Nang bumalik na ang iba nilang kasamahan ay nagpatuloy sila sa pagsasanay. Tutok na tutok sila sa kanilang mga ginagawa.

'Ice's pov'

Kulimlim na ng makabalik kami sa dorm. Tapos na kaming kumain ng hapunan kaya dumeretso na kami sa aming mga silid upang magpahinga. Masyado kaming napagod kakasanay kanina. Pero Di bale na ang mahalaga ay handa kami sa ano mang oras lulusob ang mga tauhan ni Hades o si Hades mismo.

Papasok na sana ako sa aking silid ng makita ko si Phoenix sa labas ng kwarto niya. Nanumbalik naman sa aking isipan ang nakita kong  paghalik niya kay Icey noon sa palasyo nina Cristel. May namagitan ba sa kanila ng hindi ko alam?

"Hey, Phoenix, can i talk to you?"- tawag pansin ko sa kanya. Kita ko naman dito sa aking kinatayuan na bahagya siyang natigilan bago humarap sa akin. Hmm..

"Hm, yeah. Tungkol ba saan?"- tanong nito ng makalapit siya sa akin.

"May namamagitan ba sa inyo ng kapatid ko?"- deretsong tanong ko. Huminga naman siya ng malalim bago sumagot.

"Wala. But i'll court her."- deretsong sagot niya. Hindi na ako nagulat dahil halata sa kilos niya na may pagtingin siya kay Icey Fiery.

"Hmm okay. But make sure ha na mahal mo talaga siya."- paalala ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Noted!"- sabi nito. Nagkamay pa kami bago siya umalis.

Pipihitin ko na sana ang door knob ng aking pintuan ng may nagsalita sa aking likuran.

"Ikaw seryoso ka ba sa pinsan ko?"- boses yun ni Hero. Kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"- tanong ko.

"Ice, ilang beses ko na kayong nakita ni Autumn. Kaya sana seryoso ka sa kanya. Alam naman kasi natin na mas matanda ka sa kanya."- seryosong wika nito.

"Don't worry, Hero. Seryoso ako sa kanya. Mahal ko siya at mahal niya ako kaya wala kang dapat na ikabahala. And baka nakalimutan mo pinsan ko rin ang nobya mo kaya umayos ka. Nakita kita nong birthday nina Cristan na may kahalikan ka."- sabi ko naman sa kanya. Agad namang sumama ang kanyang mukha. Haha...

"Hey, anong kahalikan ka diyan! Hindi kami naghalikan noh! Ahh kaya pala galit na galit si Zenna noon. Tsk. That was an accident okay? And i love Zenna. Sige na diyan kana."- napailing-iling na lang ako ng pumasok na siya sa silid niya.

Nakahiga na ako sa kama. Pagod ang aking katawan ngunit hindi pa ako dinalaw ng antok.

Sana walang masamang mangyari sa amin. Alam ko na kumilos na si Hades. Sana pagkatapos nito ay tuluyan ng maging payapa ang buong Sapphire.

'Dannaya's pov'

Sinundan ko si Hades dahil alam ko na sisimulan na niya ang Ikalawang digmaan sa mundo namin. Kailangan na malaman ko ang mga plano niya at kung kailan siya lulusob ng sa gayon ay makabalik na ako sa palasyo.

"Ihanda ninyo ang mga kawal. Kayo ang unang lulusob. Alam ko na wala ng barrier ang paaralan kaya malaya rin ang mga nilalang natin na may pakpak na umatake sa kanila."- pagpupulong ni Hades sa mga kawal niya. Nasira kaya talaga ang barrier? God!

"Kailan tayo lulusob, kamahalan?"- tanong ng pinuno ng kawal.

"Bukas."- w-what? Bukas agad? Sana handa na sila.

Hindi ko na tinapos ang pakikinig kay Hades agad akong bumalik sa loob ng silid na kung saan nandoon si Eury.

"Eury, maghanda ka. Bukas na lulusob si Hades. Kailangan na makaalis tayo ngayong gabi."- sabi ko kay Eury.

"Masusunod po, Queen."- sambit nito sa matamlay na boses.

"Eury? Ayos ka lang ba?"- kausap ko muli sa kanya. Thru telepathy this time.

"Ayos lang, Queen."- alam ko na hindi. Alam ko na mahal na niya si Hades.

"Don't worry, Eury, gagawa ako ng paraan."- sabi ko dito.

"Salamat, Queen."- nakangiting aniya.

Eury, sana may himala na mangyari bukas. Yung himala na pwede kayong magkatuluyan ni Hades. Dahil kung mayroon talaga? Handa akong bitawan ka, Eury.

'Hade's pov'

"Sampung hukbo kayo. Ang unang hukbo ay sa Thunderious Kingdom. Ang pangalawa ay sa Waterious. Ang pangatlo sa Snow kingdom. Ang pang-apat ay sa Airious Kingdom. Ang pang-lima sa Earthious Kingdom. Ang pang-anim at pang-pito ay sa Diamond Kingdom at ang pang-walo at pang siyam ay sa Fireperous Kingdom. Ang panghuli ay ang unang lulusob sa Academy kasama sa mga halimaw."- utos ko sa kanila. Kailangang matapos na ito.

"Masusunod, Kamahalan!"- sigaw nila.

Agad naman akong nagtungo sa silid na kung saan nandoon si Dannaya. Mahimbing na siyang natutulog. Susubukan kong hawakan siya kung mapapaso pa ba ako.

'Dannaya, mahal ko. Bakit iba ang pintig ng aking puso sa tuwing masisilayan kita? Bakit iba ang pintig nito nong una kitang nakita?'  bahagya pa akong nagulat ng hindi na ako napaso. Mabuti naman ng sa ganon ay makatabi na ako sa kanya.

Inayos ko ang kanyang kumot at maingat akong tumabi sa kanya. Pinalibot ko sa kanyang bewang ang aking mga braso at hinalikan siya sa kanyang noo bago pumikit.

'Eury's pov'

Ngayong gabi na ang alis namin dito sa palasyo ni Hades. Oh my god! Hindi ko akalaing mahalin ko siya gayong isa siyang kalaban. Tss. Kahit kailan ka talaga Aphrodite mapaglaro ka.

'Third person's pov'

Nakatingin lang si Eury sa nahihimbing na si Hades. Kaya ng may naisipan si Eury ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at sinalakay si Hades sa panaginip.

"Sino ka?"- tanong ni Hades kay Eury sa panaginip.

"Ako si Eurybia at nandito ako upang ipaalam sayo na mahal kita."- turan ni Eury kay Hades at mabilis niya itong hinalikan sa labi na parang kidlat lang.

Napabalikwas naman ng bangon si Hades at habol ang hininga. Lihim namang napangiti si Eury dahil sa wakas nakapakilala na siya kay Hades sa katauhan niya.

"F*ck! What was that? Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Kaparehas ang kabog nito sa tuwing masilayan ko si Dannaya na nandito sa tabi ko. Ngunit bakit? Isa lang ba ang katauhan nila? Niloko kaya ako ni Dannaya? Eurybia. Mahal niya ako?"- gulong sambit ni Hades



---------------End of Chapter 29

Yan lang muna masakit na ang mga mata ko eh.. Malapit na talaga tayo sa dulo ng kwento. Ilang Chapters na lang at Epilouge na. So thank you guys... Love yaahh





Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now