*blag!*
Agad na napatakbo si Lharby sa kwarto kung sa'n nanggaling ang nabagsak.
"Ito po ba ang kwarto ni Denise?"
"Oo iho, buksan mo na dali. Baka kung ano na nangyari kay Renren..." ibinigay nung matanda ang susi kay Lharby,
Pagkabukas na pagkabukas nila... Isang umiiyak na Lauren Denise ang nakita nila. Nasa may lapag ito katabi ng kama niya. Nakatupi ang dalawang tuhod at nakaub-ob do'n ang mukha.
"Renren!" agad na napatakbo ang matanda
"Nay... Ayoko na 'nay..." umiiyak na sabi ni Lauren
Kitang kita ni Lharby ang masiyahing Denise na ngayon ay umiiyak...
"Ssshhh, Renren... Tahan na. Andito lang ako." niyakap ng matanda si Lauren, inalalayan niyang tumayo si ito at inihiga sa kama at kinumutan..
Agad namang nakatulog si Lauren sa ginawang paghagod sa likod niya ng matanda...
"Iho, ikaw na ang bahala kay Renren ha. Aalis na ko, may kelangan pa kasi akong gawin.."
"S-sige po..." nang makalabas na ang matanda agad niya isinara ang pintuan at lumapit sa tabi ni Lauren.
"Denise... Ano bang meron sa nakaraan mo? Na kahit inalam ko na ang lahat lahat sa'yo hindi ko nalaman? Tsss."
Tinitigan niya ang dalaga, "Ang isang masiyahin at madaling maasar na tulad mo, iyakin pala. Wag ka nang iiyak, ang pangit mo e..." pinunasan niya ang natirang luha sa mga mata ng dalaga.Inikot ni Lharby ng tingin ang kwarto ni Denise, kagaya ito ng kwarto ng isang normal na babae. May sofa siya sa kabilang side ng kama. May dalawang cabinet sa loob. May isang cr. Puro stuffs at displays.
Pero may napansin si Lharby sa kwarto niya....
Wala ito ni isang picture frame...
![](https://img.wattpad.com/cover/3263256-288-k340092.jpg)
YOU ARE READING
The Double Personality Gangster
RomanceWhat if the one you love has a double personality? Pa'no kung ang isang side lang niya ang gusto mo? Handa mo bang tanggapin ang isang side niya na ayaw mo? O iiwan mo nalang siya dahil ayaw mo sa isang side niya? [IILWTBB:SS]
TDPG - 7
Start from the beginning