Chapter 11

2.5K 166 21
                                        

[ CHAPTER 11:  CONTINUATION OF BMW. ]


Raze's POV.

Nagising ako ng maaga at tulog pa silang lahat dahil narin sa pagod kahapon sa pakikipag laban.

Ngayon na ang last day ng bloody minute week.

Binuksan ko ang pinto para sana lumabas at magpahangin muna, pero halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng  naabutan ko si Ethan na duguan sa may pintuan ng aming dorm agad kong tinulungan na makapasok siya sa loob.

"Anong nangyari?" Pag aalalang tanong ko sakanya

"Ang DDN ang may gawa nito" Utal utal na sabi niya at may mga dugo pa na lumalabas sa bibig niya.

"A-Alam k-ko na papatayin din nila ako!" Dugtong pa niya, sabay ngiti ng marahan

"Alas." Tawag ko kina Ace dahil sa taranta ko ng makita si Ethan na nasa ganitong sitwasyon.

Agad naman silang lumabas kahit halatang kagigising lang.

Nagulat silang lahat sa kanilang nakita, napatakip pa si Zein sa kanyang bibig.

"M-makinig kayo, ang kalaban niyo ngayon ay kalaban niyo na dati pero mas malalakas ang mga kakampi niya ngayon, ma-----" Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla siyang umubo ng dugo.

"Dalhin na natin siya sa clinic!" Sigaw at maluha luhang saad ni Zein, lalapit pa sana siya kay Ethan, pero biglang nagsalita ito.

" W-wag na!!! M-mag iingat kayo, buksan niyo ang mga mata niyo, kayo lang ang magkakampi, wag kayo basta basta magtitiwala." Saad niya sabay hawak sa kamay ko at may binigay siya saaking card na kulay puti na may gold sa gitna.

"Ano toh?" Nagtatakang Tanong ko sakanya

"K-key ca....." Di natuloy ang kanyang sasabihin ng ng may bumulusok na dagger sa kanyang ulo na ikinagulat naming lahat.

Pumunta si Nicky sa may bintana at ginamit ang sniper riffle para hanapin ang gumawa nun!

Napatingin naman ako kay Ethan ng hawakan niya ang kamay ko at sinubukan niya parin magsalita

" S-secret L-lab! l-libbbla...." Di niya na natuloy ang kanyang sasabihin ng tuluyan na siya malagutan ng hininga.

Tiningnan ko ang card na binigay niya saakin at sa likod nun may nakasulat na 'key card'.

para san naman ang keh card na toh? Gusto ba niya kami mag Hotel?

"Secret lab ang huli niyang sinabi" sambit ni Matt

"At ano ang dapat pa niyang sasabihin?"

"Libla ano?" Tanong ni Dave

"Andaming inpormasyon na dapat natin alamin" saad ni Fritzy

"Library! " Biglang sigaw ni Cedric

"Huh?" Takang tanong ni Jerome

"Library ang huli niyang sinabi" si Cedric

"Tama! Library! Pero anong meron sa library? Gusto ba niya tayo magbasa?" Takang tanong ko.

Tama naman ahh, Library, kung saan maraming libro, anong ginagawa sa libro, binabasa! Tama ka dyan Raze antalino mo talaga.

"Teka ano toh?" Tanong ni Roxanne sabay lapit sa bangkay ni Ethan, may kinuha siya na piraso ng papel na nakatusok sa may ulo ni Ethan.

"KASALANAN NIYO KUNG BAKIT KO SIYA PINATAY! TSK! MALAPIT NA, HANDA NABA KAYO? HAHAHA" naka saad dun sa sulat at halatang tinatakot pa kami.

"Ano yan?" Kinakabahang wika ni Mia at nakita pa namin na namumutla na siya.

"Fvck them!" Mahinang wika ni Zein

Return To Hell University Where stories live. Discover now