Chapter 3 : Blue Flower

3 2 0
                                    

Sua's P.O.V.

Pag kahatid ko kay Jiu sa kwarto niya ay nagising din naman siya pero kailangan pa niya mag pahinga dahil hinang hina pa siya.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Dongie, bago pa ko pumasok nakita ko si Yoohyeon at Dami na umalis. Pag pasok ko sa kwarto nakita ako ni Siyeon.

"Kamusta si Jiu Unnie?" Siyeon

"Gising na siya pero mahina pa din siya kaya kailangan pa niya mag pahinga."

Tinignan ko si Gahyeon na ginagamot parin ang likod ni Dongie.

"Kamusta si Dongie?"

"Malalim ang sugat niya pero unti unti gumagaling." Gahyeon

"Yung sugat mo?"

"Magaling na, sugat niya agad niya pinagaling bago niya pagalingin si Dongie." Siyeon

Maya maya pa ay natapos si Gahyeon ay nagising na din si Dongie.

"Kamusta pakiramdam mo Dongie?"

"Okay na, salamat." Dongie

"Dongie, wag mo na ulitin yun tinakot mo ko." Gahyeon

"Nandiyan ka naman para pagalingin ako." Dongie

"Bakit kasi hinarang mo sarili mo." Siyeon

"Nakita ko kasi na paparating kay Gahyeon at ang nasa isip ko lang ay mailigtas ko siya." Dongie

"Salamat talaga, Dongie." Gahyeon

Saka niya niyakap si Dongie. Pinag pahinga na namin si Dongie kaya lumabas na kami at pumunta sa mga kwarto namin para mag pahinga.

Hindi ako makatulog sa nangyari kanina dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring masama. Pakiramdam ko hindi pa tapos ang laban.

Tumayo ako at nag tungo ako sa balcony ng kwarto ko para mag pahangin kita din mula dito ang tanawin madilim na kaya buwan at mga bituwin na lang ang mga nakikita.

Napatingin ako sa baba ng balcony nakita ko si Siyeon na kausap ang alaga niyang Wolf na kanina ay katulong namin mas malaki ang wolf niya kesa sa kanya. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya sa alaga niya, narinig ko na lang na nag howl ang alaga niya saka 'to umalis.

Pumasok na si Siyeon sa palasyo kaya tumingin na lang ulit ako sa buwan at mga bituwin.

May biglang dumapo na maliit na ibon ay hindi sisiw sa may gilid at unti unti lumapit sa akin.

Napangiti ako at hinawakan ang ulo nito pababa sa mga pakpak, napapikit pa 'to at parang nagustuhan pa kaya natawa ako.

"Hindi ko alam na gusto mo ang mga ganitong haplos."

Agad napaatras ang maliit na ibon at nag bago ang anyo niya.

"Ginawa ko lang yun dahil nakita kong malungkot ka, nakita ka ng alaga ko na nakatingin sa amin." Siyeon

"Kaya naman pala nag shape shift ka pa para lang paligayahin ako."

Yun ang isa pa niyang kapangyarihan ang mag shape-shift.

"Paano mo pala nalaman na ako yun?" Siyeon

Nakadungaw na din siya sa buwan at mga bituwin.

"Kilala ko ang mga mata mo."

Napatingin siya sa akin. Pag kausap ko kasi siya lagi ko siya tinitignan sa mata.

"Kulay Ocean Blue at Hazel Brown ang mata mo, tingin mo hindi ko makikita yun kahit ibon ka?"

ROSE BLUE (Dreamcatcher Fan Made Story)Where stories live. Discover now