"Kasalanan mo to e! Kainis magkakaroon tuloy ako ng masamang record kung kelan naman senior na ako. May balat ka siguro sa pwet! Dahil sayo minalas na ako! Panira ka ng araw! Kainis!" himutok ko sa kanya, abay nakakabwisit naman talaga e.
"Wow ha? Sino ba yung sigaw ng sigaw kanina? Ako ba? At tsaka pwede ba, sa tingin mo hindi nakakasira ng record ang mapunta sa reflection room? Pabebe ka din masyado e? Anong trip mo? Pupunta akong reflection room kasama nya at walang makakapigil sakin? Wow ah." singhal naman nya sakin.
"Oo kasalanan mo! Kung hindi ka nangealam kanina eh di sana wala ako ngayon dito sa detention room kasama mo. At andun nga sana ako sa reflection room kasama nya. At wala akong pake sa iisipin at sasabihin mo. Eh ikaw? Ano yung sayo? Mangengealam ako at wala nang makakapigil sa akin. Eh di wow! Pakialemro. Nakakainis!" oo nagkakapikunan na nga kami. Babatukan ko na sana sya nang biglang...
"So gusto nyo yatang madagdagan ang parusa nyo? Sabihin nyo lang." mataray na pahayag ni ma'am samin. Tumayo ako ng tuwid at humarap sa kanya.
"Sorry po ma'am." magkasabay naming paghingi ng paumanhin. Napatingin lang ako sa kanya at sakto tumingin din sya sakin. Inirapan ko na lang sya at nginisian naman nya ako. Kuh. Nakakapanginit ng dugo ang lalaking ito. Tinitigan ko sya ng masama. Oo titig na dahil hindi sya makuha sa isang irap. At aba ang mokong di nagpatalo, tinitigan din ako habang nakangisi pa rin sya.
"Sige. Magtitigan na lang kayo dyan at wag ng pakinggan pa kung anong parusa ang ipapataw sa inyong dalawa!" galit na si ma'am Casava samin. Kanina pa kasi sya nagsasalita na parang ewan kasi di namin sya iniintindi at pinapakinggan.
"Ma'am, sorry na po. Wag nyo na po dadagdagan ang parusa naming dalawa. Sorry po." paghingi ko ng paumanhin na may sensiridad. Nagpaawa na ako malay nyo effective. Joke. sincere talaga ako nu. Ayoko makasama ng matagal tong lalakeng to. Hindi ko na nga lang tinitignan itong kasama ko baka mabwisit na naman ako.
"Okay." woooh. "Dahil first day palang naman, pagbibigyan ko kayo." buti naman at may kabaitan pa si ma'am.
"Salamat po ma'am." pansin ko di na umimik yung katabi ko. Hala yae sya wala akong pake sa kanya. Badtrip ako sa kanya!
"Okay ang parusa nyo..." bago magpatuloy, ngumiti muna sya ng nakakaloko. Okay parang bigla akong kinabahan.
"Kita nyo yung mga walls sa likod ng building ng 4th year?" tanong ni ma'am samin.
"Opo/Yes ma'am." sabay na sagot naming dalawa. Sumilay yung mga ngiti sa labi ko parang alam ko na. Yes. Goodvibes na this.
"Okay. Buti kung ganun. Kailangan nyo gibain yun. Yun ang parusa nyo."
"What? Ma'am naman!" parehas kaming napahiyaw sa gulat kasi naman. Hayst BV ulit, akala ko pa naman.
"Seryoso kayo ma'am?" tanong nang katabi ko.
"Hindi." ayst si ma'am naman e. Nangtitrip.
"Kailangan nyong lagyan ng design yung mga walls dun. Pinturahan nyo, mural, kayong bahala kung anong gusto nyong gawin." nagpanting ang trnga ko nung marinig yun. Wooh. Balik si goodvibes.
"Kelan po kami magumpisa?"
"Ngayon na. At kailangan nyo din matapos yun ngayong araw. Kunin nyo na lang yung gamit sa gym."
"Okay po ma'am." inayos ko na ang bag ko at masaya na akong lumabas nang detentiom room.
"Hey hindi ako maalam magpaint or magdraw or kahit anong may kinalaman sa Arts." Sabi nung lalakeng pakialamero hindi ko pa rin kasi alam pangalan nya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Goodvibes nga ako diba?
YOU ARE READING
Manong Guard.
Teen FictionAng story na ito ay tungkol sa babaeng nagngangalang Josephine na may lihim na pagtingin sa kanyang school mate. Lahat ginagawa nya para lang makasama ito. Pano nya nakakasama? Sa reflection room. Palaging late at walang ID ang lalakeng gusto nya na...
