[ CHAPTER 6: SSG BATTLE]
Raze's POV
Nandito kami ngayon sa dorm at nag hahanda para sa battles na gaganapin mamaya sa wide space. Ito na ang chance namin para maibalik ang mga posisyon na dati na talagang saamin.
Nag uusap usap kami kung ano ang mga posisyon na lalabanan namin, nothing change, si alas ganun padin.
" Raze are you sure vice president ang kukunin mong posisyon?" maririningan ng pag tataka ang himig ng boses ni zein ng kumpirmahin niya saakin iyon.
" yep.... " saad ko dito " 'Di ako lalaban para maibalik ang posisyon ko sa DGW, may plano ako, we need to get more information." paliwanag ko sakanila.
Maraming paraan para muling makuha ang pagiging leader ng DGW, but this is my only opportunity to be a member of SSG. Mas marami kaming makakalap kapag naging part ako ng SSG. Lahat gagawin ko para makatulong ako sa pagkalap ng impormasyon.
"Mukang hindi mababawi ni Zein ang posisyon nya bilang queen" saad ni Nicky habang nakasandal sa pader at mag kakrus pa ang dalawang braso...
"It's okay, atleast mabawi natin ang mga posisyon niyo...." Sagot ni Zein ng nakangiti ngunit bakas mo sa mga mata niya na may halong pag aalala at pang hihinayang.
Pinagpatuloy na lang namin ang aming ginagawa, pero natigilan kami ng tumayo si Roxanne at pinamewangan kami. "Lalaban ako sa hipokritang reyna ng DGW" halata sa tinig nito na hindi siya nag bibiro at seryoso siyang gusto niya labanan ang kasalukuyang reyna ng DGW.
"WHAT? Are you really sure?" Tanong ko sakanya.
"Yes bitch!" Naka taas ang kilay nito na sagot saakin. " I'm going to show to that fucking girl that she mess with the wrong Queen!!!" Napa taas na lang ako ng kamay at bumulong sa hangin ng 'ok ok'
Lahat kami ay napa iling na lng sa kasungitan ni Roxanne...
"Good luck guys, kaya natin ito" tugon ni Dave
Nginitian namin sya, pero muli kaming natigilan ng magsalita si Cedric at lumingon kami sakanya. "Fafa Nazzer, lalaban din ako sa member ng BBG" naka ngiting saad saamin ni Cedric.
"UGOK KA! Kaya mo ba?" Nag tatakang tanong ko sa kanya
" oo naman pareng Raze..." Saad nito bago sumilay ang nakakalokong niti. " pero kung nag aalala ka sakin, penge na lang good luck kiss, pang pa lakas ko..." Natatawang saad sa akin ni Cedric at ngumuso pa ang hayop.
"Ulol!!! Manahimik ka lang dyan! Pwede ba!!!" hasik ko sakanya bago ibato sakanya ang throw pillow. Minsan kinikilabutan din ako sa mongoloid na toh ee!
"Isa lang naman ee... DAMOT!" Ani pa nya na parang bata..
Itong gwapo ko na ito hahalik sakanya?? No way! Nakakastress na nga ang mga nangyayari sa paligid ko, dadagdag pa siya, yan tuloy nawala ang 1.01% na kagwapuhan ko...
*To all the students please proceed to the wide space*
Isang salita mula sa speaker ang umagaw ng atensyon namin na naging dahilan upang maputol ang aming usapan.... Agad na kaming kumilos para pumunta sa wide space.
"LET THIS NONSENSE BATTLE BEGIN" Sambit ni Vanessa
Pumunta na kami sa wide space at lahat ng studyante ng Hell University ay nandoon na pero ang nakakapag taka lang ay wala pa si madame Kahel, inilihis ko na lang ang aking paningin sa EMCEE na kaka akyat lang sa mini stage.
YOU ARE READING
Return To Hell University
FanfictionOne of the former students of hell University non-government school will re-enter the school full of wonders and secrets. The past newbies will Return to hell University led by Zein Shion, Ace Craige, Raze Silvenia and Allison Shion. Can they disc...
