Chapter 8 : Betrayal

4 2 0
                                    

Jiu's P.O.V.

Habang nag lalakad naisipan ko dumaan kung saan namamalagi ang mga alaga namin.

Ang alaga ko ay Rabbit , si Sua ay malaking sisiw, si Siyeon Wolf, si Dongie pusa, Si Yoohyeon aso, si Dami isang Panda, at si Gahyeon fox naman.

Pinuntahan ko ang alaga ko at kinamusta.

"Pasensya ka na kung hindi kita napupuntahan dito."

Saka ko hinamas himas ang ulo nito.

"Inaalagaan naman namin lahat ng alaga dito kaya wag mo alalahanin ang alaga mo."

Napatingin ako sa nag salita sa likod ko.

"Dami?"

"Bakit parang gulat na gulat ka? Lagi ko sila dinadaanan dito." Dami

Pinakain niya ang alaga niyang Panda.

"Hindi ko lang inaasahan na makikita kita dito ngayon."

"Hindi ko nga din inaasahan na pupunta ka dito sa dami ng ginagawa mo." Dami

Umayos siya ng tayo at hinarap ako ngumiti siya.

"Kamusta ka naman?" Dami

"Ayos lang naman dumaan lang ako dito para kamustahin ang alaga ko."

"Wag ka mag alala inaalagaan din namin ang alaga mo dahil alam namin na busy ka para pumunta dito." Dami

"Dami."

"Hmm?" Dami

"Ako parin ba ang mahal mo?"

Nawala ang ngiti niya

"Jiu Unnie." Dami

"Sa dumaang taon naalala mo parin ba ako?"

Bumuntong hininga siya.

"Oo naman lagi parin kita naaalala hindi naman mawawala yun matagal ang pinag samahan natin tinanggap ko kung ano ang nangyari sa atin." Dami

"Si Yoohyeon na ba?"

Ngumiti siya ng matamis.

"Alam mo ba na siya ang dumamay sa akin nung iwan mo ako. Siya ang lagi nandiyan ang lagi kong kasama nung sawi ako sa'yo saka ako din dumamay sa kanya ayoko na masira ang nabuo naming pag kakaibigan." Dami

"Kaibigan lang?"

"Ayoko na ulit mawala ang taong mahal ko kaya kahit mag kaibigan lang kami basta kasama ko siya at masaya siya. Wag ka mag alala ako na ang bahala sa kanya lagi ako nandiyan para sa kanya hindi ko siya pababayaan kahit anong mangyari." Dami

Tumango tango na lang din ako saka ako umalis pero bago pa ko makalayo ay nakita ko si Yoohyeon sa malayo masama ang tingin sa akin nakita niya na mag kausap kami ni Dami. Napabuntog hininga ako.

Nag sisisi ako na iniwan ko si Dami aamininin ko mahal ko parin siya at hindi yun mawawala mahal ko din ang kapatid ko at ayoko manggulo sa kanila.

...

Nakaupo ako sa trono ko gabi na at wala ng mga tao pero wala pa din ako balak mag pahinga.

"Masyado mo naman ata pinapagod ang sarili mo?"

Napapikit ako ng sumulpot si Yoohyeon sa harap ko gamit ang kapangyarihan niya.

"Ano nanaman kailangan mo? Pwede ba ang dami na nangyari at pagod na ako ayoko makipag talo sa'yo ngayon."

ROSE BLUE (Dreamcatcher Fan Made Story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum