Chapter 37 The F word on V Day

Start from the beginning
                                    

May mga construction worker din palang mga tsismoso. Saan nila nalaman ang walang kakwenta kwentang tsismis na yun? Sa twitter?

“Ha? Mang Caloy? Anong pinagsasabi niyo?”

“Alam mo boy, pinahihirapan ka ni Sir dahil ang alam niya shinota mo yung asawa niya. Di ba dun ka sa office nagtrabaho?”

“Hindi ko girlfriend si Mrs. Sera.”

“Ganun ba? Eh bakit nakita kayong naghalikan sa parking lot?”

That bitch!

Sinong bitch ang tinutukoy ko? Walang iba kundi si Chloe! Siya ang may kagagawan nito. May tinatago pa lang hinanakit si Sir Sera sa akin kaya dito niya ako sa site inassign at pinahihirapan pa akong maghalo at magbuhat ng semento. Pwede niya akong komprontahin hindi yung sinasaksak niya ako ng nakatalikod.

Bunch of hypocrites! Yung mga ngiti sa akin ni Sir, akala ko sincere. Ngiting kontrabida pala yun! At si Chloe, ang bruhildang babaeng anak ni Valentina! Kung hindi ko kailangan ng grade, hindi ako magtitiis dito.

Speaking of grade..

Pinuntahan ko si Sir, na nagbabasa ng blue print. Nilapitan ko siya para komprontahin.

“Sir, pwede ko po ba kayong makausap?” tanong ko sa kanya.

“Tungkol saan?”

“Itatanong ko lang po kung may galit kayo sa akin? Alam ko po na nakita niyo ang isang video na kuha ng cctv sa parking lot ng building.”

Ang cctv video na yun ay parang Hayden Kho scandal na naging viral video.

“What about that?”

“Sir, tinatanong ko lang po kung galit kayo sa akin kaya pinahihirapan niyo ako dito?”

“Marahil ay meron nga especially kung kinakalaban mo ako ng personal.”

“Wala po kaming relasyon ng dati niyong asawa. Kung ano man ang nakita niyo sa walang kwentang video na yun, walang ibig sabihin yun. Hindi ko rin po kayo penepersonal. At alam kong makakaapekto ang internship ko dahil sa tsismis na yun.”

“Buti alam mo Mr. Thomas! Matalino kang bata! Alam mo na pala ang magiging kapalaran mo. Ilalagpak kita sa internship mo kay ngayong alam mo na, sige, umuwi ka na dahil hindi na kita kailangan dito!”

“Sir, kailangan ko po tong grade na toh! Hindi ako makakagradweyt! Isa pa, ilang buwan na akong nagiintern sa inyo, bale wala lang lahat ng pinasok ko dito.”

“That’s not my problem. Get out of my office!”

Wala akong magawa kundi lumayas sa office ni sir. Dahil sa isang tsismis, at isang kuha ng cctv nawalan ako ng grade. Nawalan ako ng pangarap. Nawala lahat. Isang malaking F as in FUCK at FUTA!

Dito na lang ako babawi, sa isang dinner date with Portia. Kahit wala ako sa mood, hindi ko pinahalata ang kawalan ng gana ko. It’s Valetine’s Day. Bukas ko na lang iisipin lahat ng problema.

“Conrad, what’s wrong?” tanong ni Portia habang humihigop ng soup.

Hindi ko maitago ang sama ng loob ko.

“Portia, remember when I told about Priscilla?”

Nag-iba ang timpla ni Portia ng marinig niya ang pangalan ni Priscilla.

“What about her?”

“Yung sinabi ko sayo na hinalikan niya ako sa parking lot?”

Hindi bagay na pagusapan ito dito mismo sa aming v-date!

“Nakunan ng cctv, pinakita nung receptionist kay Sir, Sera.”

“What?”

“Kaya wala na akong grade na maipapasa. Meaning hindi ako makakagradweyt dahil sa isang cctv!”

Nagulantang si Portia sa balita ko at habang nagkatitigan kami, umupo sa tabi ng table namin si Priscilla at si Sir Sera.

What a really small world!

“Sir Sera?” tanong ko habang nagkatinginan kaming apat.

AWK-WARD!

“Bakit kapag pinag-uusapan, umaapir? Di ba dapat nasasamid lang?” sabi ko kay Portia na nanlilisik ang mata na nakatingin kay Priscilla.

“It’s a small world after all! Nagulat ka ba Mr. Thomas na magkasama kami ngayon ni Priscilla?” sabi ni Sir Sera.

Paano pa namin mae-enjoy ang dapat isang romantic na dinner date kung may dalawang asungot sa kabilang table. Mahirap lunukin ang pagkain dahil natrap ka sa isang awkward situation at hindi mo alam kung paano makawala.

May kanya kanya kaming issue dito at wala ng mas oh-awkward pa sa ganitong event. Ang Valentine’s naging holloween.

Itinapon ni Portia ang table napkin sa plato niya at tumayo.

“Let’s leave!”

“Pero we haven’t finished our food!” sabi ko na no matter how awkward the situation is, iniisip ko ang sayang na pagkain at siyempre ang sayang kong pera.

“We have to go! Paano ka pa kakain dito kung nawalan ka na gana. There’s no sense finishing our food!”

“Portia…” tawag ni Priscilla.

“Don’t call me Portia! Wag mo akong tawagin! Wag mo akong kausapin.”

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa kung ano man ang gagawin niya.

Kahit maliit ang bag niyang dala, malay ko kung bigla na lang niyang pukpukin ng vacuum si Priscilla.

“Alam mo ikaw, simula nung makilala ka namin nagkagulo-gulo na ang buhay namin! Ginulo mo ang pamilya ko. Pinaghiwalay mo ang magulang ko! Tapos ngayon, idinamay mo pa si Conrad sa kalandian mo!”

“Portia, tara na!” hinila ko ang braso niya.

“Alam mo bang nabalewala ang pinaghirapan niyang internship sa kumpanya niyo! You are the most pathetic whore I’ve ever met!”

“And who are you to say that?” nakisali si Mr. Sera.

“Serafin! She’s my daughter!” sabi ni Priscilla na ikinagulat ni Mr. Sera.

“Anak! Kahit kailan hindi kita naging nanay!”

Hinila ko na si Portia palabas ng restaurant dahil konting konti na lang sasabunutan niya na si Priscilla at magwawala sa loob.

“What is wrong with you?” galit kong tanong sa kanya.

“What is wrong with me? Nothing! Naiirita ako sa kanya! Nakakainis siya!”

“You don’t have the right to say that to her! Nanay mo pa rin siya!”

“Really? Kakampihan mo talaga siya? She’s not my MOTHER!”

“Pwede naman kasing magwalk out na lang di ba? Bakit kailangan mo pang pagsalitaan siya dun! Para kang palenkerang tao na naghahanap ng gulo.”

“Dahil yun ang gusto kong sabihin sa kanya! Totoo naman ang lahat ng sinabi ko di ba? Kung hindi dahil sa kanya, hindi sa akin galit si Mama. Sana magkasama kaming tatlo nung pasko. Sana kumpleto kami. Sana hindi ka naghihimutok at wala kang problema sa internship mo!”

“BUT WHY DO YOU HAVE TO SAY THAT?”

“WAG MO AKONG PAGTAASAN NG BOSES!”

Nagsigawan kami sa gitna ng kalsada na akala mo isang madramang eksena sa isang highest rated teleserye on primetime. Dala na rin siguro ng stress at pagod kaya ako napasigaw.

“FINE! KAMPIHAN MO YANG MALANDING BABAE NA YAN! THANKS A LOT! NAGING ROMANTIC ANG VALENTINES DAY KO AND DON’T BOTHER, KAYA KONG UMUWI MAG-ISA!”

“Portia!” trinay kong habulin pero nakasakay na siya at naiwan ako sa side walk.

Wow! What a nice thing to do on valentine’s day. Major AWAY at SIGAWAN. Yun ang romantic para sa kanya! O di hindi baduy!

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now