♫♪ Chapter 6 ♫♪

31.4K 533 106
                                    

WINTER

Dalawampu't limang minuto ang nakalipas. Akala ko ay tapos nangunit may new set of sugod-bigla fans na naman siya. Nakalimutan ko 'atang banggitin na hindi lang siya sikat sa school campus kundi maging sa ibang university na rin. Dala iyon nang madalas na pagkapanalo nila sa Battle of The Bands na ginaganap tuwing Nobyembre. Naga-upload din sila sa YouTube ng mga kinakanta nila, self-compositions at covers at maramingtumatangkiliknito. Umaabotng half a million hits angbawat uploaded videos nila. May sarili rin silang facebook fan page, may iba rin na gumagawa ng fan page para sa kanila. Maging sa twitter ay sikat din sila. Naibida na rin sila sa mga TV programs na madalas na nagfe-feature ng mga online sensations. May mga fan fictions na ring dedicated sa kanila. Maraming pagkakataon na nagla-lie low ang banda nila dahil sa pag-aaral ngunit magpagunpaman ay patuloy pa rin sa pagdami ang mga sumusuporta sa kanila.

Nakahalukipkip akong nakatingin sa direksyon ni Shohei. Patience lang dahil panigurado akong panibagong 25 minutes na naman ang aantayin ko.

♫♪♫♪♫♪

Iritable kong tinignan ang relong pambisig ko at napapadyak nang malakas, hindi dahil sa pagka-dismaya kay Shohei kung hindi dahil sa pagkadismaya sa sarili ko, pinapaasa ko lang ang sarili ko, pinupunan ng mga ilusyon na gusto niya 'kong makasama, na kaya niyang hindian ang lahat basta ba ay nasa tabi lamang niya 'ko. Nakakatawa. Nakalimutan wala lang naman kami.

Bagsak ang balikat ay tumayo na 'ko sa kinauupuan ko. Inugatan na ko rito't tinubuan ng mga ligaw at nakalalasong kabute, samantalang ang mga sugod-bigla fans niya ay nandito pa rin. Napansin 'ko na nga na may paulit-ulit na mukha ang pabalik-balik para makapangnakaw ng halik at ng autograph sa kanya. Mas lalo pang nakatagal dahil sa mga picturan.

Mabigat ang mga paa 'kong naglakad palayo sa lugar nila.

Masama talaga sa kalusugan ang pagiging assuming, madi-disappoint ka lang.

♫♪♫♪♫♪

Namalayan ko na lamang ang sarili na narito sa'king tambayan, sa munti kong model house sa hindi munting puno ng narra. Ako lang naman ang nag-aabalang pumunta rito. Alam din ni Alex ang lugar ngunit hindi siya tumatambay rito dahil takot siyang umakyat kahit pa may hagdan namang aalalay sa kanya. Isa pa, takot siya sa mga antik.

Si Shohei naman, sa kabilang banda, ay madalas akong natatanaw mula rito sa tuwing papasok siya ng University. Dito na rin ako minsan gumagawa ng mga takdang aralin. Perfect spot talaga ito kung maituturing. Sobrang tahimik, payapa, at ang sariwa ng hangin. Hindi pa mainit dahil nalililiman ng mga dahon at makakapal na sanga ng Narra ang lugar. Walang estudyante, liban sa'kin, ang gusto maglagi rito, mas pinipili nila ang area kung saan ay makaka-connect sila sa wifi.

Umakyat na 'ko at maingat na pumasok sa munti kong model house upang hindi mauntog at humiga. Binati ko isa-isa ang mga stickers na nakadikit sa kisame: sina Spongebob, Patrick, Squidward, Sandy at Mr. Krabs. Bumuntong-hininga ako. Ang boring. Pero mas ayos naman dito kumpara sa paghihintay ko sa kanya.

Mukha lang akong tanga ro'n. Hindi. Pinagmukha ko lang talagang tanga ang sarili ko roon. Sumakit lang ang mga mata ko sa pagmamasid sa kaniya kasama ng mga tagahanga niya. Hindi rin niya ko nakuhang sulyapan man lang kahit saglit habang nakikipag-piktyuran siya sa mga fans niya. Kahit saglit na tingin at ngiti man lang para sa assurance na 'maghintay ka lang dahil may pupuntahan pa tayo' ngunit wala. Wala akong natanggap mula sa kanya.

Sumakit naman ang likod ko sa kakahiga kaya umupo ako't nangalumbaba. Ugh! Lechugas talaga 'yang si Shohei kahit kailan. Ayoko na. Ayoko na talaga. Ayoko ko ng kuhain ang inaasam-asam kong reward.

Claiming my RewardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon