Isang ring pa lang ay sinagot na niya kaagad ang tawag. Gustuhin ko mang kausapin siya ng maayos ay hindi ko na nagawa. Umiyak na muli ako.

"Sera...wala na si Daddy. Critikal si Mommy" balita ko sa kanya.

Mabilis na ibinaba ni Sera ang tawag para kaagad na bumyahe pauwi dito sa Bulacan.

Para akong nakalutang sa ere ng dumaan ang hospital bed na hinigigaan ng walang buhay na si Daddy. Natatabunan na ng puting kumot ang kanyang buong katawan hanggang sa mukha.

Napahawak ako sa aking dibdin at mariing napapikit. Hindi ko inakala na makikita ko siyang ganito. Mahina, walang buhay at ilang oras na lang ay lalamig na. Sanay akong malakas siya, matapang...at palaging galit. Mas gusto ko iyon.

Napabuntong hininga na lamang ako at napatitig sa kawalan. Gusto kong tumakbo, gusto kong makiusap na ibalik nila si Daddy pero wala na. Kahit siya ay alam niyang aalis na siya.

"Maging matatag ka para sa Mommy mo, Stella" emosyonal na sabi ni Manang.

"Kasalanan ko ito Manang. Dapat hindi ko na niyaya si Mommy na umuwi sa Davao" sabi ko sa kanya pero kaagad siyang umiling sa akin.

"Walang may kasalanan nito, Stella. Walang may gusto nito" pagaalo niya sa akin ay muli akong niyakap.

Naging critikal si Mommy. Panay ang dasal ko, wag namang pati siya. Wag naman lahat.

Mula sa pagkakapikit at napamulat ako. Kaagad akong napatayo ng makita ko ang pagdating ng aking kapatid.

"Sera!" umiiyak na tawag ko sa kanya at yumakap. Hindi ko napigilang mapahagulgol sa kanyang bisig.

Niyakap niya ako pabalik. Ramdam ko din ang panginginig ng kanyang mga kamay.

"Si Daddy...wala na" sumbong ko ulit.

Mabilis na pumasok ang asawa nitong si Kenzo sa emergency room at kaagad na nagpakilalang Doctor.

"Bakit ngayon pa? Bakit?" naiiyak na tanong ni Sera sa akin. Maging siya ay hindi din makapaniwala sa mga nangyayari. Maging ako din naman.

Hindi ko kayang pumunta sa morgue kung nasaan si Daddy kaya naman magisang pumunta si Sera duon.

Hindi nagtagal ay dumating ang ilan sa mga Tita ko. Ni hindi ko din masagot ang mga tanong nila kaya naman si Manang na lang ang kinakausap nila.

Nanatili akong nakatanaw sa may emergency room. Pabalik pabalik ako sa pagupo at tayo. Ilang oras din ang hinintay namin hanggang sa sabihin ng Doctor na pwede ng ilipat si Mommy sa ICU.

Hindi nagtagal ay nakuha ang aking atensyon ng mga kararating lang na hindi inaasahang bisita. Si Frank iyon, sa kanyang likuran ay ang ilan sa kanyang mga body guard.

Humahangos siyang lumapit kay Sera. Tumulo ang luha sa aking mga mata ng makita ko kung paano niya niyakap ito. Nagiwas na lang ako ng tingin. Hindi ito ang panahon para mainggit ako. Hindi ito ang tamang panahon para maramdaman ang pangungulila sa yakap niya. Wala namang totoo duon.

"I'm sorry to hear this, Frances" malungkot na sabi niya dito.

Naikuyom ko ang aking kamao. Biglang dumagsa ang galit na aking nararamdaman para sa kanya. Muling bumalik ang lahat sa akin. Ang ginawa niyang panloloko.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Matalim na kaagad ang tingin ko sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong ko sa kanya.

Alam kong para ito kay Sera. Nandito siya para kay Sera. Pero, hindi ba't sinabi ko na sa kanya na ayoko siyang makita. Sigurado namang alam niyang nandito ako. Ayoko siya dito!

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon