Chapter 7 : The Past

2 2 0
                                    

Jiu's P.O.V.

Pinatawag ko si Dami at agad naman siyang dumating.

"Unnie pinatawag mo daw ako?" Dami

Tinignan ko siya.

"Hindi ako clone Unnie hindi ako biglang mawawala." Dami

"Yung huling kausap ko kasi clone at bigla na lang nawala sa harap ko kaya hindi ko sigurado na ikaw talaga."

"Unnie ako nga 'to kasama ko kanina si Yoohyeon ng ipatawag mo ko sa ibang kawal." Dami

"Ikaw nga yan."

Natawa naman siya.

"May ipag uutos ba kayo?" Dami

"Gusto ko lang malaman kung may nasabi ba si Yoohyeon na nakita niya?"

"Ang huli niyang sinabi sa akin yung tungkol sa digmaan lang pero wala na siyang nabanggit pagtapos nun." Dami

Tumango tango naman ako. Napaisip tuloy ako may iba kasi akong nararamdaman.

"Bakit may problema ba Unnie?" Dami

"Wala naman. Salamat kasi lagi ka nandiyan para sa kapatid ko."

"Wala yun gusto ko rin naman na lagi ko siyang kasama kaya wala ka dapat ipag alala sa kanya nasa mabuting kamay siya." Dami

Napangiti na lang ako.

Nakita ko may usok na itim sa likod ni Dami alam ko kung sino ang lalabas dun at si Yoohyeon ang lumabas dun na masama ang tingin sa akin bigla niya hinatak si Dami sa may tabi niya.

"Ano ba kailangan mo kay Dami at pinatawag mo pa siya?" Yoohyeon

"Yoohyeon kinausap lang ako ni Jiu Unnie." Dami

Masama parin ang tingin niya sa akin.

"Hindi ko kukunin si Dami sa'yo."

"Lahat na napunta sa'yo kaya hindi ako papayag na pati si Dami mapunta sa'yo siya na lang ang natitira sa akin kaya sana wag na si Dami." Yoohyeon

Napakuyom ang kamao ko.

"Parang sinabi mo na pinabayaan ka namin."

"Bakit totoo naman si Dami lang ang lagi nandiyan sa tabi ko dahil mas pinili mo ang trono kesa sa taong mahal mo at sa sarili mong kapatid." Yoohyeon

"Hindi ko ginusto 'to alam niyo yan! Ginusto ko ba na ako ang piliin ng inang reyna sa trono? Kung papipiliin ako mas gusto ko makasama ang taong mahal ko."

Napatingin ako kay Dami saka ako napabuntong hininga.

"Pero wala akong magawa dahil sa akin binigay ang trono at kailangan ko kayo protektahan lahat hindi madali para sa akin yun!"

"Yoohyeon tama na yan. Tara na." Dami

Hinatak na ni Dami si Yoohyeon paalis. Alam ko gusto ni Yoohyeon ang trono pero sa akin binigay ng Inang Reyna dahil may nakita siya sa akin. Maayos ang samahan namin pero dahil sa trono lumayo si Yoohyeon at ang taong mahal ko na siya na ang laging kasama.

Hindi ko pwedeng unahin ang nararamdaman ko mas kailangan ako ng kaharian at naiintindihan ni Dami yun.









Dami's P.O.V.

Hinatak ko si Yoohyeon at dinala sa kwarto niya.

"Sige magalit ka dahil inaway ko si Jiu Unnie." Yoohyeon

ROSE BLUE (Dreamcatcher Fan Made Story)Where stories live. Discover now