Chapter 7

2.8K 102 11
                                        

[ CHAPTER 7: GANG BATTLE]

Nazzer's POV

"Sinong gusto maging leader?" Walang pag dadalawang isip akong pumanik sa stage matapos sabihin iyon ni madame Kahel, pero mas naunang pumanik doon ang mayabang na leader ng BBG na si Kristian Garcia.

Babawiin ko lang ang posisyon na akin naman talaga.

Hanggang sa makapanik ako sa mini stage ay hindi nito inaalis ang kanyang paningin saakin. Bakit ganun? Kahit ano'ng gawin kong titig o kung ano man, hindi ko magawang matakot sa mayabang na lalaking toh? 

"The former leader..." Aniya habang diretsong nakatingin saking mga mata.

"Kilala mo naman pala ako, ba't nandito kapa?" I asked him.

"Ha-ha, ang taas din ng tiwala mo sa iyong sarili, ano? " sarkastikong saad nito. " Do you really think that you can defeat me?"

" Hindi ko lang iniisip dahil alam ko din na kayang kaya kitang patumbahin." Kampanteng sagot ko na ikinakuyom ng kamao niya. " and this battle of both of us will only last for 1 minute. " 

  " Battle for BBG leader will begin in 3,2,1"

"Mr.Garcia Vs Mr. Lumia"

Siya ang unang sumugod patungo saakin at buong pwersang ibinato nito saakin ang kanyang dagger ngunit sinipa ko iyon palabas ng stage dahilan para mas lalong mag init ang kanyang  ulo.

Lumapit ito saakin at ginawaran niya ako ng 5 suntok, subalit ang tatlo doon ay naiwasan ko. Sisipain ko dapat siya pero hinawakan nya ang paa ko dahilan para makakuha ako ng pagkakataon na gumanti.

Itinaas ko ang isa kong paa at buong pwersa ko itong isinipa sa kanyang mukha dahilan para mapaatras ito at isang maling hakbang ay talo na sya, kaya kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para sipain siya sa sikmura na naging dahilan ng pagkahulog niya sa putik na ikinatalo niya.

" I told you, one minute is enough for me to beat you, asshole. " 

"Ang nanalo Mr. Nazzer Lumia" anunsyo nung emcee.

"Action speaks louder than words." Saad ko pasakanya na ikinakuyom ng kanyang kamao.

Bumaba na ako sa stage at sinalubong naman ako ni Nicky bago gawaran ng halik ginantihan ko naman iyon.

"Congrats" bati sakin ni Nicky

"Thanks! Goodluck sweetie, kaya mo yan" pag susuporta ko sa aking nagiisang matapang na fiancée

"Ang susunod na laban ay para sa gustong maging queen ng BBG" 



Nicky's POV

"Ang susunod na laban ay para sa gusto maging queen ng BBG" sambit nung Emcee.

si madame Kahel ay nakaupo nanaman, this dumb bitch is getting into my nerves,.  hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at agad din pumanik sa mini stage, gustong gusto ko nang sampalin ang babaeng ito.

pa'no ba siya naging queen ng BBG ?

Psh!

Nasa stage na ako at nakita ko ang Jamie na mukang ulikba na naka pang depensang pustura na agad habang naka ngisi!

"Hahahahahahahahha" isang nakakainsultong tawa ang iginawad ko sa kanya

"Is there anything funny huh? Crazy!" Maarteng tugon niya na kala mo ikinaganda niya.

Return To Hell University Where stories live. Discover now