"JC," I called his name while we're eating. Nagdesisyon muna kaming kumain bago dumeretso roon sa law firm.

"Hmm?" he just mumbled while chewing his food.

"Do you have a girl you like?"

Dahil nasa harapan ko lang s'ya ay kitang-kita ko na nabulunan s'ya sa pagkabigla dahil sa tinanong ko. Pinukpok n'ya ng ilang beses ang dibdib n'ya habang umiinom ng tubig at ako naman ay patuloy lang sa pagkain.

Guilty 'to, sigurado ako. Ang OA ng reaction, e.

"Ano?" he asked. Bahagya pang tumaas ang boses n'ya kaya napatingin sa amin ang katabi naming table sa fast-food chain na iyon.

"I was asking if you have any girl you like?" I asked again.

Nag-iwas s'ya ng tingin sa akin at mas napatunayan kong guilty nga s'ya! Ano ba 'yan? Mag-aabogado pero hindi magaling magtago ng feelings!

Tumikhim s'ya. "Bakit mo natanong?"

I shrugged my shoulders. "Curious lang." Dumukwang ako palapit sa kanya. "Ano? Meron nga? Sino?"

Nag-iwas ulit s'ya ng tingin, mukhang walang balak sagutin kaya nawala ang excitement ko. I can't believe that he's hiding this to me!

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na nagsalita. I got it. Nirerespeto ko ang privacy n'ya. Hindi naman dahil alam n'ya na halos lahat ng tungkol sa akin ay ganoon na rin ako sa kanya. Choice ko rin naman na sabihin ang lahat ng iyon sa kanya.

Pero nakakatampo pa rin pala. Feeling ko kasi ay hindi s'ya nagtitiwala sa akin gaya ng pagtitiwala ko sa kanya?

Hindi na ulit ako nagsalita pa sa mga sumunod na minuto. Tahimik ko lang pinagpatuloy ang pagkain ko at nahahalata ko naman ang pasulyap-sulyap sa akin ni JC. Kung masama lang akong kaibigan ay iiwan ko s'ya rito at s'ya na lang mag-isa ang pag-apply-in sa law firm na gusto n'ya. But that would be too immature.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni JC.

"Manhid 'yon," he said so suddenly. Napaangat tuloy ang tingin ko sa kanya. "'Yong babaeng gusto ko. Sobrang manhid."

"Hindi n'ya alam na gusto mo s'ya?" I asked. Umiling s'ya.

"Hindi. And I don't think she's ready for a relationship. She'll surely reject me if I confess."

"Sa 'yo? May mambabasted?" hindi makapaniwala kong tanong. Gwapo rin kaya si JC!

He has a cream-colored skin. Makakapal ang mga kilay. Malamlam ang mga mata n'ya na parang hindi kayang magalit ng sobra. He has a pointed nose and reddish lips. His facial features were soft. Bagay na bagay sa ugali n'yang kahit sobra akong mang-asar sa kanya ay hindi nagalit sa akin kailanman.

Plus factor pa 'yung well-built body n'ya. Kaya hindi ko talaga maisip na may babaeng magre-reject sa kanya.

"Yeah. Hindi naman lahat ng babae ay magkakagusto sa akin." Then he looked at me. "Ikaw ba? Kung sakaling sabihin kong may gusto ako sa 'yo, ano'ng magiging reaction mo?"

"Yuck!" agad kong sabi. Napahimas pa ako sa dalawang mga braso ko dahil bigla kong naramdaman ang pananayo ng mga balahibo ko. "Kilabutan ka nga! Kadiri ka."

He chuckled. "See?" he said like he's proving a point. "Sigurado akong ire-reject ako nito."

Gusto ko sanang sabihin na magkaiba naman kami. Na hindi naman ako ang babaeng nagugustuhan n'ya kaya siguro ay may tiyansa s'ya. Pero tumayo na s'ya at nagyaya nang pumunta na kami roon sa firm.

Sa biyahe ay napansin ko ang pananahimik ni JC. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagda-drive s'ya at nakitang seryoso lang s'ya sa pagmamaneho. Nanahimik na lang ako. Siguro ay kabado s'ya sa pag-a-apply namin at sa gagawing interview sa amin.

Chess Pieces Aftermath: Kylo Villarazaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें