♫♪ Chapter 1 ♫♪

37.3K 486 18
                                    

WINTER

Nakatanaw lang ako sa kanya kanina pa, hindi ako makalapit. How can I when there are lots of fangirls looming over him. Siya na ang sikat. He is a lead guitarist and vocalist of our schools's official band. I don't know when did it started, kung sino ang nagpauso ng ganito but they did really exist. Kaya wag na kayong magtaka kung maraming nagpapa-autograph sa kanya, katulad ng nangyayari ngayon.

"Shohei maylabs, dito pa sa bag 'ko pa-autograph." Hindi pa naman nakakapagsalita si Shohei ng buhay ko ay bahagya ng tumalikod ang babae para maiharap ang pasan-pasan niyang bag pack. Ngumiti lang si Shohei at tahimik na pinirmahan ang bag ng babae.

As if namang may choice pa siya diba?

"Thank you, pa-kiss pa ko." Hindi pa man nakakapag-react ang mahal ko ay nakanakaw na ng halik ang babae!

Naalarma ang ilang mga inggit na fangirls.

Napatayo ako bigla.

"aba't–!" Nakanguso kong itinuro ang direksyo ng babae habang hawak-hawak ang tinidor na may nakatusok pang tocino. Susugurin ko na sana kaso nga ay lang may pumigil sa'kin. "Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko." Paulit-ulit kong sabi. Nagtataka ang mga taong nagtitinginan sa'kin. Hahakbang pa sana ako ng dalawang beses para makalapit sa direksyon ni Shohei ngunit may nambatok sa'kin.

"Aray!" daing ko.

"Kanina pa nga kita pinipigilan eh!" lumingon ako sa pumigil sa'kin, nais na siyang gantihan ngunit agad ding nagbago ang isip nang makita kung sino ito.

"Alex!" Natutuwa kong banggit at niyakap siya.

"Puro ka na naman Shohei!" Inilapag niya ang kanyang pink na bag sa bakanteng upuan. "Hindi mo pa nga inuubos 'yang lunch mo." Nginisian ko lamang siya bilang tugon.

Kalmado na kong umupo gano'n din si Alex, katapat ko. Nasa school cafeteria kami ngayon. Puno na ang mga upuan ngunit hindi naman mainit dahil naka-centralize aircondition ang lugar. Muli kong tinanaw si Shohei sa labas. Sa wakas ay nagsialisan na ang mga linta niyang fans.

"Ubusin mo na 'yang lunch mo." Puna sa'kin ni Alex nang mapansing nakanganga na naman ako sa bulto ni Shohei.

"Ano ka ba, busog na ko," tugon ko habang nakapangalumbabang nakatitig sa lalaking laging laman ng mga daydreams ko. Nangangarap ako na sana nandito siya, katabi ko at sinusubuan ako. "Kinikilig ako," bulong ko sa sarili, nangingiti.

"Busog?" di-makapaniwalang usal ng kaibigan ko. Parang gusto na niyang dukutin ang mga mata ko. "Busog sa kakatitig diyan sa masungit na Shohei na 'yan." Nilingon ko si Alex. Pinandilatan niya ko kaya nairolyo ko na lamang ang mga mata ko. Kung hindi lang 'to nagpaikli ng buhok ay nahila ko na ang buhok nito. "Sabagay sa fans niya mabait siya, sayo lang hindi," dagdag niya, natatawa.

Naidukdok ko ang ulo sa lamesa. Yeah, Alex is right, sa akin lang talaga siya masungit. Ipinikit ko ang mata ko at nanumbalik sa'kin ang ka-epikang nangyari sa pagitan naming dalawa: Isang gabi kasama ng aso niyang hindi ko alam kung ano ang breed.

Ang saya-saya kong nagdidilig ng halaman sa hardin namin. Ako na ang nag-presintang gumawa kasi hilig ko rin naman ang mga bulaklak. Siyempre dahil sa isip bata ako ay naglalaro rin ako ng tubig. Pinapasirit ko ang tubig sa may hose, kaya siyempre malayo ang mararating ng tubig. Kontento at payapa akong naglalaro sa hardin nang biglang may sunod-sunod na gumambala sa'kin.

Claiming my RewardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon