[ CHAPTER 48: MY RULE]
Zein's POV
"Hindi mopa ko kilala, ilang araw, linggo at buwan ko kayong pinag pasensyahan! Now you will see who really am! Who your enemy really is! And this is me Delilah! Matakot ka dahil ang totoong ako handang lumaban hanggang kamatayan"
Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata dahil sa sinabi ko sakanya! Hindi pa nila kilala ang totoong ako!
Tama sila Nicky! Tama sila! Naging duwag ako nang ilang buwan, nanahimik ako, hindi ako lumaban! Pero hindi na ngayon, dahil nagbalik na ako! Nagbabalik na ang totoong Zein!
"Hahahaha---natakot ako! Sa tingin mo may magagawa kaba?" Nakangising tanong Niya saakin.
"Try me" maikling sagot ko sakanya Habang nakangiti din...
Go Zein kaya mo Yan!
Nagpalakad lakas siya Habang humihinga nang malalim sabay tingin sa taas. "Hahahahahahaha" nagulat ako nang bigla siyang tumawa nang nakakaloka.
Anyare?
Nabaliw na!
"Anong gusto mo?" Bigla niyang tanong saakin "Bakit bigla Kang nagtatapang tapangan?" Dugtong pa Niya.
"Delilah, tulad nga nang sabi ko hindi ako natakot sayo. Pinagbigyan lang kita nitong mga nakakaraan pero ngayon tapos na ang araw na yun!" Nakangiting sagot ko sakanya.
"Pagsisihan mong ginawa mo toh, mas Lalo mo lang ginawa ng misirable ang buhay mo" pananakot Niya saakin
"Hihintayin ko ang araw na yan, pero sa ngayon pakawalan mo ang Kaibigan ko" utos ko sakanya.
Nakita ko na napatiklop ang Kamay Niya Pero nakatingin lang ako sakanya Habang nakangiti.
Sige lang Delilah, maasar ka lang! Kulang pa yan sa lahat nang ginawa mo saakin at saamin!
Sinenyasan ni Delilah na tanggalin ang tali ni Vanessa na sinunod naman nila agad, lumapit siya saakin at tinanggal din ang taling nakagapos saakin...
"Nanalo ka ngayon pero hindi sa susunod" Naasar na Wika Niya saakin.
" Dahil sa susunod wala kana" dinugtungan ko yung sinabi Niya saakin sabay tawa nang mahina.
Shems! Bakit parang nag eenjoy akong asarin si Delilah... Parang ang sarap sa feeling!
"Umalis na kayo bago ko pa mapatay ang mga buhay niyo!" Nanginginig sa galit na Saad ni Delilah sabay talikod saakin.
Nginitian ko lang siya sabay lapit Kay Vanessa na ngayon ay nanghihina na dahil sa mga sugat at pasa na Natali Niya sa DDN.
"Vanessa" Naiiyak na Saad ko sabay alalay sakanya nakatayo
"Tara na, iaalis na kita dito" dugtong ko pa.
Inalalayan ko siya makatayo upang makaalis na kami sa lugar nang mga halimaw.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Cedric pagbukas Niya nang pinto.
Inalalayan niya makapasok si Vanessa sa loob at inihiga sa sofa, habang ako ay dumiretso sa kusina at nag init nang tubig pang linis sakanya.
"Vanko" naluluhang Wika ni Jerome Habang hinihimas himas ang ulo ni Vanessa, napansin ko na nasa Salas na pala Silang lahat.
"Tatawagin ko sila pareng Ace" prisinta ni Cedric na tinanguan lang nila Allison pero sumama sakanya si Nazzer.
"Zein, anong nangyari?" Seryosong tanong saakin ni ate Allison.
YOU ARE READING
Return To Hell University
FanfictionOne of the former students of hell University non-government school will re-enter the school full of wonders and secrets. The past newbies will Return to hell University led by Zein Shion, Ace Craige, Raze Silvenia and Allison Shion. Can they disc...
