Tipid akong tumango bilang senyales ng aking pag-intindi. Mayroon din sa loob ko na naghihintay ng karugtong sa mga sinasabi niya ngunit hindi 'yon nangyari.

"Now, get back to your—"

Natigil siya sa pagsasalita nang mag-ingay ang kaniyang telepono. He looked at me, then search for his phone. Tumayo naman ako at astang lilikumin ang mga plato para hugasan nang tingnan niya ako nang masama. He clenched his jaw and pointed the bedroom's door with his eyes, giving me the go-or-else-you'll-be-dead look.

Napanguso ako at wala nang nagawa pa kundi ang sundin siya. Achetbir slid his phone's screen as I turned my back at him. Hahakbang na sana ako nang narinig ko siyang magsalita sa kausap.

"Patriza," aniya.

Palihim kong nahigit ang aking hininga at marahan na itinuloy ang paghakbang.

"Okay, I'll be there in a minute. Tell mom that I'll come," he said on the line.

I smiled bitterly when I reached my bedroom's door. "Yeah, he's just doing this for his conscience, Jandie," I murmured.

I twisted the doorknob and entered the room, leaving Achetbir on the dining table talking with his fiancee.

Napabuntonghininga ako at marahan na hinaplos ang aking tiyan. "I'm sorry, baby, puro stress na lang ang nabigay sa 'yo ni Mommy," pagkausap ko sa batang nasa sinapupunan ko.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang mag-ingay ang aking telepono mula sa bedside table. Agad naman akong naglakad patungo roon at tiningnan ang pangalan na lumalabas sa screen. My forehead creased upon seeing her name on the screen.

Blair?

Mabilis ko iyong ini-slide at itinapat sa aking tainga. "Napatawag ka?" nagtatakang tanong ko sa aking kapatid.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at kinabahan nang narinig ko ang kaniyang hikbi sa kabilang linya.

"A-Ate, si inay naospital," she said.

Napakapit ako sa lamesita bilang suporta dahil sa biglang panlalambot ng tuhod ko. "A-Ano'ng nangyari?" garalgal na tanong ko.

"Inatake siya ng highblood," sagot sa akin ni Blair sa pagitan ng kaniyang hikbi.

Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid sa liyo dulot nang narinig ko mula sa kapatid ko. I'm in the middle of that state when the door suddenly opened.

"I'm going no—What happened to you?" Mabilis na lumapit sa akin si Achetbir at agad na ipinulupot ang kaniyang braso sa aking bewang bilang suporta.

Bakas ang takot at pangamba sa kaniyang mata habang nakatingin sa akin. He also did check my butt part and legs for something.

I swallowed the lump in my throat and gripped my phone tight. Maluha-luha akong tumitig sa kanyang mga mata. Umaasa na magkakaroon ako ng lakas mula roon. 

"K-Kailangan kong umuwi ng probinsya," ani ko.

Nangunot ang kaniyang noo at tumitingin sa cellphone ko. He sighed and brought me to the bed. 

"Give me the phone," utos niya nang nakaupo na ako nang maayos.

Wala sa sarili ko naman iyong ibinigay sa kaniya.

"Hello," he spoke on the line.

"I am Jandie's boss. May I know what's the problem?" pormal niyang tanong.

Hindi ko na naintindihan ang kanilang pinag-usapan dahil lumipad ang utak ko sa sitwasyon ng aking ina. Nanghihina ako at nanlalambot habang iniisip ang hirap na dinadanas niya ngayon. Mabigat ang loob ko dahil wala ako sa tabi niya sa mga panahon na ito.

"Hey."

Bumalik lamang ako sa 'wisyo nang maamo na kinuha ni Achetbir ang atensyon ko. Nakakilo ang kaniyang tuhod para makapantay siya sa aking paningin. Marahan na umangat ang kanyang kamay patungo sa pisngi ko at banayad iyong hinaplos.

"Everything will be okay, don't think too much," he assured.

Mabagal akong umiling at hinayaang kumawala ang aking mga luha. "Kailangan kong puntahan si Inay," nanghihina kong sambit.

Tumayo siya at dinala ang aking ulo sa ibaba ng kaniyang dibdib. "Sssh, don't cry. Kalalabas mo lang ng ospital, makakasama sa 'yo iyan at sa bata. Let me talk to your doctor first for an approval to travel, we need to assure the baby's safety first," he stated.

Hindi naman ako nakasagot pa dahil naiintindihan ko ang kaniyang sinabi. Ganoon pa man ay hindi pa rin nabawasan ang kagustuhan kong puntahan ang ina ko. Ito ang mahirap na parte sa tulad kong nagtatrabaho sa malayo. Gustuhin ko man na palaging nasa tabi ng pamilya ko ay hindi maaari, kailangan kong magtrabaho para sa kanila.

"Rest first, okay? Gigisingin kita kapag may go signal na ang doktor," aniya saka ako inalalayang humiga.

I no longer object to his orders. Bukod kasi sa may punto siya ay pakiramdam ko wala akong lakas para mag-isip at tumutol sa lahat ng kaniyang sasabihin. 

"Sige na, matulog ka na. Tatawagan ko lang ang doktor," mahinahon niyang sabi habang nakatitig sa 'kin.

"Don't you have an appointment?" namamaos kong tanong nang naalala ang narinig kong sagot niya sa kausap.

He stared at me. "Rest, Mendoza," he said instead of answering my question.

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit dahil nakadama rin ako ng pag-aalala para sa kalagayan ng anak namin. Naramdaman ko ang pagtayo ni Achetbir at humakbang palayo mula sa kama. Narinig ko pa ang pagpihit niya sa segundura ng pinto kasabay ng kaniyang pagsasalita.

"Hello, Patriza, I can't go right now. Something urgent happened. I'll explain it when I see you."

May kaunti akong tuwa na nadama sa sandaling narinig ko 'yon mula kay Achetbir, ngunit agad din iyong napalitan ng pait nang naalala na ginagawa niya nga lang pala lahat ng 'to para linisin ang konsensya niya.

Bakit hindi maputol-putol ang buhol ng tadhana sa ating dalawa?

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon