ako ng kiniliti.
"Wahh. Inang. Tama na di na ako makahinga." wooh.
"Bilisan mo na dyan at malapit ng mag5."
"Opo inang kong maganda." sabi ko sabay halik sa pisngi nya with matching tunog pa. Hahaha
"Ew kadiri ka talaga di ka pa nagtutoothbrush e."
"Choosy pa? Chix ka? Chix?"
"Oo. Ganda ko e. Hahaha" huling sabi nya at tuluyan na syang umalis. Loko talaga yung si inang. Oh sya mga bh3 dyan na muna kayo at liligo muna ako. Bawal kayo sumama ano. At mahirap naman magkwento habang naliligo. Hihi bayieeee
~after 30 minutes,
Hello mga bh3 I'm back.
"Inang anong almusal?"
"Wow ha. Ang ganda mo. May tinapay dyan yan kainin mo bilisan mo na." bulyaw sakin ni inang habang nagtatakal
Kumuha ako ng tinapay at gatas. Sossy namin ano? Haha char lang yan. Nagmadali na akong kumain dahil malapit na ang oras char. Lagot na naman ako. Dali dali kong kinuha ang gamit ko.
"Inang alis na ako."
"Teka. Oh." sabay hagis nung baunan ko. Talaga naman itong si inay oh.
"Ingat ka."
"Ikaw din po."
Dali dali akong sumakay ng bike ko kung saan may lamang mga dyaryo. Oo tama kayo. Nagdedeliver muna ako nang mga ito bago pumasok. Mas maaga ngayon kasi umpisa na ng pasukan. Medyo madilim pa. Aba kanina pa pala akong dada ng dada dito hindi pa ako nagpapakilala sa inyo. Sorry mga bh3, di nyo naman kasi sinabi hihi joke lang.
So ako nga pala si Josephine Marisol Francisco, na kung tawagin ng aking magandang inang ay Josephina. Ang bantut nuh? Parang utot ni inang. Hahaha. Nagiisang anak? Haha. Actually dalawa kami. Kaso yung isa kong kapatid kasama ni Dad sa ibang bansa. I used to call my parents mom and dad. Pero ngayon inang na ang tawag ko kay mom. Why? Hindi naman na kasi kami mayaman. Nagdivorce ang parents ko. Yun pala ang dahilan kung bakit kami umalis dati. Kung hindi dahil dun sana masaya pa kaming dalawa nang kaibigan ko na ngayon ay hindi ko na nakikita at hindi ko na kilala. Well 10 years na ang nakakaraan. Sya kaya? Kilala pa rin kaya nya ako? Makikita ko pa kaya sya? Sustento? 5K per month. Hindi sasapat samin ni inang kaya kinailangan naming magtrabaho. Trabaho nya? Nagluluto sya. May mga paorder sya sa mga trabahador sa malalaking kompanya dito sa kamaynilaan. At tsaka nagtatahi din sya ng mga damit. Magaganda kasi ang mga damit na gawa ni inang kaya naman patok ito sa mga tao. Syempre ako kaya designer ano. Hahah. Tapos ako naman nagdedeliver ng mga dyaryo sa mga bahay bahay. 4th year high school na ako ngayon. Mahigit 3 taon na rin ang lumilipas. At hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Ano nga bang sinasabi ko? Haha. Mayroon kasing isang lalake sa school at ang lakas ng tama ko sa kanya. Sa school namin kailangang nakaID ka. Kapag hindi mo suot ang ID mo hello reflection room ang peg mo. At isa ako sa palaging laman ng reflection room kasama nya. Hindi ko naman talaga naiiwan ang ID ko e. Gusto ko lang syang makasama sa reflection room kasi duon madalas kami lang dalawa. Nagbabakasakali kasi ako na kakausapin nya ako at mapapansin. Pero mali. Haha. Hindi nangyari ang gusto ko. Kapag nasa reflection room kami, palagi lang syang nakaubob. Parang lagi syang inaantok. Sa sobrang dami kong kwento hindi ko namalayan na nasa school na ako.
"Oy, oy. Hanggang ngayon wala ka paring ID? Talaga nga naman."
"Haha alam ko na po manong kung saan ako pupunta tama na po ang dada."
"Aba't talagang-" tumakbo na sya. Natawa na lang si manong guard. Ayos makakasama ko na naman sya. Promise kakausapin ko na sya ngayon.
Papasok na sana ako nang hinarang ako ni manong guard.
"Wait? ID mo?"
"Wala po manong e. Naiwan ko. Hehe"
"Punta sa reflec-"
"Manong hindi nya naiwan. Ito oh." sabay kuha nung lalake sa ID lace ko. Tinignan ko sya ng masama. Kainis panira ng diskarte.
"Suot mo na yang ID mo at pumasok ka na."-manomg
"Opo." nanlulumo akong pumasok ng gate. Kainis. Hindi muna ako pumasok ng room hinintay ko muna makapasok yung lalaking pakialamero. Nung makita ko sya bigla ko syang kinulbit.
"Oy!" napalakas yata yung kulbit ko sa kanya. Parang tulak na yung nagawa ko kaya muntik na syang magsungasob. Sayang.
"Woah." sigaw nung mga kasama nya.
"Ano bang problema mo?" Sa sobrang inis nya yata kaya napasigaw sya. Pero hindi ako magpapatalo. Tinitigan ko sya mata sa mata. Pansin ko hindi sya makatingin ng ayos sakin. Parang ang uneasy nya.
"Bakit mo sinabi kay manong na may ID ako?"
"Eh ano? Totoo namang may ID ka. Kung ayaw mo umattend wag ka nang pumasok hindi yung kunwari naiwan mo ang ID mo."
"Eh ano bang pakealam mo?" napalakas na yata yung boses namin kaya hindi namin namalayan na nasa tabi na pala namin yung guidance counselour at halos lahat ng atensyon ng estudyante naagaw na namin. Oh no! No. Sana hin-
"You two, go to detention room. NOW!"
Napakagandang simula ngayong 4th year highschool. Wala nga sa reflection room nasa Detention room naman kasama yung mokong na ito. Ang saya saya naman. Nagdadabog akong pumunta sa detention room habang nasa likod ko yung lalakeng pakealamero. Goodluck to your senior year josephine.
YOU ARE READING
Manong Guard.
Teen FictionAng story na ito ay tungkol sa babaeng nagngangalang Josephine na may lihim na pagtingin sa kanyang school mate. Lahat ginagawa nya para lang makasama ito. Pano nya nakakasama? Sa reflection room. Palaging late at walang ID ang lalakeng gusto nya na...
