Tumingin sa akin si JC na parang nagyayabang dahil tama s'ya matapos sabihin iyon ni Ma'am. Umirap ako at tinanggap na lang na wala na ngang makakapigil sa pag-o-OJT namin sa Cervantes and Villaraza Law Offices.

Nagpatuloy sa discussion si Ma'am na ilang minuto lang ang itinagal dahil nagbilin lang naman s'ya para doon sa mga hindi pa nakakahanap ng mapag-o-OJT-ihan. Pagkatapos ay kinausap n'ya iyong mga pwede nang magsimula at isa-isa silang binigyan ng endorsement letter.

Wala tuloy kaming magawa nang mga panahong iyon. Ang iba ay nagkukuwentuhan at nagpaplano kung saan mag-a-apply. Limang buwan lang kasi ay dapat matapos na namin ang pag-o-OJT. Kung hindi ay baka hindi pa kami maka-graduate kapag hindi namin natapos ang required na eight hundred hours.

"E di sana makakapagsimula na rin tayo!" paninisi sa akin ni JC habang pinapanood ang mga kaklase namin na kinukuha ang mga endorsement letter nila. "Paano kung naunahan na tayo? Ayokong mag-OJT sa iba!"

"Hindi 'yan," pang-aalo ko sa kanya kahit ako mismo ay hindi sigurado.

Paano nga kung naunahan na kami at may natanggap na sila for OJT? Siguradong patay ako nito kay JC!

He looked at me. Ang katawan n'ya ay nakaharap sa akin bago ako tinitigan nang seryoso.

"Mag-apply na tayo mamaya."

Napamulagat ako.

"Agad-agad?!"

Napairap s'ya kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Mukhang inis na inis na s'ya sa akin dahil sobrang excited na s'ya na makatrabaho si Attorney Villaraza pero ako ay walang kainte-interes.

"Kailan mo gusto? Next year?" inis n'yang tanong. "Gusto mong nagmamartsa na ang mga kaklase na'tin while we're still stuck finisihing the eight-hundred hours?!"

Tinawanan ko ang nakitang inis sa mukha n'ya na mas lalo n'yang ikinainis. Magkasalubong ang mga kilay n'ya habang nakatitig sa akin na hindi matapos sa kakatawa. Tumigil lang ako nang makitang seryoso na nga s'ya.

Binibiro lang, e.

"Okay." I cleared my throat. "Good thing na medyo formal naman ang suot ko ngayon... pero nasaan ang resume na'tin?"

"Nasa kotse," sagot n'yang parang balewala lang pero ikinagulat ko iyon.

"Ginawan mo na ako?" I asked, surprised was in my voice.

Hindi ko alam 'yon? I mean paano roon sa mga credential na kailangang ilagay rin doon pampabango man lang?

He sighed. "Magkasama na tayo mula pagkabata, AJ. Alam ko na ang lahat nang tungkol sa 'yo," he said na parang nabasa kung anong pinoproblema ko kanina.

Tinitigan ko s'ya pero maya-maya ay tumango na lang. Ang galing naman n'ya? Ako nga ay may ilang mga bagay na hindi pa alam tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa business matters na pinuntahan n'ya kasama ang Dad n'ya kaya bigla s'yang nagyaya na pumunta sa firm ni Attorney Villaraza kinabukasan noon. And stuffs like if he likes someone right now. Wala pa kasi akong nababalitaang nagugustuhan n'ya.

Ang daming mga babae ang hayagang nagpapakita ng pagkagusto para sa kanya pero kahit kailan ay wala s'yang sinabi sa akin tungkol doon. O kahit man lang na gusto n'yang ligawan, wala.

Baka itinatago n'ya lang? Kung ganoon ay magtatampo ako sa kanya. Kilalang-kilala n'ya na ako na nakagawa pa nga s'ya ng resume ko tapos ay maglilihim s'ya sa akin sa babaeng nagugustuhan n'ya?

Dahil iisang subject lang ang klase namin noong araw na iyon at isa't kalahating oras lang ang itinagal ay pumayag na ako sa kagustuhan ni JC na ngayon na rin mag-apply sa Cervantes and Villaraza Law Offices. Wala na akong takas, e. Nakagawa na s'ya ng resume namin, maayos naman ang damit ko ngayon, maaga pa para umuwi, at wala rin naman akong gagawin sa bahay.

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaWhere stories live. Discover now