[ CHAPTER 19: NEW STUDENT]
Zein's POV
Ilang buwan na ang lumipas pero wala paring nagbabago, napansin ko nga na mas lalong nagbigay ng time sakin si Ace after ng anniversary namin.
Halos marami rami na rin ang nakalap naming impormasyon kung ano ang nangyari dito months ago.
Dahil maaga akong nagising naisipan ko na magluto ng breakfast, ewan ko basta masaya ako sa tuwing gigising ako sa umaga, siguro dahil alam ko na laging nandyan si Ace at kumpleto parin kaming magkakaibigan.
Minsan nga namamangha na lang ako sa mga nangyayari kasi parang kelan lang kakapasok lang namin dito, takot na takot at gusto na namin makalabas, pero ngayon kami pa mismo ang bumalik sa mismong lugar na ito.
Dahil na lang siguro dito rin nasubok ang tibay ng pagkakaibigan namin nila Matthew, at yun ang isa sa pinaka pinagpapasalamat ko, ang nakilala ko sila at naging kaibigan ko.
"Good morning Zein" bati sakin ni Matt dahilan para magulat ako na ikinatawa naman niya dahil sa naging reaksyon ko sakanya.
ABA!
HAPPY!
Tinaasan ko lang siya ng kilay, pero patuloy parin siya sa pagtawa pero maya maya ay tumigil na siya.
"Epic yung itsura mo dun Zein" pang aasar saakin ni Matthew
"hehe! Tumawa ka lang hangga't gusto mo" sarkastikong sabi ko sakanya
"Hindi, biro lang" saad ni Matt sabay ngiti.
Ngumiti na lang din ako sakanya kesa inisin ko ang sarili ko at masira pa ang umaga ko dahil sa lalaking toh!
Tiningnan niya kung ano yung niluluto ko sabay tikim, pinitik ko naman ang kamay niya dahil sa ginawa niya.
"Alam mo bakit hindi mo ginagawa yan kay Angel? Ahh-- alam ko na!" Saad ko sabay taas ng index finger ko " under kanga pala niya noh" dugtong kopa sabay halakhak ng pagkalakad lakas
"Hindi ah, ayoko lang talaga pinapainit ang ulo ni Angge kasi mahal ko yun" paliwanag ni Matt sakin pero nginisihan ko lang siya.
Mahal mahal!
Che!
"Para kay Ace bayang almusal?" Pag iiba ni Matt ng usapan.
"Oo sana, ee kaya lang naisip ko rin kayo nila Raze kaya dinamihan kona para salo salo na tayo" sagot ko sa tanong niya.
"Bakit? Nagseselos ka?" Pang aasar ko kay Matt nakita ko naman na nabigla siya sa sinabi ko at tumingin sa paligid niya.
"Zein pakiusap! Gusto ko pa mabuhay! Wag kanamang magbiro ng ganyan" Ani ni Matt na lumuhod pa sa harap ko at kunwaring nakikiusap nagtawanan naman kaming dalawa, para kasi kaming tanga! Gantong ganto din kami nung unang pasok dito sa Hell university.
Matapos ko magluto tinulungan na ako ni Matt maghain sa lamesa ng aming almusal at sakto naman kakalabas lang nila Ace sa kwarto nila.
"Morning" bati ko sakanila habang nakangiti.
Lumapit naman sakin si Ace sabay yakap sakin ng mahigpit "Morning darling" bati niya sakin pabalik
"Alas pwede mamaya nayan! Lumalamig ang pagkain oh!" Sigaw samin ni Raze habang nakakunot pa ang noo.
Hindi siguro toh kinakausap ni ate Allison. Bigla naman ako napangisi ng makaisip ko ng plano.
Haha!
"Si ate Allison? Tumawag naba?" Tanong ko kay Raze dahilan para tumigil siya sa pagsubo ng kinakain niya at tingnan ako na para bang sinasabi na 'nang aasar kaba Zein'
YOU ARE READING
Return To Hell University
FanfictionOne of the former students of hell University non-government school will re-enter the school full of wonders and secrets. The past newbies will Return to hell University led by Zein Shion, Ace Craige, Raze Silvenia and Allison Shion. Can they disc...
