PROLOGUE

75 4 3
                                        

*Manong guard. May tanong lang po. Manong guard. Nag-aalala ako...

"Manong!" -ako

"Oh? Iha? Bakit? At tsaka, ano pang ginagawa mo dito sa labas? Oras na ng klase ah!" -Manong guard

"Ah. Eh. (kamot sa ulo) may itatanong lang po sana ako!"

"Ano ba yun iha? Bilisan mo at mahuhuli ka na sa klase mo!"

*Nakita mo ba syang pumasok ngayon. Ilang araw na kasi syang absent. Bakit gano'n?

"Eh ano po e." hayst. Paano ba to? Baka kasi kung ano isipin ni manong e. Hayst bahala na nga.

"Kasi ano? Bilisan mo baka gusto mong dalhin kita sa refection room."

*Hindi naman sa pagiging paranoid talaga...

Hayst. Itatanong ko pa ba? Fine, gusto ko lang naman malaman e. Yun lang!

"Manong, hm. Ano po. Itatanong ko lang po sana kung pumasok na po si ano." amp di ko masabi yung pangalan nya,

"Si?" nakangiting tanong ni manong. Ugh. Ano ba yan!

"Si ano po. Yung pong lalaking laging late? Yung pong laging nakakaiwan ng ID. Yung pong-"

"Lalaking lagi mong kasama sa reflection room?"

"Opo.opo. Manong. Ay hindi po. Manong naman e!"

"HAHAHAHAHHA." napabulalas ng tawa si manong dahil sa reaction ko. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Yan kasi e. Tanga mo e. Bakit kasi tinanong mo pa! Yan tuloy.

"Haha. Bakit mo naman tinatanong?" makahulugang ngumiti si manong. Ayst si manong naman :3

*Yung eraser n'ya kasi nasa 'kin pa...

"Uhm. Kasi ano po e. Nasa akin pa po kasi yung eraser nya. Oo tama. Yung eraser nga nya." tugon ko kay manong. Wooh namamawis na yung kamay ko.

"Eraser nga lang ba talaga?" may pangaasar sa tono ng boses ni manong.

"Opo!" mabilis kong sagot.

Manong Guard.Where stories live. Discover now