I cleared my throat and nodded. Walang silbi kung itatanggi ko iyon sa aking ina ngayong wala na sa aming harapan si Achetbir.

"Tatanungin kita ulit. Sino ang ama ng dinadala mong bata, Jandie?"

Napatitig ako kay inay at napaiwas ang tingin. Ang aking mga luha ay nagsimulang mamuo sa gilid ng aking mga mata. 

"S-Siya," utal kong tugon kasabay nang pag-agos ng aking mga luha.

Mabilis na lumapit si inay sa 'kin at saka ako hinila para yakapin. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyong dalawa. Ngunit palagi mong tatandaan, anak, na sa lahat ng pagsubok na haharapin mo ay nandito lang kami ng iyong kapatid upang sumuporta," aniya.

Tahimik akong napahikbi at yumakap nang mahigpit sa aking ina. "Patawad, nagsinungaling ako kanina," bulong na sabi ko.

"Sssh... Naiintindihan kita." Hinaplos niya ang aking buhok bilang pang-aalo.

Humiwalay sa 'kin si inay at hinawakan ang aking pisngi para iharap sa kaniya ang mukha ko. Pinahid niya ang luha ko at tipid akong nginitian.

"Malaki ka na, anak. Alam kong nakakapagdesisyon ka na ayon sa iyong katwiran. Kung ano man ang dahilan ng lahat nang ginagawa mo ay alam kong may sapat kang dahilan, hihintayin ko ang panahon na masasabi mo sa akin ang lahat ng iyan."

Tanging tango na lamang ang aking naitugon sa ina ko. Hindi ko rin maiwasang humanga sapagkat nagagawa niya akong intindihin kahit pa hindi ko nasasabi ang lahat sa kanya. Akala ko ay mabibigo ko siya. Marahil ay gano'n nga siguro ang mga nanay, hindi ka pa umiimik ay naririnig na nila ang iyong daing.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan. "Ilang buwan lang ay lalabas na siya. Magawa ko kaya na maging mabuti na ina sa kanya?" bulong na tanong ko at mapait na ngumiti.

"Walang sinumang ina ang naging perpekto pagdating sa kaniyang anak, Jandie. Lahat nagkakamali at nagkukulang ngunit gano'n pa man ay hindi iyon sukatan upang sabihin na hindi ka mabuting ina," sagot ni Inay.

Napangiti ako at muling yumakap sa kanya. "Maraming salamat, inay. Ngayon ko lubos na naiintindihan lahat ng ginagawa mong panunuway sa 'min noong kami ay mga bata pa."

Munting tawa ang kanyang pinakawalan at humiwalay sa akin. "Mukhang emosyonal ka magbuntis, anak, bukod doon ay maselan ka rin sa pagbubuntis," aniya.

Napanguso ako at hindi na nakatanggi pa.

"May mga kasabihan noong panahon namin na kapag daw nilakdawan mo ang ama ng iyong anak ay mapupunta sa kanya ang iyong paglilihi," tumatawang kwento ni Inay.

Bahagyang nanlaki ang aking mata sa gulat at munting paghanga.

"Ngunit huwag mong gagawin 'yon. Ikinukwento ko lamang sa iyo ang mga haka-haka ukol sa pagbubuntis," panunuway ni inay.

"Opo," tipid kong sagot.

"Sorry to butt in. Kailangan ko nang magpaalam para bumalik sa Manila," wika ni Achetbir nang pumasok sa kusina.

"Ayos lang, hijo, malaki na rin ang nadulot kong abala sa 'yo," sagot ni Inay bago tumingin sa 'kin. "Ikaw anak? Sumabay kana sa 'yong amo nang may nagtitingin sa 'yo kaysa mag-isa kang bumyahe pabalik ng Maynila," seryosong sabi ni inay bagamat may mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

Nakagat ko ang aking dila sa loob ng aking bibig dahil sa kalokohang ginagawa ng nanay ko. Marahan kong ibinaling ang aking mata kay Achetbir na malamig na nakatitig sa 'kin.

"P-Pwede po ba akong sumabay?" alanganin kong tanong.

"Pack your things, we'll be going after 10mins. I'll just call the helicopter," tugon niya na ikinalaki ng aking mata.

"P-Po? Maaari din naman ako sa land travel," sabi ko.

Tamad niya lang akong tiningnan at ibinaba ang paningin sa 'king tiyan. "The baby might got stress due to heavy traffic, air travel was the better option. Now, go and pack your things. That's an order, Miss Mendoza."

Napanguso ako at tumango. Hindi nakaligtas sa 'king paningin ang palihim na pagngisi ni inay kaya naman inirapan ko siya.

Iba rin talaga kapag mapera. Isang tawag lang may helicopter ka ng sasakyan.







TAHIMIK kaming magkatabi ni Achetbir sa loob ng helicopter. Iniiwasan ko siyang tingnan dahil sa kaba at takot na rin sa mga nangyari kanina. Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone kaya kinuha ko iyon sa aking bulsa. Agad kong nabasa ang pangalan ni Caster sa thread messages kaya asta ko iyong bubuksan ngunit mabilis na nakuha ni Achetbir sa aking kamay ang telepono ko.

"You are not allowed to use your phone inside this helicopter," malamig na saad niya.

Napanguso ako at wala nang nagawa pa kundi ang hayaan siyang itago ang aking telepono. Umayos ako ng upo at nilikot na lang ang sariling daliri.

"So, you're still talking to him," he said mockingly.

Taka ko naman siyang nilingon. "Is there something wrong with that?" I asked innocently.

He laughed sarcastically and muttered a curse before leaning on his seat then shut his eyes. "Yeah, I almost forgot, he's the father."

Wala akong ideya sa sinasabi niya kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Mukhang balik na naman siya sa pagiging bipolar o mas tamang sabihin na balik na ulit kami sa dati. Mapait na lang ako na ngumiti at sumandal na lamang din sa aking inuupuan hanggang sa tuluyan akong nakaidlip.

Nagising ako dahil sa uhaw kaya naman agad akong naghanap ng tubig. Sa malas na pagkakataon ay nasa gilid nang mahimbing na natutulog na si Achetbir naroon ang isang mineral water. Napahinga ako nang malalim at walang nagawa kundi ang tahimik na lumakdaw sa kanya para makuha ang tubig na hindi siya inaabala. Napairit ako nang muntikan na akong matumba, mabuti na lamang at mabilis na nakagalaw si Achetbir para saluhin ako kaya hindi ako napabagsak kung saan.

"FVCK! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?" galit niyang tanong sa mataas na tono.

Maluha-luha ko namang sinalubong ang kaniyang paningin. "I-I just want to drink. Why are you shouting me?" puno ng hinanakit kong sambit.

He shut his eyes tight and place me on his lap properly. "Damn, woman, you'll be the death of me," he whispered.

He took a deep breath, then opened his eyes slowly. "Sige na, uminom ka na," aniya at ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang.

Nanigas ako sa aking pagkakaupo. Doon ko lang napagmasdan ang aking posisyon na nakakandong sa kanya.

"I-I can sit back on my seat," usal ko at astang tatayo.

"Stop moving, Mendoza, and drink that fvcking water," malamig na banta niya.

Napalunok ako at pinapapawisang binuksan ang mineral water na hawak. Idinaan ko na lang sa pag-inom ng tubig ang kaba kong nararamdaman hanggang sa hindi ko namalayan na naubos ko 'yon.

"Tapos na, I can now go back on my seat," I mumbled.

Mabilis pa sa alas k'watro siyang umiling. "No, you might tripped again. Just stay here until we landed," he said.

My mouth parted with disbelief.

I think I will be in a house arrest if he'll know that it's his child that I am bearing.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now