Chapter 4 : Clairvoyance

3 2 0
                                    

Gahyeon's P.O.V.

Nakita ko si Dongie sa may garden nakaupo siya at pinag mamasdan ang mga bulaklak. Nilapitan ko siya at nakita naman niya ako kaya tumayo siya.

"Ang gaganda talaga ng mga bulaklak na mga ginawa mo dito." Dongie

"Talaga? Salamat!"

Natawa naman siya, dumating naman si Dami Unnie.

"Unnie!"

"Dongie Unnie, nakita mo ba si Sua Unnie? Pinahahanap kasi ni Jiu Unnie, kakausapin daw niya hindi kasi mahanap ng mga clone ko." Dami Unnie

Nag iba ang kulay ng mata ni Dongie, naging pula.

"Oo, nasa may likod ng palasyo, nag lalakad lakad siya dun." Dongie

Bumalik na din ang dating kulay ng mata ni Dongie, astig kasi kahit nasaan siya nakikita niya lahat kahit sobrang layo.

"Dahil ba sa nangyari nung isang araw?"

Tumango si Dami Unnie.

"Kakausapin ni Jiu Unnie, si Sua Unnie." Dami Unnie

"May nagawa ata ako?"

Nalungkot na lang ako pero naramdaman ko na tinap ni Dami Unnie ang ulo ko.

"Wag ka malungkot Gahyeon, wala ka naman ginawang masama." Dami Unnie

Napangiti na lang ako biglang sumulpot si Yoohyeon Unnie at inakbayan niya si Dami Unnie kaya nabitawan na niya ang ulo ko.

"Ano meron?" Yoohyeon Unnie

"Pinahahanap ni Jiu Unnie, si Sua Unnie." Dami Unnie

"Samahan na kita, tara." Yoohyeon

Saka niya hinatak si Dami Unnie.

"Kaya ayoko lumapit sa kanila baka sa akin magalit." Dongie

Nilingon ko siya.

"Ganun ba talaga ako? Kaselos selos? Hindi ba nila alam na may asawa na ako? Ako nga una nag asawa sa kanila *pout*"

Inakbayan ako ni Dongie.

"Nah, sobrang cute mo lang talaga kaya lagi ka nila nilalapitan saka alam na alam nila yun, na akin ka. *wink*" Dongoe

Nag kangitian na lang kami pero naramdaman ko pamumula ng pisngi ko. Kahit kelan talaga lagi niya ako pinapasaya kaya mahal na mahal ko din siya.












Jiu's P.O.V.

Nandito ako sa may garden nag lalakad lakad at dinama ang sariwang hangin na dumadaloy sa katawan ko.

Nakita ko si Siyeon sa hindi kalayuan kaya nilapitan ko siya.

"Siyeon?"

"Oh, Jiu Unnie, ikaw pala." Siyeon

Tumayo siya ng maayos at humarap sakin.

"Nag papahangin ka din dito?"

"Oo, nag iisip isip na din." Siyeon

"Iniisip mo yung ginawa mo?"

Napayuko na lang siya.

"Gusto rin kita makausap tungkol dun kaya mag lakad lakad tayo."

Tumango naman siya at nag lakad lakad kami habang nag uusap.

"Patawarin niyo ako sa ginawa ko nung isang araw, Jiu Unnie." Siyeon

ROSE BLUE (Dreamcatcher Fan Made Story)Where stories live. Discover now