Chapter 3:Death League

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nieves, kung gusto mong tanggapin ang inaalok nila ay bumalik ka nalang dun. Hindi mo naman kailangang maapektuhan sa mga desisyon ko, may sarili ka ring buhay"

Tumahimik nalang si Nieves hanggang sa makarating kami sa sentro ng bayan.

Naririnig ko na ang mga ingay na nanggagaling sa mga mamamayan ng Cora.

Pinagmasdan ko sila at tyaka ako malungkot na napangiti. Kahit maraming nangyayari rito samin ay nagagawa pa rin nilang tumawa.

Mababakas mo rin ang saya sa mukha ng mga bata. Napaka-inosente ng ngiti nila. Wala kang kahit na anong lungkot na mababakas dito.

"Ella tayo na, kailangan na nating bumalik sa bahay"-tawag sakin ni Nieves.

Naglakad nalang ulit kami hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Anong nangyari?"-bungad sa amin ni Tita Carla.

Hindi ko nalang siya sinagot at dumiretso nalang ako sa kwarto namin ni Nieves.

Iisa lang kasi ang kwarto naming dalawa.

Humiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

Ilang minuto ang lumipas at ganoon pa rin ang posisyon ko hanggang sa marinig ko ang napakahinahon na boses ni Tita Carla.

"Ella, pwede ba kitang makausap?"

"Sige po, ano pong gusto niyong pag-usapan natin?"-Sabi ko habang nakahiga at nakatingala padin sa kisame.

"Nakita niyo ang presidente ng Cora?"

"Yes"

"Tinanggihan mo daw ang alok niya"

"Hindi ko kayang gawin ang inaalok nila"

"Ella, ipapaalala ko lang sayo ha, na magkaiba ang hindi kayang gawin at ayaw gawin"

"Alam ko yun, tita"

"Kung ganun ay maiintindihan mo ang mga sasabihin ko sayo ngayon, Ella. Alam kong kaya mong gawin ang gusto nila pero ayaw mo lang. Ella, tignan mo ang bayan natin, bukas ay may maririnig na naman tayong iyak at pighati dahil sa pagkawala ng mahal nila sa buhay. Ayaw mo bang magkaroon ng pagbabago?Ayaw mo bang iligtas ang bayan natin?"

"Tita, kahit gustuhin ko mang baguhin to, wala na akong magagawa. Tanggapin nalang natin ang mga kapalaran natin"

"Ella, tayo ang gumagawa sa sarili nating kapalaran, at ngayong mga panahong 'to, nasa kamay mo na ang   kapalaran ng mga mamamayan ng Cora"

"Kung gusto ko mang baguhin ang Cora, mas gusto kong baguhin ito ng mag-isa. Ayokong may nagdidikta sa akin na mga katulad nila"-sabi ko

Napabuntong-hininga nalang si Tita Carla tapos lumabas na sa kwarto.

Paano ko nga ba magagawang baguhin ang Cora ng mag-isa?

Fearless:The Death LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon