The End

4K 241 31
                                    

A.N.: Hi! Just a quick note. This part is unrevised so please bear with any kind of errors and my 15/16-year old writing style haha! Thank you so much for reading!

WINTER

Tuluyan na niyang iniwan ang improvised stage nila at lumapit sa'kin. Sumenyas sa'kin si Alex na bumaba na ng model house. Sinunod ko naman siya. Pagkaharap ko nauntog ako sa dibdib ni Shohei. Ang bilis naman niyang makalapit.

"Why did you leave me?" tanong niya.

"Busy ka naman sa Fans mo eh." Nasa himig tampong sagot ko.

"Sandali lang naman eh..."

"Wow! Sandali lang 'yon ah? Sixty minutes lang naman po ang hinintay ko. Six.ty.mi.nutes. Isang oras! Sandali lang ba 'yon sa tingin mo o sadyang mahina ka lang sa equivalent ng mga oras? Alam mo ba ang pinagkaiba ng saglit sa sobrang tagal?! Na Isang oras na ang lumipas pero saglit pa rin sa'yo?" nilabas ko na ang pagtatampo at sama ng loob ko sa kanya.

"Tinupad na nga ang hinihinging reward galit pa." Humalukipkip siya. Na-amuse ako. Marunong pala 'tong magtampo? Nanlambot naman ang puso ko sa inakto niya.

"Hindi na nga...Thank you sa reward Shohei." Sinsero kong sabi.

"May reward din dapat ako."

"Reward?" ano nga kaya ang tinutukoy nito na icla-claim daw niyang reward?

"Yes." Tumango-tango siya. Nakaplaster na ang magandang ngiti sa labi niya.

"What is it?" I ask. He suddenly grab my waist and pull me closer to him. Feeling his body against mine I automatically stuttered. "S-Shohei."

"You're wrong. 'Who' is the right term." Pagtatama niya. Napalunok akong muli.

"What do you mea--?"

I didn't finish my words when he swiftly clutch the back of my head and claim me with his intimate kisses. I am completely astounded with his actions causing my heart beat rates abnormally faster. I responded as if longing for this moment to happen. We don't care about the people around us. It is all about me and Shohei. Oh how I love this man!

Our lips finally parted after an unnumbered of seconds and we were both panting when someone caught our attention.

"PDA Pare!" Komento ni Leivan. Ang isa sa mga kabanda ni Shohei. Kaklase namin. Ang crush ni Alex.

"Shut up." Malamig na tugon ni Shohei sa kanya. Inakbayan ako ni Shohei. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit hindi na nagreklamo pa. Tutal gusto ko naman ang kamay niya na nakapalibot sa balikat ko.

"Oh ano na Shohei? Aakbay ka na lang?" tudyo ni Clive. Isa rin sa mga kabanda niya at kamag-aral namin.

"Shut up." Muling tugon ni Shohei. Halata ang kaba sa boses niya. Lumingon ako sa kanya. Nagtataka. May napansin pa kong isa. Namumula ang mukha niya.

Teka? Nagba-blush ba siya? Hindi ko maiwasang mapabungisngis. Bumitaw siya sa pagkaka-akbay sa'kin at pinukulan ako ng matalim na tingin. Bumalik na naman ang dating masungit at supladong Shohei.

"Nice pare bumabakla na." Asar ni Leivan. Narinig kong tumawa si Alex mula sa likuran. Naks! Sinusuportahan talaga ang biro ng crush niya.

"Gago." Napipikong sabi ni Shohei. Sinamahan ko na si Alex sa pagtawa.

Claiming my RewardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon